30/09/2026
“Kapag sinabi ng doktor na ‘palliative care,’ ibig bang sabihin… wala na talaga?”
(Season 2, Episode 2)
Hindi. At sana, huwag nating hintayin na marinig ito ng isang pamilya sa pinakamasakit na sandali bago natin ito maintindihan.
Dahil ang palliative care ay hindi pagsuko. Hindi ito pag-abandona. At hindi ito nangangahulugang tapos na ang laban.
Ilang beses ko na itong narinig:
“Dok, palliative care na ba? Ibig sabihin, wala na?
At sa likod ng simpleng tanong na iyon, madalas ay may takot.
Takot na baka wala nang pag-asa.
Takot na baka titigil na ang gamutan.
Takot na baka ang palliative care ay ibang pangalan lang para sabihing “sumuko na tayo.”
Pero hindi.
Ang palliative care ay pag-aalaga sa tao—hindi lang sa kanyang sakit.
Ito ay pagtulong sa pasyente na harapin ang sakit, hirap huminga, pagod, pagsusuka, pangamba, lungkot, at iba pang bigat na dala ng karamdaman.
At higit sa lahat, hindi kailangang hintayin na “wala nang magawa” bago ito simulan.
Palliative care can happen alongside cancer treatment.
Dahil habang ginagamot natin ang cancer, kailangan din nating alagaan ang taong may cancer.
Minsan, ang pinakamahalagang tanong ay hindi lang:
“Ano pa ang maaari nating gawin laban sa cancer?”
Kundi:
“Ano ang maaari nating gawin para mas maging magaan ang buhay mo habang pinagdaraanan mo ito?”
Sa vlog na ito, pag-uusapan natin kung ano ba talaga ang palliative care, kailan ito maaaring simulan, sino ang maaaring makinabang dito, at bakit hindi ito nangangahulugang tapos na ang laban.
Dahil ang palliative care is not about giving up on life.
It is about making life as meaningful, comfortable, and dignified as possible—kahit may sakit.
At minsan, iyon mismo ang ibig sabihin ng tunay na pag-asa. ❤️
🎥 EveryTING About Cancer: “Ano ba talaga ang Palliative Care?”
*Educational content only. Palliative care is individualized and should be discussed with your healthcare team based on your condition, needs, and goals of care.