10/08/2026
DOH: MAG-INGAT SA MGA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON NGAYONG TAG-ULAN!
Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at malamig na panahon, mas mabilis kumalat ang mga mala-trangkasong sakit o Influenza-Like Illnesses (ILI) kung saan nakararanas din ng pag-ubo at sipon.
Alamin kung ano nga ba ang mga sakit na ito, kung paano ang mga ito naipapasa, at ang mga paraan upang maiwasan ang mga ito.
Kung ikaw ay may lagnat, ubo, o pananakit ng lalamunan, manatili muna sa bahay, magpahinga, at uminom ng 8-10 baso ng tubig.
โPag lumala ang sintomas o nahihirapang huminga, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital.