ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital

  • Home
  • ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital

ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital, Health & Wellness Website, Aruga sa Kabataan, 5th Floor, OPD-PHU Bldg., JBLMGH, Dolores, CSFP, .

Our facility is dedicated to providing a safe, accessible, and youth-friendly environment that addresses the unique health needs of adolescents in our community.

22/05/2026

Mga kabataan alam nyo ba na kahit mga bata pa tayo ay pwede na tayong magka alta presyon?🩺

Kaya ngayong samahan nyo kami at ating alamin ng mga sanhi ng pagtaas ng presyon natin kahit tayo'y mga bata pa lamang, at ano ang pwede nating gawin para makaiwas dito.

🚨Mga dahilan ng pagtaas ng presyon:

🔴Lifestyle

🏋‍♂️ Kulang sa ehersisyo
😓Matinding stress
🙄 Laging puyat
🚬Paninigarilyo o va**ng
🍺Pag inom ng alak

🔴Pagkain
🍿🍖Maalat at matatabang pagkain

🔴Namamana

🟤️Sintomas
Minsan walang sintomas, pero puwedeng magkaroon ng:

🔹️Madalas na sakit ng ulo
🔹️Pagkahilo
🔹️Panlalabo ng paningin
🔹️Mabilis na tibok ng puso
🔹️Madaling hingalin

🩺Kailan magpapatingin:
️Magandang magpacheck kung

📍Paulit-ulit mataas ang BP reading
📍May obesity o family history
📍May sintomas tulad ng matinding sakit ng ulo o chest pain

🔎️Para maiwasan o makontrol
✅️Bawasan ang alat at processed food
✅️Regular na exercise
✅️Tamang tulog
✅️Iwas yosi/vape at alak
✅️Magbawas ng timbang kung overweight
✅️Regular BP monitoring

💡Mga kabataan, hindi hadlang ang murang edad para magkaroon ng alta presyon kaya mahalagang pangalagaan ang kalusugan habang maaga.

"Ang malusog na kabataan ay may mas magandang kinabukasan."💪🩷

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.






https://www.facebook.com/share/v/1EQbmimouF/

Mga magulang, ano kaya ang pwede natin gawin para maging komportable ang ating mga anak sa araw ng kanilang bakuna?💉Ngay...
15/05/2026

Mga magulang, ano kaya ang pwede natin gawin para maging komportable ang ating mga anak sa araw ng kanilang bakuna?💉

Ngayong, samahan nyo muli kami para ating alamin ang mga dapat nating gawing suporta sa maga anak natin sa araw mg kanilang pagpapabakuna.

💡Tips para masuportahan ang bata sa pagpapabakuna:

📌1 Ipaliwanag nang simple at tapat
-Sabihin kung bakit mahalaga ang bakuna,

☺️2.Iwasang takutin ang bata
-Huwag gamitin ang bakuna bilang panakot.

🏀🍭3.Magdala ng pampakalma o paboritong gamit
-Puwedeng laruan, kumot, o snacks pagkatapos ng bakuna para mas komportable siya.

👩‍🍼4.Yakapin o hawakan ang kamay niya
-Nakakatulong ang physical comfort para mabawasan ang takot at kaba.

📌5.Turuan ng malalim na paghinga o pagbilang
Habang tinuturukan, puwedeng -magbilang o huminga nang dahan-dahan para ma-distract siya.

👏6. Purihin pagkatapos
-Sabihin na naging matapang siya. Kahit maliit na reward o simpleng papuri ay malaking tulong.

♥️7. Alagaan pagkatapos mabakunahan
-Bigyan ng tubig, pahinga, at obserbahan kung may lagnat o pananakit.

📍Mga magulang, ang pagpapakita ng pagmamahal, pag-unawa, at suporta ay nakatutulong upang maging positibo ang pananaw ng bata sa pagpapabakuna at sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

Ang batang may suporta ng magulang ay mas handang harapin ang anumang hamon para sa kanilang kaligtasan at kalusugan.👶💪🩷

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.






