Malnutrisyon Putol, Sana ol

  • Home
  • Malnutrisyon Putol, Sana ol

Malnutrisyon Putol, Sana ol PUTOLin ang Malnutrisyon sa Barangay Putol!

May tagisan daw ng talino 💯 tungkol sa pagpapasuso 👩🏻‍🍼 at sa complementary feeding 🥣 sa Brgy. Putol? SANA OL!Susubukin ...
07/12/2023

May tagisan daw ng talino 💯 tungkol sa pagpapasuso 👩🏻‍🍼 at sa complementary feeding 🥣 sa Brgy. Putol? SANA OL!

Susubukin ng mga Community Nutrition Practicumers 🍯 ang kaalaman ng mga nanay sa pagpapasuso at pagpapakain ng batang hanggang 2 taong gulang 👶🏻, sa pangunguna ni Janelle Sofia Cruz 👩🏻‍🏫.

Kasabay ng piyesta ng Immaculate Conception ✝️ ngayong Disyembre 8, sumama sa pa-quiz bee para sa mga ina 🤰🏻👩‍👧‍👦 na naglalayong isulong ang tamang kaalaman sa breastfeeding 👩🏻‍🍼 at complementary feeding 🥣.

Ang mga sasali sa tagisan ng talino 🤓 ay magkakaroon ng kanya-kanyang Noche Buena Packages 🎄, at ang mga magwawagi 🥇🥈🥉 ay makakakuha ng karagdagang papremyo para kay mommy at baby 🚼🧷.

Layunin ng palarong ito na makapagbigay saya at mapalawak ang kaalaman ni mommy 🤱🏻 para sa malusog na kinabukasan ni baby. 🍼


Bukas na ‼️ ang ikalawa 2️⃣ at ikatlong 3️⃣ parte ng nutri chikahan kasama ang mga nanay sa Brgy. Putol. 🗣🤰🏻 SANA OL!Mak...
05/12/2023

Bukas na ‼️ ang ikalawa 2️⃣ at ikatlong 3️⃣ parte ng nutri chikahan kasama ang mga nanay sa Brgy. Putol. 🗣🤰🏻 SANA OL!

Makilahok sa Immunization Day ng mga bata sa Brgy. Putol Health Center💉🚸 kung saan magsasagawa ng maikling nutrition counseling 🧑🏻‍🏫 at mamimigay ng nutrition education materials 📑 ang mga mag-aaral habang naghihintay sa pila sina mommy. 🏥

Chichikahin naman ang mga soon-to-be mommies na dadalo sa Buntis Congress sa hapon ng Disyember 6. 🤰🏻🤰🏼🤰🏾 Sa pangunguna ni Nurse Kalai at ng mga practicumers, tatalakayin nila ang mga sumusunod:
• Ligtas na pagbubuntis 🤰🏻💝
• Mga gawaing dapat simulan 🟢, tigilan 🔴, at pag-isipan 🟡 para maiwasan ang Gestational Diabetes Mellitus 🍫✖️ at Gestational Hypertension 🥓✖️.

Parte ito ng programang "Chikahan with Mommy para Chikiting ay Healthy" 🗣️🚦 na naglalayong ilapit sa mga nanay ng Brgy. Putol 🌴 ang kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon at pagkain 🥕🥗 para sa kanila ni baby.


May panibagong piyesta raw sa Brgy. Putol? 🎪 SANA OL!Pero hindi 'to basta-basta dahil buong pamilya ang kasama sa Hygien...
30/11/2023

May panibagong piyesta raw sa Brgy. Putol? 🎪 SANA OL!

Pero hindi 'to basta-basta dahil buong pamilya ang kasama sa Hygiene Fiesta 🛀🏻🧼🪥 ng Community Nutrition Practicumers 🍑, sa pangunguna ni Czarylle Juliana Dela Torre. 👩🏻‍🏫

Sumama sa panibagong pagdiriwang 🎠🎡 sa barangay ngayong Disyembre 1, na naglalayong isulong ang wastong Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) practices para sa buong pamilya.

Ibibida sa Fiesta 🎟️ ang 4 na stations na magtuturo ng mga sumusunod: (1) wastong paraan ng paghuhugas ng kamay 🧼, (2) pagsisipilyo ng ngipin 🪥🦷, (3) pagtapon ng basura 🗑️, at pagkuha ng malinis na tubig 🚰. May ipapabaon ding hygiene kits 🪥🧼🫧 sa mga pamilyang dadalo upang matulungan silang ituloy-tuloy ang mga naituro sa kanila.

