Agoncillo Nutrition Action Office

Agoncillo Nutrition Action Office The Official page of the Municipal Nutrition Action Office of Agoncillo

๐ŸŒธ Healthy Mom, Healthy Baby: Happy Safe Motherhood Week! ๐Ÿคฑ๐Ÿ’šIn celebration of Safe Motherhood Week, let us continue promo...
18/05/2026

๐ŸŒธ Healthy Mom, Healthy Baby: Happy Safe Motherhood Week! ๐Ÿคฑ๐Ÿ’š

In celebration of Safe Motherhood Week, let us continue promoting proper nutrition and safe pregnancy practices to support healthier mothers, healthier babies, and safer pregnancies for every family.

With the theme, โ€œSafe Motherhood, Healthy Childhood,โ€ this observance highlights the importance of ensuring the health, safety, and well-being of mothers and children through proper healthcare, nutrition, and support before, during, and after childbirth.

Read the full article in the comments below. โฌ‡๏ธ

References: National Nutrition Council, WHO, UNICEF, DOST-FNRI, and CDC.



LIBRENG ZUMBA SA BAYAN NG AGONCILLO ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจTama mga kababayan!Oo! Libre na!Sabayan natin ang ating walking at jogging routin...
12/05/2026

LIBRENG ZUMBA SA BAYAN NG AGONCILLO ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Tama mga kababayan!
Oo! Libre na!
Sabayan natin ang ating walking at jogging routine ng Zumbang pang malakasan!

Muling inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang bawat mamamayan na makiisa at makilahok sa ating programang pangkalusugan, ang LIBRENG ZUMBA PARA SA ATING MGA KABABAYAN!

Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang MWCC Agoncillo, patuloy na isinusulong ng ating pamahalaang bayan ang mga programang nagbibigay-halaga sa kalusugan, kasiyahan, at pagkakaisa ng bawat Agoncillian. Sa pamamagitan ng gawaing ito, hangad nating hikayatin ang mas aktibong pamumuhay, mapanatili ang magandang pangangatawan, at higit na mapalakas ang samahan ng ating komunidad.

Inaanyayahan ang lahat na makizumba tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng umaga sa Plaza Elena Covered Court, Poblacion.

Kaya tara na at sama-samang magsaya, mag-ehersisyo, at maging bahagi ng isang mas malusog na Agoncillo!

Kalusugan. Kasayahan. Pagkakaisa.
Para sa mas masiglang bayan ng Agoncillo!


IN PHOTOS | ๐๐€๐Ÿ: ๐‘๐จ๐ฅ๐ฅ-๐จ๐ฎ๐ญ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐…๐จ๐จ๐ ๐๐ซ๐จ๐œ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌโ€œHealthy Choices, H...
22/04/2026

IN PHOTOS | ๐๐€๐Ÿ: ๐‘๐จ๐ฅ๐ฅ-๐จ๐ฎ๐ญ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐…๐จ๐จ๐ ๐๐ซ๐จ๐œ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ

โ€œHealthy Choices, Healthy Batangasโ€ ๐Ÿฅ—๐ŸŽ๐ŸŒฑ๐Ÿ”†

On April 16โ€“17, 2026, the Batangas Provincial Health Office, in coordination with DOH CHD CaLaBaRZon Health Promotion - Communications Management Unit, successfully conducted the Roll-out Training for the Healthy Public Food Procurement (HPFP) in the Province of Batangas at SotoGrande Hotel Batangas.

The two-day training capacitated representatives from the Legal Office, PSWDO, and LGUsโ€”particularly Municipal Health Offices (MHO), Health Education and Promotion Officers (HEPOs), Municipal Nutrition Action Officers (MNAO), and Nutritionistsโ€”to champion healthier public food systems, ensuring that nutritious, affordable, and safe food becomes accessible to every community in the province.

Through HPFP, we are not just promoting a program, we are shaping a movement for health equity. Together, we take a crucial step towards a healthier Batangas, making healthy behavior the easier choice for all.

Because a healthier Batangas means a stronger, more resilient Batangueรฑo. ๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ




1/2 Healthy Public Food Procurement TrainingNgayong ika-16 ng Abril 2026, nagkaroon ng pagsasanay ang Batangas Provincia...
16/04/2026

1/2 Healthy Public Food Procurement Training

Ngayong ika-16 ng Abril 2026, nagkaroon ng pagsasanay ang Batangas Provincial Health Office sa Sotogrande Hotel, Bauan, Batangas ukol sa Healthy Public Food Procurement (HPFP). Dumalo sa nasabing pagsasanay sina Dr. Richard B. Landicho, Nurse II Ma. Krissel G. Caringal, at Nurse I / MNAO Ella Rafaela Padua-Mabilangan.
Layunin ng training na palakasin ang kaalaman sa pagpapatupad ng mas masustansya at ligtas na pamantayan sa pagbili at paghahanda ng pagkain sa mga pampublikong institusyon.

