09/05/2026
Ngayong araw, buong pagmamalaki naming binabati ang aming 4 Core Group PWD Antipolo awardees na kinilala ng JCI Philippines sa pamamagitan ng JCI Antipolo Youth Leadership Excellence Award β Batang Leader Award. ππ
Sa loob ng mahigit apat na dekada, patuloy na pinararangalan ng YLEA ang mga kabataang may malasakit at kakayahang maging inspirasyon sa kanilang paaralan at komunidad. Hindi lamang ito pagkilala sa talino, kundi sa tunay na diwa ng pagiging lider na may puso at layunin para sa bayan. At sa ngayon, ang YLEA ay nananatiling simbolo ng pag-asa at patunay na ang kabataan ay mahalagang sandigan ng kinabukasan ng bansa. π΅πβ¨
Lubos po kaming nagpapasalamat sa JCI Philippines, JCI Antipolo, Sen. JV Ejercito at Palawan Pawnshop sa pagkilala sa kahalagahan ng inclusive leadership at sa kakayahan ng aming mga kabataang miyembro na nagpakita at mamuno lampas sa kanilang mga kinakaharap na hamon o kapansanan sa kanilang sariling larangan mula sa sports, community leadership at Arts. Ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa kanilang mga tagumpay kundi pati na rin sa kanilang tapang, dedikasyon, at inspirasyong naibibigay sa komunidad.
Mula sa ADHD Antipolo, ASP-Antipolo, at Cerebral Palsy Antipolo, ipinakita ng ating mga kabataang lider na ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa pisikal o developmental na kondisyon, kundi sa lakas ng loob, puso ng paglilingkod, at kakayahang magbigay inspirasyon sa iba.
Sa kabila ng kanilang mga hamon, mas pinili nilang maging boses ng pag-asa, pagkakaisa, at pagbabago. Patunay sila na beyond disabilities, there is an ability of real leadership within. Isang tunay na lakas na higit pa sa anumang limitasyon.
Kayo ay inspirasyon hindi lamang sa PWD community kundi sa buong kabataan ng ating lipunan. Ipagpatuloy ninyo ang pagiging ilaw at huwarang lider para sa susunod na henerasyon. πͺπ
Congratulations, Batang Leaders! Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong komunidad. β€οΈ