Ate Cham Vlog

Ate Cham Vlog Even to your old age & gray hairs,
i will sustain u, i will carry u and i will rescue u. Isaiah 46:4

06/05/2026
06/01/2026
05/31/2026

May bahid ng katotohanan ang pyesang ito na matagal ng umiiral sa internet, kayat itoy aking ibabahagi sa inyo. Sana po ay walang magalit sa ating mga kababayan sa America o sa lupang ating sinilangan, Humihingi po ako ng paumanhin sa may akda nito dahil sa pag edit at paglilinis ng artikulong ito.

BUHAY AMERICA TALAGA!!!
Akala ng mga tao sa Pilipinas (kagaya ko rin nuon) kapag nasa America ka madami kang pera.
Ang totoo madami kang utang dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili.
Kailangan mong gumamit ng credit card para magka credit history ka. Kasi pag di ka umutang o Wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag Wala kang credit card, ibig sabihin Wala kang kapasidad na magbayad.
Akala nila mayaman ka na, kasi May kotse ka.
Ang totoo kapag d ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya, sa ilalim ng init ng araw o kaya ay sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.
Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo puro ka trabaho. Kasi pag di ka nag trabaho Wala kang pambayad sa bills mo; kotse, credit card, koryente, tubig, insurance, internet, house rent, food, groceries etc.
Hindi ka na dito pweding tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila sa kanilang mga hanap buhay same thing with you.
Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo kailangan mong ngumiti kasi magbabayad ka ng hundreds of dollars para makarating ka doon. Kailangan mo n nmn ang 10hrs na sweldo mo para ibayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dollars na thousands pa ang sweldo mo. Ang totoo malaki nga ang palitan ng dollar sa peso Pero dollar din ang ginagastos mo sa America.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon milyong dolyares din ang utang mo.
Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay mobnaman, 30 years mong huhulugan. Ibig sabihin alipin ka ng bahay at ng kotse mo. Dahil kailangan mong magtrabaho para may maibayad ka monthly sa kotse at sa bahay mo.
Oo ngat mahirap maging pangkaraniwan at normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho, Pagdating ng sweldo madalas ay kulang pa sa mga pangangailangan mo. Pero walang pinagkaiba ito sa ibang bansa tulad ng America. Kailangan mo tlgang magbanat ng buto at mag sakripisyo para mabuhay ka ng maayos maging sa America. Minsan Mas masahol pa ang dinadanas namin sa mga dayuhan kesa sa karanasan ninyo sa Pilipinas.
Pagkatapos kong marating ang ibat-ibang mga bansa sa Asia, Middle East, Europe & America ๐Ÿ‡บ๐Ÿ‡ธ iisa lang ang natiyak at napatunayan ko.
Totoong may Dios sa Tatlong Persona ng ka Diyosan. At Sila ang tanging nagbibigay ng lahat ng kailangan at hinahanap ng mga tao. Kapag sila ay kasama mo sa madilim na mundong iyong kina lalagyan; yan man ay bagyo, tornado, tsunami, lindol, digmaan รกt volcanic eruptions; magkakaroon ka ng inner peace of mind, true happiness and joyful heart, satisfaction and real contentment & comfort in life.
I therefore conclude; walang kwenta o halaga ang buhay ng tao na walang malalim na relasyon sa Dios. Having a close and deeper relationship with Jesus is living with peace and harmonious life in this world ๐ŸŒŽ

11/16/2025

Address

San Pablo City
San Fransisco, CA

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+14157282564

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ate Cham Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share