Sa isinagawang pagsasanay, tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang nutrition standards sa mga feeding programs at iba pang serbisyong pangkalusugan, pati na rin ang mga gabay sa pagpili ng masustansyang pagkain na naaayon sa pangangailangan ng ibaโ€™t ibang sektor tulad ng mga bata, buntis, at iba pang vulnerable groups. Binigyang-diin din ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mas maayos na food procurement systems na sumusuporta sa kalusugan ng komunidad.

Ibinahagi rin nina Nurse Krissel na nagsisimula na ang ganitong inisyatibo sa Agoncilloโ€”hindi na bumibili ng bottled water at mas pinipili ang masustansyang pagkain sa mga trainings at meetings, habang iniiwasan ang processed foods.
Ang kanilang pagdalo ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon sa pagsusulong ng kalusugan at nutrisyon sa komunidad.

Maternal and child health and Nutrition ๐ŸคฐNgayon araw ng Abril 15, 2026, nagsagawa ng komprehensibong Nutrition Counselin...
15/04/2026

Maternal and child health and Nutrition ๐Ÿคฐ

Ngayon araw ng Abril 15, 2026, nagsagawa ng komprehensibong Nutrition Counseling si Nurse Ella Rafaela Padua-Mabilangan para sa isang buntis mula sa Barangay Coral na Munti. Layunin ng aktibidad na ito na mapalawak ang kaalaman ng buntis hinggil sa wastong nutrisyon sa panahon ng pagbubuntis upang masiguro ang kalusugan ng ina at ng dinadalang sanggol.

Sa isinagawang counseling, ginamit ni Nurse Ella ang Pinggang Pinoy bilang gabay sa tamang paghahati ng pagkain sa bawat kainan, na binibigyang-diin ang balanseng nutrisyon na binubuo ng sapat na gulay, prutas, protina, at carbohydrates. Ipinaliwanag din niya ang 10 Kumainments bilang praktikal na gabay sa araw-araw na pagpili ng masustansyang pagkain at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.

Bukod dito, tinalakay rin ang Mission at Vision ng Agoncillo Nutrition Action Office upang maipabatid ang patuloy na layunin ng pamahalaang lokal na mapabuti ang kalagayan ng nutrisyon sa komunidad.

Samantala, bilang bahagi ng serbisyong pangkalusugan, isinagawa rin ni Midwife Beverly C. Matubis ang pagbibigay ng anti-tetanus vaccine upang maprotektahan ang ina at ang sanggol laban sa tetano, isang mapanganib na impeksyon na maaaring makaapekto sa bagong silang.
Binigyang-diin din ni Midwife Bev ang kahalagahan ng pagkumpleto ng walong (8) Antenatal Care (ANC) visits upang masubaybayan ang kalusugan ng ina at sanggol, gayundin ang kahalagahan ng exclusive breastfeeding sa unang anim na buwan matapos manganak upang maprotektahan ang sanggol laban sa sakit at mapalakas ang resistensya nito.

Vitamin A Supplementation para sa mga batang edad 6-59 months, isinagawa!Buwan na ng Abril kaya naman muling isinagawa a...
13/04/2026

Vitamin A Supplementation para sa mga batang edad 6-59 months, isinagawa!

Buwan na ng Abril kaya naman muling isinagawa ang Vitamin A supplementation para sa mga batang may edad 6โ€“59 months old sa ibaโ€™t ibang barangay sa Bayan ng Agoncillo. Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) katuwang ang mga Barangay Health Workers (BHW) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili ang kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan sa komunidad.

Ang pamamahagi ng Vitamin A ay isinagawa sa pamamagitan ng house-to-house visits upang masigurong maaabot ang lahat ng benepisyaryo.

Layunin ng programang ito na mapalakas ang resistensya ng mga bata laban sa ibaโ€™t ibang sakit, mapanatili ang maayos na paningin, at masuportahan ang kanilang tamang paglaki at development. Sa tulong ng Vitamin A supplementation, inaasahang mababawasan ang kaso ng malnutrisyon at iba pang kakulangan sa micronutrients sa komunidad.