Credit to Source of Posters:World Health Organization

Ano nga ba ang cervival cancer at pano makakaiwas na magkaroon ng ganito?Kabataan, mga babae samahan nyo muli kami ngayo...
08/05/2026

Ano nga ba ang cervival cancer at pano makakaiwas na magkaroon ng ganito?

Kabataan, mga babae samahan nyo muli kami ngayong at ating talakayin ang patungkol sa cervival cancer.

Ang cervical cancer ay kanser na nagsisimula sa cervix — ang ibabang bahagi ng matres na konektado sa puwerta.

Ano ang sanhi?

Isa sa pangunahing sanhi nito ay ang human papillomavirus (HPV), isang karaniwang virus na naipapasa sa s*xual contact.

🔎Paano ito natutukoy:

✅️Pap smear – para makita ang abnormal cells
✅️HPV test – para malaman kung may high-risk HPV
✅️Minsan biopsy kung may kahina-hinalang findings

Paano ito maiiwasan?

💉HPV vaccine – malaking tulong para maiwasan ang high-risk HPV
🔎Regular Pap smear / screening
🩸Safe s*x practices
Panatilihing malusog at malakas ang pangangatawan:
🚬Pag iwas sa paninigarilyo at iba pang bisyo

📌Maaari ba itong magamot?
Oo, lalo na kung maagang natukoy. Maaaring gamutin sa pamamagitan ng:

🔶️Operasyon
🔶️Radiation therapy
🔶️Chemotherapy

💡Tandaan, ang kalusugan ng kababaihan ay mahalaga kaya magpabakuna, magpasuri para cervical cancer ay maiwasan.🩷

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.






Poster/IEC Source:World Health Organization

01/05/2026

Ano ba ang kahalagahan ng pagpapabakuna kay baby?👶

Ngayong samahan nyo muli kami at ating talakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pagpapabakuna sa mga bata.

Ang pagbabakuna sa mga bata ay isang mahalagang paraan upang ma protektahan sila laban sa iba't ibang sakit na maaring mg dulot ng malubhang komplikasyon o sakit .Sa pamamagitan ng bakuna, natutulungan ang katawan ng bata na magkaroon ng resistensya laban sa mga impeksyon.

Mga karaniwang bakuna para sa mga bata:
✅️BCG- laban sa tuberculoaia
✅️Hepatitis B vaccine- laban sa sakit sa atay
✅️DPT (diptheria. Pertussis, tetanus) laban sa tatlong seryosong sakit
✅️OPV/IPV- laban sa polio
✅️MMR (measles, mumps, rubella)-laban sa.tigdas, beke, at tigdas-hangin
✅️PCV (pneumococcal vaccine)- laban sa pulmonya at meningitis

🗓Kailan dapat magpabakuna?
Simula pag kapanganak hanggang sa isang taong gulang ang bata.

📌Saan magpapabakuna:
🔷️Barangay health center
🏨Ospital

📍Ang kumpletong bakuna ay ligtas, epektibo, at libre sa mga pampublikong health center.

💡Tandaan:
Pag protektado ang bata, protektado ang buong pamilya, kaya kumpletuhin ang mga bakuna ni baby.🥰

🩷Ang responsableng magulang ay nagtitiyak na ang anak ay ligtas, malusog, at protektado sa pamamagitan ng bakuna.

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.







https://www.facebook.com/share/r/1GNmTRPcLv/

24/04/2026

Anu-ano nga ba ang kahulugan ng ibat ibang kulay ng ihi natin? Kabataan, tara at samahan nyo muli kami ngayong at ating talakayin ang mga ito.

