05/06/2026
PANAWAGAN SA MGA NASA GOBYERNO ‼️
WALANG OPV AT PCV SA HALOS LAHAT NG CENTER SA PILIPINAS
Habang abala kayo sa away politika at pa-viral na issues, eto mga anak namin: WALANG PROTEKSYON sa polio, pneumonia, etc. Sakit na SOLUSYON NA SANA kung may bakuna lang!
OPV (Oral Polio Vaccine)
* Ito ay bakuna laban sa POLIO. Pinoprotektahan nito ang sanggol laban sa polio, isang sakit na maaaring magdulot ng pagkaparalisa at permanenteng kapansanan.
* Nakakatulong din itong pigilan ang pagkalat ng polio sa komunidad.
PCV (Pneumococcal Conjugate Vaccine)
* Pinoprotektahan nito ang sanggol laban sa mga sakit na dulot ng pneumococcal bacteria, tulad ng:
* Pulmonya (pneumonia)
* Meningitis (impeksyon sa utak at spinal cord)
* Impeksyon sa tainga
* Sepsis o impeksyon sa dugo
Imbes na maproteksyunan lahat, bumababa ang herd immunity natin, hindi lang ng mga bata, pati matatanda.
Ang herd immunity o proteksyon ng komunidad ay nangyayari kapag karamihan sa mga bata at tao ay nabakunahan, kaya hindi madaling kumalat ang sakit. Kahit ang mga sanggol o batang hindi pa puwedeng mabakunahan ay napoprotektahan dahil nahaharang o naiiwasan ang pagkalat ng virus o bacteria.
Kapag maraming hindi nababakunahan dahil walang supply ng bakuna, humihina ang herd immunity. Ibig sabihin, mas madaling kumalat ang sakit sa komunidad at mas maraming batang nalalagay sa panganib, mabilis maadmit sa ospital, lalo na ang mga sanggol, may sakit, o mahina ang resistensya.
Ang bakuna ay hindi lang proteksyon ng isang bata, proteksyon ito ng buong komunidad. Kapag nawawala ang supply, hindi lang isang bata ang apektado, kundi buong komunidad!
Ang mga bata ay hindi pwedeng i-pause ang paglaki habang nag iintay ng stock!
Hindi ito basta “delay lang”, ito ay “negligence”!
PAANO ANG MGA MAGULANG NA HINDI KAYANG MAG PRIVATE DAHIL ANG HALAGA NITO AY NASA 3-4k PER DOSE!
SANA NAMAN AY MABIGYAN PANSIN ANG PROBLEMANG ITO!