22/02/2026
🙏🏽🙏🏽🙏🏽
Good news! Isang panalo para sa rehabilitative care!
Naaprubahan na sa committee level ang ating House Bill No. 5373 o Philippine Physical Therapy Law, isang hakbang tungo sa mas modernong sistema, mas mataas na pamantayan sa propesyon, at mas dekalidad na serbisyo para sa ating mga kababayan, lalo na ang ating mga PWD at senior citizens na nangangailangan ng maayos na rehabilitative care.
Hindi tayo titigil. Tuloy-tuloy ang susunod na mga hakbang para matiyak na mas ligtas at mas maayos ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.