Ang kulay ng ihi ay maaaring magbigay ng pahiwatig tungkol sa kalagayan ng iyong katawan. Narito ang iba’t ibang kulay at ang posibleng kahulugan nito:
⚪️Malinaw o halos walang kulay
-Sobrang dami ng tubig sa katawan (overhydrated)
🟡Mapusyaw na dilaw (light yellow)
Normal at healthy

🟨Madilim na dilaw-Kulang sa tubig (mild dehydration)

🔶️Amber o honey na kulay-Mas matinding dehydration

🟠Kahel (orange)- Maaaring dahil sa dehydration o ilang gamot/vitamins

🔴 Rosas o mapula (pink/red)
-Maaaring may dugo sa ihi
-Posibleng senyales ng Urinary Tract Infection, bato sa kidney, o ibang seryosong kondisyon

🟤 Kayumanggi (brown)-Posibleng dehydration o problema sa atay

🔵Asul o berde (blue/green)-bihira, kadalasang dulot ng gamot o food coloring

⬜️Maulap (cloudy)- Posibleng may impeksyon tulad ng Urinary Tract Infection

🔎Kailan dapat magpatingin sa doktor:
🩸Kapag may dugo sa ihi
🔳Kapag tuloy-tuloy ang kakaibang kulay (ilang araw)
🥵May kasamang sakit, lagnat, o hirap umihi

👩‍🦰🙍‍♂️Kabataan ,mahalaga na obserbahan natin ang kulay ng ating mga ihi dahil isa ito sa simpleng paraan para malaman kung maayos ang kondisyon ng ating kalusugan na makakatulong para maagapanang mga posibleng problema bago pa lumala.

🥛Ugaliin ding uminom ng tubig 8-10 baso araw- araw o higit pa lalo ngayong mainit ang panahon.

💡Laging tandaan maging mapanuri sa ating kalusugan, alagaan ang sarili, sabi nga, "Prevention is better than cure".🩷

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.






https://www.facebook.com/share/r/1AqNWvvMLJ/

Kabataan, ngayong   samahan nyo muli kami para talakayin natin ang seryosong isyu patungkol sa maagang pagbubuntis o tee...
17/04/2026

Kabataan, ngayong samahan nyo muli kami para talakayin natin ang seryosong isyu patungkol sa maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.

Ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay tumutukoy sa pagbubuntis ng mga kabataan edad 10-19. Ito ay mahalagang usapin na nakakapekto sa kalusugan edukasyon,at kinabukasan ng mga kabataan. Ito ay may kaakibat din panganib sa ina at sanggol

🔎Mga komplikasyon sa kalusugan ng ina:
⛔️pre-eclampsia -mataas na presyon ng dugo na maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng ina at sanggol.
🩸anemia- kakulangan sa dugo
👶premature birth -maagang panganganak bago ang 37 linggo ngpagbubuntis.
🫄obstructed labor- hirap sa panganganak
🩸postpartum hemorrhage-labis na pagdurugo pagkatapos manganak

📍Iba pang epekto:
⛔️Emosyonal na stress at mental health issues
🎓Pagkakaantala o paghinto sa pag-aaral
❌️Kahirapan sa pinansyal na aspeto

📌Tandaan:
Mas mataas ang panganib ng komplikasyon kapag maaga ang pagbubuntis, kaya mahalaga ang tamang kaalaman, suporta, at access sa serbisyong pangkalusugan.
♥️Paalaala:
Hindi madali ang sitwasyon, pero may mga taong handang tumulong. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang kaligtasan mo at ng iyong sanggol.

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.






Source:World Health Organization

14/04/2026
Sabi nga nila:“Kung ano ang ginagawa ng matatanda, nagiging tama sa mata ng bata.”Mga magulang at kabataan, samahan niny...
10/04/2026

Sabi nga nila:
“Kung ano ang ginagawa ng matatanda, nagiging tama sa mata ng bata.”

Mga magulang at kabataan, samahan ninyo kami ngayong upang pagnilayan:
👉 Tama nga ba ang mga gawi na nakikita ng ating mga anak sa loob ng tahanan—lalo na ang mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak?

👨‍👩‍👧 Para sa mga Magulang:

✔️ Maging mabuting ehemplo
✔️ Makipag-usap nang bukas sa inyong mga anak
✔️ Ipakita ang tamang gawi sa loob ng tahanan

🧑‍🎓 Para sa Kabataan:

Tandaan, kahit may hindi magandang nakikita sa matatanda, may kakayahan kang pumili ng tama.