Nagpakita rin ng aktibong pakikilahok ang mga magulang at tagapag-alaga upang mapatakan ng Vitamin A ang kanilang mga anak.

Patuloy naman ang panawagan ng mga health workers sa komunidad na suportahan ang mga ganitong programa upang masiguro ang kalusugan ng bawat batang Agoncillian.

BNS Online MeetingAbril 13, 2026Noong Abril 13, 2026, isinagawa ni MNAO Ella Rafaela Padua-Mabilangan  ang isang online ...
13/04/2026

BNS Online Meeting
Abril 13, 2026

Noong Abril 13, 2026, isinagawa ni MNAO Ella Rafaela Padua-Mabilangan ang isang online meeting na dinaluhan ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa ibaโ€™t ibang barangay. Layunin ng pulong na mapalakas ang koordinasyon at maibahagi ang kasalukuyang kalagayan ng implementasyon ng mga programang pangnutrisyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa nasabing pagpupulong, nagkaroon ng kumustahan hinggil sa pagbibigay ng Vitamin A supplementation sa mga batang may edad 6โ€“59 buwan. Ibinahagi ng mga kalahok ang kani-kanilang karanasan at mga good practices na maaaring i-adopt ng ibang barangay upang higit pang mapabuti ang implementasyon ng nasabing programa.

Tinalakay rin ang mahahalagang usapin ukol sa Operation Timbang, kabilang ang mga proseso at kahalagahan nito sa pagtukoy ng nutritional status ng mga bata sa komunidad. Bukod dito, napag-usapan din ang tungkol sa honorarium ng mga BNS at ang mga kinakailangang ulat na dapat maipasa sa takdang panahon upang matiyak ang maayos na monitoring at evaluation ng mga programa.

Sa kabuuan, naging makabuluhan ang nasabing online meeting sapagkat nagbigay ito ng pagkakataon sa mga BNS na magbahaginan ng kaalaman at karanasan, na makatutulong sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa bawat barangay.

Ngayong Abril 13, 2026, nagtungo sina MNAO Ella Rafaela Padua-Mabilangan, Midwife Sally V. Aala, HRH Manny Lunar, at Dia...
13/04/2026

Ngayong Abril 13, 2026, nagtungo sina MNAO Ella Rafaela Padua-Mabilangan, Midwife Sally V. Aala, HRH Manny Lunar, at Dianne Alcancia sa Barangay Bilibinwang. Sa nasabing pagbisita, ibinahagi nila ang Mission at Vision ng Agoncillo Nutrition Action Office sa Punong Barangay na si Kapitan Crising Almanzor at sa mga Barangay Functionaries.

Tinalakay rin nila ang ibaโ€™t ibang Nutrition Laws and Policies na naipatupad na sa bayan ng Agoncillo, at hinikayat ang barangay na i-adopt ang mga ito upang mas mapalakas ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon. Nagkaroon din ng feedback patungkol sa lagay ng kalusugan at nutrisyon sa Brgy. Bilibinwang sa tulong nina BNS Lissa Mendoza at Sarmiento Gerry II at mga Barangay Health Workers.

Bukod dito, ipinaliwanag din ang tungkol sa EO 51 reporting mechanism upang matiyak ang maayos na sistema ng pagre-report ng mga paglabag sa Executive Order No. 51 o Milk Code of the Philippines.

ALAM NIYO BA?Buwan na naman ng Vitamin A supplementation ngayong Abril, kung kaya't paanyaya ng Agoncillo Nutrition Acti...
10/04/2026

ALAM NIYO BA?

Buwan na naman ng Vitamin A supplementation ngayong Abril, kung kaya't paanyaya ng Agoncillo Nutrition Action Office na papatakan ang inyong mga anak na may edad na 6-59 buwan sa mga mag-iikot na mga Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers para makatanggap ng vitamin A drops, gayundin sa mga kapapanganak na nanay.

Isa sa karaniwang problemang pang-nutrisyon dito sa Pilipinas ay ang Vitamin A deficiency na nagdudulot ng pagkahina ng ating katawan sa paglaban nito sa impeksyon, pagbagal ng paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo. Sa mga pagkakataon namang hindi agad mabibigyang pansin, ito ay maaaring mauwi sa pagkabulag at kamatayan.

Huwag balewalain ang nutrisyon para sa malakas at maayos na paggana ng bawat organo sa ating katawan. Patuloy ding sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masiglang komunidad para sa mas malusog na Magandang Agoncillo.

Address

Agoncillo, Batangas
Agoncillo
4211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agoncillo Nutrition Action Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share