16/10/2026
Pasko na naman, kumusta tayong mga nasa abroad?🌏🎄🥹
Halos 10 years na akong hindi nagpapasko sa Pinas, pero hanggang ngayon, iba pa rin talaga ang Christmas sa atin. Kahit ilang beses na kaming nag-celebrate dito sa Canada, iba ang saya kapag kasama mo ang buong pamilya, kaibigan at kamag anak. Tagos hanggang buto ang saya... 🎉
Habang nag-aayos ako ng Christmas tree🎄, I asked Alexa to play Pinoy Christmas songs. Ang saya ng mga kanta, pero habang kaming dalawa lang ng anak ko ang nasa bahay, hindi ko maiwasang malungkot at mapaluha. 😭😭😭😭
Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Pag ganitong panahon, araw-araw kaming nangangaroling! Kahit pagalitan ng kapitbahay, tuloy pa rin. Kahit mali-mali ang lyrics, todo kanta pa rin kami. 🤣 Basta may makuha lang na piso o kendi, sobrang saya na namin! Tapos kahit wala kaming handa, busog kami kasi, nakaabang na kami sa bahay ng mga "may kaya" na kapitbahay at doon kami makikikain ng spaghetti, macaroni at iba pang mga handa.🤣
Ngayon, I wish my son could experience the same kind of Christmas. Yung makipaglaro sa mga pinsan, mangaroling kasama ang mga kaibigan, at gumising sa umaga ng Pasko na excited makasama ang buong pamilya.
Pero ganito talaga ang buhay abroad. We work hard, we sacrifice, and sometimes, we miss the most important moments with the people we love. Gusto nating umuwi, pero iniisip din natin na ipadala nalang, kasi ang mahal din ng pamasahe😭🥹 Yung iba, hindi pinayagan mg bakasyon dahil peak season at mas kailangan sila mag trabaho, and marami pang mga dahilan...
Ang sakit isipin na habang nagsisikap tayong mabigyan sila ng magandang buhay, may mga masasayang alaala naman tayong nami-miss kasama sila.🥹❤️ that is Love and sacrifice of an OFW😭😘
Kaya sa mga nasa Pinas, hug your family a little tighter this Christmas. Kasi para sa aming malayo, kahit simpleng handaan lang, basta kumpleto ang pamilya, sapat na para maging espesyal ang Pasko.
Sa mga kapwa ko nasa abroad, mahigpit na yakap sa atin. Someday, sana hindi na lang sa video call ang Christmas greetings natin. Sana makauwi rin tayo at muling maranasan ang Paskong kinalakihan natin. 🇵🇭❤️
Ikaw, ano ang pinaka-mami-miss mo sa Paskong Pinoy? 🥹🎄