14/08/2026
๐ฐ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Nakakalito at nakakatakot ang dami ng impormasyon online, lalo na pagdating sa kalusugan ng ating mga anak. Kaya mahalagang magtulungan tayo na kilalanin ang maling impormasyon.
Madalas itong:
1. Walang malinaw na source mula sa doktor, DOH, WHO, o RHU
2. Gumagamit ng pananakot o clickbait para magmadali tayo
3. Hinihikayat tayong i-share agad nang hindi beripikado
Ang layunin ng MR-SIA at Vitamin A Administraton ay proteksyon ng ating mga anak at komunidad. Sa loob ng mahigit 50 taon, napatunayan nang ang bakuna ay LIGTAS, EPEKTIBO, at LIBRE.
๐งโ๐งโ๐งSa ating mga magulang at komunidad, bukas po ang ating mga RHU at klinika para sa inyong mga katanungan. Walang tanong na maliit kung para sa kaligtasan ng inyong anak.
Magkatuwang tayo para sa iisang layunin: ang malusog na kinabukasan ng bawat bata. ๐ถ๐ต๐ญ