Rizal Super Health Center - Rizal, Nueva Ecija

Rizal Super Health Center - Rizal, Nueva Ecija The Official page of Super Health Center of Rizal, Nueva Ecija

⛑️ Protektahan ang sarili laban sa heart attack at stroke. ⛑️Kapag may nararamdamang sintomas, huwag mag-atubili. Magpat...
05/06/2026

⛑️ Protektahan ang sarili laban sa heart attack at stroke. ⛑️

Kapag may nararamdamang sintomas, huwag mag-atubili. Magpatingin agad o tumawag ng tulong medikal. 🩺

Hindi kailangang laging pagod para masabing produktibo. Ang sapat na pahinga ay tulong para sa mas malinaw na isip at ma...
03/06/2026

Hindi kailangang laging pagod para masabing produktibo. Ang sapat na pahinga ay tulong para sa mas malinaw na isip at mas maayos na pakiramdam. 💭

Hindi kailangang laging pagod para masabing produktibo. Ang sapat na pahinga ay tulong para sa mas malinaw na isip at mas maayos na pakiramdam. 💭

Magandang balita Rizaleños! Simula bukas June 2,2026 (martes) ay magkakaroon na po muli ng Anti-Rabies Vaccine (all dose...
01/06/2026

Magandang balita Rizaleños!

Simula bukas June 2,2026 (martes) ay magkakaroon na po muli ng Anti-Rabies Vaccine (all doses).

🕗 Oras ng Serbisyo: 8:00 AM – 2:00 PM (Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes)

❎Walang schedule ng bakuna twing araw ng Myerkules, Sabado, Linggo at Holiday.

Saklaw ng iskedyul na ito ang mga sumusunod:
ALL DOSES
✔️ 1st dose
✔️ Mga Follow-up na Dose
✔️ Booster Shot

📌 Mga Dapat Dalhin:
• Birth Certificate ng pasyente o Valid ID
• Valid ID ng magulang o guardian kung ang pasyente ay menor de edad
• Para sa Booster dose: Dalhin ang Anti-Rabies Vaccine Card kung dati nang nakatanggap ng Anti-Rabies Vaccine

📌 Paalala: Siguraduhing makapunta sa loob ng itinakdang oras upang kayo ay makatanggap ng bakuna.

Maraming salamat po at manatiling ligtas.

🦟 June is National Dengue Awareness Month! 🌧️Ngayong nagsisimula na naman ang tag-ulan, mas mabilis mag-ipon ang tubig n...
01/06/2026

🦟 June is National Dengue Awareness Month! 🌧️

Ngayong nagsisimula na naman ang tag-ulan, mas mabilis mag-ipon ang tubig na siyang paboritong paitlugan ng mga lamok na nagdadala ng Dengue. Huwag nating hayaang magkasakit ang ating pamilya!

Ugaliin natin ang 5S Strategy para sa ligtas na komunidad:

🔍 Search and Destroy – Galugarin at sirain ang mga paitlugan ng lamok. Baligtarin ang mga bakanteng balde, linisin ang mga gutter, at palitan ang tubig sa mga flower vase linggo-linggo.
👕 Secure Self-Protection – Magsuot ng mahahabang manggas at pantalon, at gumamit ng mosquito repellent araw-araw.
🩺 Seek Early Consultation – Kung may lagnat na nang dalawang araw o higit pa, huwag nang magpatumpik-tumpik. Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o ospital.
💨 Support Fogging/Spraying – Makilahok at suportahan ang fogging operations sa inyong barangay, lalo na kung may banta ng outbreak.
💧 Sustain Hydration – Siguraduhing sapat ang iniinom na tubig o oral rehydration solution para maiwasan ang malalang dehydration.

Ang pag-iingat ay nagsisimula sa ating sariling bakuran. Kaya mo, kaya ko, kayang-kaya ng buong barangay kung tayo ay magkakaisa! 💪



Sa gitna ng dilim, may liwanag na naghihintay.Hindi ka nag-iisa, may PDEA na handang umalalay.Hindi pa huli ang bumangon...
28/05/2026

Sa gitna ng dilim, may liwanag na naghihintay.
Hindi ka nag-iisa, may PDEA na handang umalalay.
Hindi pa huli ang bumangong muli.
Bitawan ang bisyo, yakapin ang pag-asa.
Magpa-REHAB. Simulan mo ngayon.





Hindi lahat ng naririnig natin tungkol sa mental health ay totoo. 💭Let’s break the myths and focus on the facts. Mental ...
13/05/2026

Hindi lahat ng naririnig natin tungkol sa mental health ay totoo. 💭

Let’s break the myths and focus on the facts. Mental health conditions are real, treatable, at hindi dapat ikahiya. Lahat deserve ng understanding at tamang suporta. 💙

Mommy, piliin ang ligtas na panganganak sa health facility! 🤱✨ Mas panatag ang panganganak kapag may trained health prof...
13/05/2026

Mommy, piliin ang ligtas na panganganak sa health facility! 🤱✨

Mas panatag ang panganganak kapag may trained health professionals, kumpletong kagamitan, at agarang serbisyong medikal kung kinakailangan. 💖

Ang ligtas na delivery ay mahalaga para sa kalusugan ni mommy at baby.

Magpacheck-up nang regular at magplano ng facility-based delivery. 🏥


Happy Mother's Day! ❤️Happy Safe Motherhood Week!🤰🏻 ✅ GAWING MAS LIGTAS ANG PAGBUBUNTIS, PANGANGANAK, AT POSTPARTUM PERI...
10/05/2026

Happy Mother's Day! ❤️
Happy Safe Motherhood Week!🤰🏻

✅ GAWING MAS LIGTAS ANG PAGBUBUNTIS, PANGANGANAK, AT POSTPARTUM PERIOD!
🏥 Kumonsulta sa health centers para sa wasto at ligtas na pangangalaga.
🏥 Manganak sa health facility upang masiguro ang ligtas na delivery.
🏥 Kumpletuhin ang 8 prenatal check-ups habang buntis, at 4 postnatal check-ups pagkatapos manganak.

Sa Bagong Pilipinas, Bawat Nanay Mahalaga, Bawat Buntis Mahalaga!

Alinsunod sa Proclamation No. 200, s. 2002, ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Mayo ang Safe Motherhood Week, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina (Mother's Day), bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kalusugan, kaligtasan at sakripisyo ng bawat nanay.

‼️DOH: ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON TUNGKOL SA HANTAVIRUSES‼️Detalye sa comment section.
09/05/2026

‼️DOH: ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON TUNGKOL SA HANTAVIRUSES‼️

Detalye sa comment section.

Address

Maharlika Highway, Del Pilar
Del Pilar
3127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal Super Health Center - Rizal, Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share