21/12/2020
📢
Noong huling biyernes, ika-18 ng Disyembre, naiturn over na ng aming The HB Project team, kay Brgy. Kagawad Rosal Barugo, ang aming proyekto para sa mga mamamayan ng Brgy. Bonga na mayroong altapresyon. Nabigyan ang barangay ng 110 na set ng mga kalendaryong para sa taong 2021 na naglalaman ng mga paalala tungkol sa sakit na altapresyon. Sa tulong ng aming adviser na si Dr. Carmelli Brocales at ng Rotary Club of Legazpi North, nakapagbigay rin kami ng face shields para sa mga frontliners ng Bonga. Naiabot na rin ang premyong home prepaid wifi para sa first prize winner ng Ang BP Ibaba Tiktok Contest na si Mr. Jimelito Balute.
Nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa Barangay Council ng Bonga sa pamumuno ni Brgy. Kapitan Teody Bigol at sa Sangguniang Kabataan-Bonga na pinamumunuan din ni SK Chairman Christian Belen, sa pag gabay at pagtulong sa amin upang maisakatuparan itong aming munting proyekto.