La-SUERTE Region Bhs

Directions

La-SUERTE Region Bhs LA-SUERTE/BUENAVISTA/VICTORY/SAN MARCELO/SALAY/SANTO NINO

San kapa db? ONLY IN ANGADANAN👏👏👏iba talaga pag priority ang health.Kakakilig at nakakaproud maging taga ANGADANAN.🥳🥳🥳🥳
23/09/2026

San kapa db? ONLY IN ANGADANAN👏👏👏
iba talaga pag priority ang health.
Kakakilig at nakakaproud maging taga ANGADANAN.🥳🥳🥳🥳

ALAMIN ANG MGA WARNING SIGNS NG SU***DE Ayon sa mga eksperto, ang depresyon, bullying, at trauma ay madalas na nagpapaki...
23/09/2026

ALAMIN ANG MGA WARNING SIGNS NG SU***DE

Ayon sa mga eksperto, ang depresyon, bullying, at trauma ay madalas na nagpapakita ng mga senyales. Ang pag-alam sa mga warning signs ng su***de tulad ng biglaang pagbabago sa kilos, paglayo sa kapwa, o pagpapahayag ng kawalan ng pag-asa ang unang hakbang upang makapagbigay ng tulong.

Be a safe space: Makinig nang may pang-unawa, makipag-usap sa propesyunal, at kung kinakailangan, magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.





🏥💙 PUROKALUSUGAN SA BARANGAY BUENAVISTA AT LA-SUERTE! 💙🏥Patuloy ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga ...
23/09/2026

🏥💙 PUROKALUSUGAN SA BARANGAY BUENAVISTA AT LA-SUERTE! 💙🏥

Patuloy ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga komunidad! 👩‍⚕️👩‍⚕️🩺

Kasama natin si Doc. Krishnalyn Precious Jewel Castro, kasama sina Ma’am Cathy, ang ating Midwife, at Nurse Gerlie, upang maghatid ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa ating mga kabarangay. 💉🩺❤️

Kasama rin natin si Sir Rudolph Sam Zulueta para sa pagbisita at pakikipag-ugnayan sa ating mga kabataan ng Barangay La-Suerte, bilang bahagi ng pagsusulong ng kanilang kalusugan, kapakanan, at aktibong pakikilahok sa komunidad. 👦👧💙

Kalusugan para sa lahat—walang iwanan!
🌿 PuroKalusugan, hatid hanggang barangay!

Narito na ang schedule ng ating Mental Health Consultation sa RHU Angadanan Mental Health Clinic kasama si Dr. Stephanie...
23/09/2026

Narito na ang schedule ng ating Mental Health Consultation sa RHU Angadanan Mental Health Clinic kasama si Dr. Stephanie Ayungo ngayong September 25, 2026 (Friday)

PAANYAYA SA LAHAT NG TAGA-BARANGAY SAN AMRCELO!Makilahok sa PuroKalusugan  ng RHU Angadanan sa Martes (Setyembre 24, 202...
23/09/2026

PAANYAYA SA LAHAT NG TAGA-BARANGAY SAN AMRCELO!
Makilahok sa PuroKalusugan ng RHU Angadanan sa Martes (Setyembre 24, 2026), simula 8:00 ng umaga sa San Marcelo Community Center.
Lapit na para sa mga serbisyong pangkalusugan para sa buong pamilya. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan!

Seryosohin po natin eto para iwas Dengue.
22/09/2026

Seryosohin po natin eto para iwas Dengue.

20/09/2026

💚 PUROKALUSUGAN SA BARANGAY BUENAVISTA sa Barangay Health Station🏥

📅 September 21, 2026
⏰ 9:00 AM

Kasama natin si Dr. Krishnalyn Precious Jewel Castro upang maghatid ng serbisyong medikal at pangkalusugan para sa ating komunidad.

👩‍⚕️ Tara na! Magpa-check up at alagaan ang inyong kalusugan.
Dahil ang kalusugan ng bawat isa ay mahalaga! 💚

11/09/2026

🦟 ALAS KWARTO TAOB! TAKTAK TUYO,TAKIP 🦟

Patuloy ang Dengue Awareness Campaign sa Brgy. Salay! 💪🩺

Sa simpleng paglilinis at pagtanggal ng mga pinamumugaran ng lamok, malaking hakbang na ito upang maiwasan ang dengue sa ating komunidad.

🧹 4 o’clock Habit — Search and Destroy!
💧 Tanggalin ang mga naiipong tubig.
🗑️ Linisin ang paligid.
🦟 Protektahan ang pamilya laban sa dengue.

Magtulungan tayo para sa isang malinis, ligtas at dengue-free na komunidad! ❤️





PATULOY ANG TUTOK GAMUTAN SA TUBERCULOSIS sa La-Suerte Regionat Rang -Ayan Region🫁🚭Bumaba ang ating RHU Team sa barangay...
11/09/2026

PATULOY ANG TUTOK GAMUTAN SA TUBERCULOSIS sa La-Suerte Region
at Rang -Ayan Region🫁🚭

Bumaba ang ating RHU Team sa barangay Victory(VENUE) upang maihatid ang mga kinakailangang gamot para sa ating mga pasyenteng may Tuberculosis. Kasabay nito, nagsagawa rin tayo ng health education upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng regular at tamang pag-inom ng gamot at pagsunod sa gamutan.

Katuwang natin ang ating TB Coordinator, Sir Kelvin Almay Castillo, Midwife Catalina Arucan Remudaro , Midwife Lea Tamayo Siquian Nurse Gerlie Corpuz Labuguen - Canceran ,mga BNS/BHW at Brgy Officials ng Victory sa pagpapatupad ng Tutok Gamutan para sa mas ligtas at malusog na komunidad. 👩‍⚕️👨‍⚕️💚

🎯 Tamang gamot. Tamang oras. Tuloy-tuloy na gamutan tungo sa paggaling!

Kalusugan ng bawat isa, mahalaga! 💚

PATULOY ANG PUROKALUSUGAN SA MGA BARANGAY NG LA-SUERTE REGION! 🏥✅Barangay Salay✅Barangay Santo Niño✅Barangay La-suertePa...
11/09/2026

PATULOY ANG PUROKALUSUGAN SA MGA BARANGAY NG LA-SUERTE REGION! 🏥

✅Barangay Salay
✅Barangay Santo Niño
✅Barangay La-suerte

Patuloy nating inilalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad upang mas maraming kabarangay ang makinabang at maalagaan ang kanilang kalusugan. 💪❤️

Kasama natin sina Doc Krissy, Midwife Cathy, Nurse Gerlie, Nurse Amie at ang ating masisipag na BNS/BHW na walang sawang naglilingkod para sa kalusugan ng bawat isa.

👩‍⚕️🧑‍⚕️ Kalusugan ng bawat isa, mahalaga!
💚 Serbisyong pangkalusugan, hatid sa bawat barangay ng La-Suerte Region!


Address

Purok 1, Santo Niño Angadanan Isabela
Angadanan
3307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when La-SUERTE Region Bhs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share