Layunin ng programang ito na payabungin ang kaalaman ng buong pamilya 👨‍👩‍👧‍👦 sa wastong WASH practices 🫧; dahil ang pamilyang malinis ay mas malusog at maligaya. ✨


Isusulong daw ang wastong pagtatapon ng basura sa Brgy. Putol? ♻️🗑️ SANA OL!Wastong segregation 🟢🔴🔵 at composting 🕳️🚮 an...
29/11/2023

Isusulong daw ang wastong pagtatapon ng basura sa Brgy. Putol? ♻️🗑️ SANA OL!

Wastong segregation 🟢🔴🔵 at composting 🕳️🚮 ang isusulong ng Community Nutrition Practicumers 🍌 sa limang sitio ng Brgy. Putol, sa pangunguna ni Lara Baes 👩🏻‍🏫.

Gaganapin ngayong Nobyembre 29 ang pamamahagi ng 12 basurahan 🗑️🚮 sa iba't ibang lugar sa barangay. 6 dito ay para sa mga nareresiklo (recyclable) ♻️🟦, at tig-3 naman para sa nabubulok (biodegradable) 🍏🟩 at hindi nabubulok (non-biodegradable) ❌🟥.

Kalakip ng bawat basurahang 🗑️ itatayo ay ang paglalagay ng educational tarpaulins 🔲🔳 na naglalayong magturo ng impormasyon ukol sa wastong paghihiwa-hiwalay ng basura o 'segregation' 🍌🍬🥫; gayundin sa paggawa ng hukay o 'compost pit' 👩🏻‍🌾.

Sa proyektong ito, layunin nila na makatulong sa pagsasa-ayos ng waste management system sa Brgy. Putol upang mapaunlad hindi lang ang kanilang kapaligiran 🌳🌴, kundi maging ang kanilang kalusugan 🍏🥗.


May cooking demo raw ng Coco Jam para sa mga nanay sa Brgy. Putol? 🥥 SANA OL!Makiki-jam sa paggawa ng masarap na Coco Ja...
24/11/2023

May cooking demo raw ng Coco Jam para sa mga nanay sa Brgy. Putol? 🥥 SANA OL!

Makiki-jam sa paggawa ng masarap na Coco Jam 🥥🍯 ang mga nanay ng Brgy. Putol kasama ang mga Community Nutrition Practicumers 🍆, sa pangunguna ni Leila Gonzales. 👩🏻‍🏫

Sumama sa cooking demo sa Nobyembre 25 na naglalayong turuan sina mommy ng food preservation techniques 👩🏻‍🍳🥫, wastong sterilization methods 🔥, at aktwal na paggawa ng Coconut Jam na star ng ating programa ✨.

Hindi lang iyan, dahil tutulungan din silang makapagsimula ng bagong kabuhayan 💵 sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood package 🛍️🛒 at pakikipag-ugnayan sa mga interesadong seller at distributor ng gawa nilang Coco Jam. 🥥🍯

Sa pamamagitan ng programang ito, layuning matugunan ang mga suliranin sa wastong pag-iimbak ng pagkain at mabigyan ng dagdag kita ang mga pamilya sa Brgy. Putol. 🏡🌴


May nutri chikahan daw kasama ang mga nanay sa Brgy. Putol? 🗣 SANA OL!Hindi lang isa ❌, hindi rin dalawa 🚫, kundi tatlon...
23/11/2023

May nutri chikahan daw kasama ang mga nanay sa Brgy. Putol? 🗣 SANA OL!

Hindi lang isa ❌, hindi rin dalawa 🚫, kundi tatlong 3️⃣ beses makikipag chikahan ang mga Community Nutrition Practicumers 🍎 sa mga nanay ng Barangay Putol, sa pangunguna ni Karl Adrian Cristobal. 🧑🏻‍🏫

Sumama sa pag-iikot sa bawat sitio sa Nobyembre 24 at Nobyembre 29, at pagbabahay-bahay 🏠👣 upang chikahin si mommy ukol sa wastong nutrisyon at pagkain nila ni baby. 🏡🥕 Isasabay na rin dito ang usapan tungkol sa kahalagahan ng kumpletong bakuna para sa mga chikiting. 🤓💉

Makilahok sa Disyembre 6 para sa Immunization Day ng mga bata sa Brgy. Putol Health Center💉🚸 kung saan magsasagawa ulit ng maikling nutrition counseling 🧑🏻‍🏫 at mamimigay ng nutrition education materials 📑 ang mga mag-aaral habang naghihintay sa pila sina mommy. 🏥

Panghuli, samahan kaming chichikahin ang mga soon-to-be mommy na dadalo sa Buntis Congress, sa hapon ng Disyember 6. 🤰🏻🤰🏼🤰🏾🤰🏿 Tatalakayin sa kanila ang mga gawaing dapat simulan 🟢, tigilan 🔴, at pag-isipan 🟡 para maiwasan ang Gestational Diabetes Mellitus 🍫✖️ at Gestational Hypertension 🥓✖️.


