01/09/2026
MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! β οΈ
Nakalusong o nababad sa tubig-baha? Huwag balewalain ang mga sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo at katawan, pananakit ng mata, panghihina at pagkahilo.
π Ang Doxycycline ay isang antibiotic na maaaring gamitin para sa leptospirosis prevention o treatment depende sa assessment ng doktor. Huwag basta-basta uminom nang walang reseta.
Kung may sugat at nakalusong sa baha, magpakonsulta agad sa doktor para sa tamang payo at gamot.
Unahin ang kalusugan. Iwasan ang baha, maglinis nang maayos, at manatiling alerto sa mga sintomas.