✔️ Alamin kung ano ang tama at mali
✔️ Piliin ang mabuting halimbawa
✔️ Matutong magsabi ng “hindi”
✔️ Magkaroon ng sariling disiplina

💡 Paalala:
“Mga magulang, kayo ang unang g**o ng inyong mga anak, at ang tahanan ang una nilang paaralan. Kaya maging mabuting halimbawa upang hindi malihis sa landas ang mga kabataan".

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

👍 Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman!






https://www.facebook.com/100064481988528/posts/1393483809477672/?app=fbl

Studies show that when kids see parents drinking, it normalizes alcohol consumption.

📢Parents! Help prevent early drinking. Have open conversations and model healthy habits at home.

You are your kid’s hero.

03/04/2026

Kabataan summer na☀️ ramdam nyo ba ang init ng panahon?🌞 Pero alam nyo ba na hindi lang tayo ang naapektuhan ng init ng panahon ngayong summer? Ramdam din ito ng ating mga fur babies at iba pang mga alagang hayop...

Ngayong samahan nyo muli kami at ating panoorin ang maikling video kung ano ang maaring maging epekto ng summer sa ating mga alagang hayop at ano ang pwede nating gawin para maging komportable sila.

☀️Epekto ng mainit na panahon sa ating mga alagang hayop:🐶

🐱Pagka irritable at stress
🦊Dehydration
🌡Heat stroke

🎯Mga dapat gawin para protektahan sila:

💧Laging may maiinom silang malinis at malamig na tubig
🏡Panatilihin sila sa presko at may lilim na lugar

📍At laging tandaan:
🐕PAW-tect your pet- pabakunahan ang alagang hayop taon-taon

🙋‍♂️PAW-tect yourself- kung nakagat o nakalmot, hugasan ito at kumonsulta sa Animal bite treatment center

👨‍👩‍👧‍👧PAW-tect the community-tamang bakuna, tamang protekayon

Sabi nga "Ang kabataang marunong mag alaga ng hayop, marunong ding magmalasakit sa kapwa at bayan".

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.






https://www.facebook.com/share/v/1EN3t7xxde/

27/03/2026

Ano nga ba ang ibig sabihin at dapat malaman natin patungkol sa pagkakaroon ng regla o menstruation?

Kabataang babae, nanay..mama...samahan nyo kami ngayong para pag usapan natin ang patungkol sa pagkakaroon ng regla.

Ang pagkakaroon ng regla o menstruation ay isang normal na proseso sa katawan ng mga babae bilang bahagi ng reproductive system, ito ay buwanang paglabas ng dugo mula sa matres kapag walang nabubuong pagbubuntis

⏳️Gaano ito kadalas mangyari:
🗓Karaniwan bawat 21-35 araw
7️⃣Tumatagal ng 3-7araw

Karaniwang nararamdaman:
😑Pananakit ng puson
😨Sakit ng ulo
😣Pagiging iritable o emotional
😥Pagkapagod

🩸Mga dapat gawin pag may regla:
🧼Tamang menstrrual hygiene
⏰️Magpalit ng napkin o pads kada 4-6oras
👙Gumamit ng cotton underwear

📍Tandaan na ang pagreregla ay natural at mahalagang bahagi ng buhay , sa tamang kaalaman at pag-aalaga mas magiging komportable at kumpiyansa ang isang babae sa kanyang sarili.

📌 Tuwing , patuloy kaming magbabahagi ng impormasyon para sa ligtas, mas wais, at mas responsableng paglaki ng mga bata at kabataan.

Huwag kalimutang i-like, follow, at i-share para sa dagdag kaalaman tungkol sa kalusugan at kabataan.






https://www.facebook.com/reel/1574622913649509/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6v

Address

Aruga Sa Kabataan, 5th Floor, OPD-PHU Bldg., JBLMGH, Dolores, CSFP

Opening Hours

Monday 08:00 - 16:00
Tuesday 08:00 - 16:00
Wednesday 08:00 - 16:00
Thursday 08:00 - 16:00
Friday 08:00 - 16:00

Telephone

+639179275144

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ARUGA sa Kabataan - Jose B. Lingad Memorial General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business?

Share