Colgante Health Center

Directions

Colgante Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Colgante Health Center, Medical and health, Apalit.

30/07/2026

DOH: MAG-INGAT SA FLASH FLOOD DULOT NG MALAKAS NA ULAN

Sa huling ulat ng DOST-PAGASA, may dalawang LPA na binabantayan sa loob at labas ng PAR. Dala nito ang malalakas na ulan pwedeng magdulot ng biglaang pagbaha o flash flood sa ilang lugar.

'Pag nasa panganib, ipinapaalala ng DOH na:

✅ Lumikas agad at sumunod sa abiso ng barangay o LGU, lalo na kung nakatira sa tabing-ilog o dagat.
✅ Ilayo ang mga bata sa baha, kanal, sapa, at ilog.
✅ ‘Wag tumawid, maglakad, o magmaneho sa rumaragasang baha.
✅ Mag-ingat sa mga butas sa kalsada at kapag naglalakad sa gilid ng mga ilog o sapa.
✅ Iwasan ang pag-inom at pagbebenta ng alak.
✅ Gumamit ng salbabida o mga gamit na maaaring magpalutang kung hindi maiiwasan lumusong sa baha.

Kung may nalulunod, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o sa local emergency hotline. Kung ligtas itong gawin, magsagawa ng hands-only CPR habang naghihintay ng tulong.

’Wag lumusong sa baha. Buhay mo ang nakataya.




30/07/2026

DOH: Iwasan ang Bulate, Gawin ang W.O.R.M.S.!

Paano protektahan ang sarili at pamilya laban sa soil-transmitted helminth (STH) infections? Tandaan ang W.O.R.M.S.:

W – Wash hands
O – Observe proper use of toilet
R – Reduce exposure to unwashed, uncooked, at undercooked foods
M – Mass deworming o magpurga
S – Slippers/Shoes



29/07/2026
17/07/2026

Mommy, palakasin ang katawan ninyo ni baby! Maging Wais Buntis! 🤰💖

Sa simula pa lamang ng pagbubuntis, mahalagang pangalagaan ang kalusugan ni Mommy upang masuportahan ang maayos na paglaki at pag-unlad ni Baby. Narito ang mga hakbang na makatutulong:
🥗 Kumain ng masustansyang pagkain gamit ang Pinggang Pinoy
💊 Uminom ng isang tableta ng Iron Folic Acid (IFA) o Multiple Micronutrient Supplement (MMS) ayon sa payo ng health worker
🚶‍♀️ Mag-ehersisyo nang angkop at iwasan ang sobrang pagkapagod
😴 Siguraduhing sapat ang tulog at pahinga
💉 Magpabakuna ng tetanus-diphtheria (Td) vaccine para sa proteksyon laban sa tetano at iba pang rekomendadong bakuna

Kapag inaalagaan ni Mommy ang kanyang kalusugan, mas napoprotektahan din si Baby! Kaisa ng Department of Health at National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026! Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat: Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!


17/07/2026

Alamin kung ano ang Rubella, na kilala rin bilang “𝗚𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗺𝗲𝗮𝘀𝗹𝗲𝘀” o “𝗧𝗶𝗴𝗱𝗮𝘀-𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻.” Mapanganib ang sakit na ito, lalo na sa mga buntis at sanggol na dinadala.

Walang gamot laban sa Rubella. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito.

Ligtas Tigdas ang batang bakunado at protektado! 💉
Pabakunahan ang mga bata laban sa tigdas-hangin, dahil ang bakuna at proteksyon ng bawat bata laban sa mga sakit ay ating sama-samang responsibilidad.

Bumisita sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar at tiyaking kumpleto ang bakuna ni baby.




Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity
17/07/2026

Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity

𝙇𝙄𝙂𝙏𝘼𝙎 𝙏𝙄𝙂𝘿𝘼𝙎: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 💉🛡️
Inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang at guardian na pabakunahan ang inyong mga anak na edad 6–59 months (below 5 years old) laban sa Tigdas at Rubella (Tigdas Hangin) sa pamamagitan ng MR-SIA Vaccination Program. Ito po ay bahagi ng nationwide immunization campaign ng Department of Health.
Kasabay neto ang ating Vitamin A Supplementation.
Ang pagbabakuna ay mahalagang proteksyon laban sa malubhang sakit, pagkaka-ospital, at iba pang komplikasyong dulot ng tigdas at rubella.

📣 Mga Paalala:
✔️ Dalhin ang child health booklet o vaccination card kung mayroon
✔️ Libre po ang bakuna
✔️ Makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers para sa karagdagang impormasyon
🛡️ Magpabakuna para sa ligtas at malusog na kinabukasan ng ating mga kabataan!

Kitakits!



Address

Apalit
2016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Colgante Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share