Barangay Sabang - Health Worker

Barangay Sabang - Health Worker Barangay Sabang Health Response Team (Barangay Health Workers, BNS, BPW, Midwife, Nurse)

LIGTAS TINGDAS SA BARANGAY SABANG! 💉❤️Patuloy po ang pagsasagawa ng Ligtas Tigdas sa iba’t ibang purok ng Barangay Saban...
12/08/2026

LIGTAS TINGDAS SA BARANGAY SABANG! 💉❤️

Patuloy po ang pagsasagawa ng Ligtas Tigdas sa iba’t ibang purok ng Barangay Sabang upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas.

Ang ating mga Barangay Health Workers kasama ang ating Nurse at Midwife sa Barangay (health personnel) ay patuloy na nagsasagawa ng pagbabakuna at pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga purok.

💪 Bakuna ay proteksyon!
👶 Para sa kaligtasan ng ating mga anak, makiisa at samantalahin ang programang Ligtas Tigdas.

Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang, health workers, at mga residente na patuloy na nakikiisa para sa isang ligtas, malusog at protektadong Barangay Sabang! ❤️





🚨 LIGTAS TIGDAS! PROTEKTADO ANG BAWAT BATA. 💉👶Ang tigdas ay isang nakahahawang sakit na maaaring magdulot ng malubhang k...
27/07/2026

🚨 LIGTAS TIGDAS! PROTEKTADO ANG BAWAT BATA. 💉👶

Ang tigdas ay isang nakahahawang sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, ngunit ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Magkakaroon din po ng Measeles - Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) na gagawain ngayong AUGUST 10-28, 2026

✅ Siguraduhing kumpleto ang bakuna ng inyong mga anak.
✅ Kapag may sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, mapupulang mata, at pantal, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o doktor.
✅ Panatilihing malinis ang kapaligiran at ugaliing maghugas ng kamay.
✅ Iwasan muna ang paglabas o pakikisalamuha kung may sintomas upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak at ng buong komunidad.

📍 Barangay Sabang, Baler, Aurora



06/07/2026
06/07/2026
May 19 & 20, 2026Barangay Sabang, Baler, AuroraMatagumpay na naisagawa ang PuroKalusugan sa Barangay Sabang na naglalayo...
21/05/2026

May 19 & 20, 2026

Barangay Sabang, Baler, Aurora

Matagumpay na naisagawa ang PuroKalusugan sa Barangay Sabang na naglalayong mas mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabarangay. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng ating Doktor mula sa DOH na si Doktora Maraya Sweet Puzon para sa serbisyong Medikal, Doktora Nathalie Tubera at Doktora MJ Ancheta na mula sa Provincial Health Office para naman sa Dental Services.
Ang mga sumusunod ay ang mga serbisyong ibinigay sa ating mga kabarangay:

1. Konsultasyong Medikal
2. Mga laboratoryo (blood sugar testing, HIV testing, Blood typing), para sa mga buntis: Urinalysis, HIV, Syphilis, Blood typing, Complete blood count
3. Dental (libreng bunot ng ngipin)
4. Cancer Screening - Visual Inspection using Acetic acid (VIA), Self Breast Examination (SBE)
5. TB screening/counseling
6. Immunization
7. Family planning session
8. Blood pressure monitoring
9. Ante-natal/post-natal services
10. Deworming
11. Vitamin A supplementation (6-59 months old)

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Health, Provincial Health Office - Aurora, Municipal Health Office - Baler, at BLGU Sabang. Ang ganitong gawain ay isasagawa minsan sa isang buwan upang kayo ay lubos mapaglingkuran para sa mga serbisyong pangkalusugan.

ATM: Immunization at So. Castillo Health Center
07/05/2026

ATM: Immunization at So. Castillo Health Center

Address

Barangay Sabang
Baler
3200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sabang - Health Worker posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share