Nutrition Interventions, APPROVED NA APPROVED! ✅🗓️ Noong Nobyembre 14, inilatag ng mga miyembro ng “Malnutrisyon Putol, ...
21/11/2023

Nutrition Interventions, APPROVED NA APPROVED! ✅🗓️

Noong Nobyembre 14, inilatag ng mga miyembro ng “Malnutrisyon Putol, Sana Ol!” ang naging resulta ng kanilang Community Nutrition Assessment at mga pinaplanong programa sa Barangay Development Council (BDC). Kabilang sa mga nakilahok ay ang Punong Barangay, mga Kagawad, Barangay Health Workers, at Barangay Nutrition Scholar ng Brgy. Putol.

Kasama sa presentasyon ay ang pagresolba sa mga katanungan at suhestiyon ng BDC ukol sa mga inilatag na programa. Inusisa at tinugma rin ang mga nakatakdang schedule upang hindi sumabay sa ibang mga kaganapan sa baranggay.

Sa pagtatapos ng presentasyon ay siniguro ng Sangguniang Barangay ng Putol na suportado nila ang mga mag-aaral sa kanilang mga adhikain; kaya rin 'approved na approved' ang mga inilatag na programa ng grupo.

Kaya naman, sabay sabay na sinambit ng lahat: “Malnutrisyon Putol, Sana Ol!”


Gupit at Dikit sa Barangay Health Center ✂️🖼️Lumabas ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral nang sila ay nakilahok sa pag-a...
16/11/2023

Gupit at Dikit sa Barangay Health Center ✂️🖼️

Lumabas ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral nang sila ay nakilahok sa pag-aayos ng mga health and nutrition posters para sa Health Center ng Brgy. Putol noong ika-8 ng Nobyembre.

Bukod sa pagpapaganda ng Health Center ay layunin nitong makapagbahagi ng tamang impormasyon sa mga residente nito tungkol sa kalusugan, nutrisyon, family planning, at iba pa.


Monthly Immunization and Check-up Day sa Brgy. Putol 💉🩺Tumulong ang Malnutrisyon Putol, Sana Ol! sa buwanang Immunizatio...
16/11/2023

Monthly Immunization and Check-up Day sa Brgy. Putol 💉🩺

Tumulong ang Malnutrisyon Putol, Sana Ol! sa buwanang Immunization Day sa Health Center ng Barangay Putol.

Kinuha ng mga mag-aaral ang sukat ng timbang at taas ng mga bata bago mabakunahan. Sila rin ay naatasang mag-interbyu at kumuha ng blood pressure ng mga nanay na pumunta para sa kanilang pre-natal check-up at family planning.


Community Nutrition Assessment sa Brgy. Putol 📋‼️Noong Oktubre 25 at 27, bumisita ang mga mag-aaral sa 20 kabahayan sa l...
16/11/2023

Community Nutrition Assessment sa Brgy. Putol 📋‼️

Noong Oktubre 25 at 27, bumisita ang mga mag-aaral sa 20 kabahayan sa limang sitio (Sitio Urea, Sitio Ilaya, Sitio Gitna, Sitio Labasin, at Sitio Lumbo) ng Barangay Putol upang ma-interbyu at makausap ang mga nanay ng mga batang edad 0-59 buwang gulang. Kasama rito ang mga bata na itinuturing na may malnutrisyon na naitala sa huling Operation Timbang Plus noong Agosto 2023.

Ininterbyu ang mga nanay gamit ang BIDANI Questionnaire at ang Diet Diversity Survey habang ang mga bata ay sinukat ang timbang at taas. Gayundin, ang mga nanay na nagpapasuso o buntis ay kinuhanan ng parehong mga datos.

Ito ay bahagi ng Community Nutrition Assessment ng mga mag-aaral na isinagawa upang malaman ang mga posibleng dahilan ng malnutrisyon sa mga bata sa Barangay Putol.


Address

Brgy. Putol, Dolores

4326

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malnutrisyon Putol, Sana ol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business?

Share