18/07/2026
Dito sa Pilipinas, ipinagdiriwang natin ang National Blood Donors Month tuwing buwan ng Hulyo!
Isang malaking pagsaludo at pasasalamat sa ating mga voluntary blood donors na patuloy na nagiging bayani sa tahimik na paraan.
Alinsunod sa kampanya ng Department of Health (DOH), kabalikat ang "Bagong Pilipinas: Bawat Buhay Mahalaga," hinihimok ang lahat ng mga kwalipikado at malulusog na kababayan na magbahagi ng regalong nagbibigay-buhay.
📢 MASS BLOOD DONATION SCHEDULE📍
Saan: Rural Health Unit - Aglipay (RHU-Aglipay)
Kailan: July 20–24, 2026Alamin ang nakalaang petsa para sa inyong sektor o barangay:
July 20: LGU & Other Stakeholders
July 21: San Ramon
July 22: BHWs, Tanods, & Barangay Officials
July 23: Uniformed Personnel
July 24: DepEd & Youth
🩸 Bakit Mahalaga ang Iyong Donasyon?Ayon sa World Health Organization (WHO), ang 1 bag ng donasyong dugo ay kayang magligtas ng hanggang 3 buhay!
Ang bawat patak ay kritikal at malaking tulong para sa mga pasyenteng lumalaban sa mga sumusunod:
Leukemia at iba pang uri ng Cancer
🎗️Anemia o Dengue
🦟Mga biktima ng aksidente
o sumasailalim sa operasyon 🏥🙋♂️
Sino ang Pwedeng Mag-donate?Bago pumunta sa pasilidad, siguraduhing ikaw ay:
📌May edad 18 hanggang 65 taong gulang (tanggap ang 16–17 taong gulang basta't may parental consent).
📌May bigat na hindi bababa sa 50 kg.
📌May sapat na tulog, walang sakit, at pumasa sa medical screening sa mismong araw ng donasyon.
"Magbigay ng dugo, magbigay ng pag-asa. Sama-sama tayong magligtas ng buhay!"
Malayo na pero may i-lalayo pa!🙌