Municipal Health Office of Bayombong

Municipal Health Office of Bayombong Hotline: 09353728950
MHO Bayombong: Promoting Health, Empowering Lives

✂️ LIBRENG TULI PARA SA BATANG BAYOMBONGUEÑO! 👦Handog ng Local na Pamahalaan ng Bayombong at ng Municipal Health Office ...
06/04/2026

✂️ LIBRENG TULI PARA SA BATANG BAYOMBONGUEÑO! 👦
Handog ng Local na Pamahalaan ng Bayombong at ng Municipal Health Office ang:

🏥 MAGPATULI PARA POGI 2026
Sino ang pwedeng sumali?
✅ Batang Bayombongueño
✅ Edad siyam (9) na taong gulang pataas

📝 MAHALAGANG IMPORMASYON:
📍 Magtungo sa inyong Barangay Health Worker o sa Municipal Health Office para magpalista.

💉 SCHEDULE NG TULI:
📅 Tuwing BIYERNES lamang (8:00 AM – 5:00 PM)

⚠️ PAALALA SA MGA MAGULANG at GUARDIAN:
🪪 Mangyaring magdala ng Valid ID ang mga magulang o guardian na sasama sa bata sa araw ng pagpapalista at sa mismong araw ng tuli.

🚀 I-share ang balitang ito sa inyong mga kakilala! Magpalista na mula Lunes hanggang Biyernes para sa inyong schedule!

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: PROTEKSYON LABAN SA TIGDAS!Mga Ka-Barangay, alam niyo ba na ang Tigdas (Measles) ay isa sa pinakan...
30/03/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: PROTEKSYON LABAN SA TIGDAS!
Mga Ka-Barangay, alam niyo ba na ang Tigdas (Measles) ay isa sa pinakanakakahawang sakit sa mundo? Ngunit ang mabuting balita: ito ay MAIIWASAN.

Huwag hayaang magkasakit ang inyong mga anak. Narito ang mga dapat tandaan upang manatiling ligtas ang ating pamilya at buong komunidad:

✅ 1. BAKUNA ANG PINAKAM mabisang PANALAGANG!
Ang MMR Vaccine ay ligtas, epektibo, at higit sa lahat—LIBRE sa ating Health Center.

1st Dose: 9 na buwan

2nd Dose: 12 na buwan

Para sa mga batang lagpas na sa edad na ito at hindi pa nababakunahan, pumunta lamang sa RHU para sa catch-up immunization.

🔍 2. ALAMIN ANG MGA SINTOMAS
Agad na kumonsulta sa doktor o lumapit sa ating health workers kung ang bata ay may:

Mataas na lagnat

Ubo at sipon

Namumulang mata

Mapupulang pantal na nagsisimula sa mukha

🧼 3. PANATILIHING MALINIS
Laging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing.

Panatilihing malakas ang resistensya sa pamamagitan ng masustansyang pagkain (lalo na ang mga may Vitamin A).

📍 Saan pupunta?
Bisitahin ang ating Rural Health Unit (RHU) o ang inyong Barangay Health Station (BHS) para sa libreng bakuna at karagdagang impormasyon.

"Bakunadong Bata, Ligtas sa Tigdas!"



26/03/2026
26/03/2026
26/03/2026
26/03/2026
📢 MAHALAGANG ANUNSYO: Para sa mga Pasyente ng RHU BayombongUpang mas mapabilis ang inyong serbisyong medikal at pagpapar...
03/03/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: Para sa mga Pasyente ng RHU Bayombong
Upang mas mapabilis ang inyong serbisyong medikal at pagpaparehistro sa PhilHealth YAKAP / Konsulta Program, hinihikayat ang lahat na magdala ng Valid ID sa bawat pagbisita.

❓ Ano ang YAKAP / Konsulta Program?
Ang YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) — na dating kilala bilang Konsulta — ay programa ng PhilHealth para sa libreng primary care services gaya ng:

✅ Konsultasyon sa doktor.

✅ Laboratory tests (base sa request ng doktor).

✅ Maintenance medicines para sa piling sakit (gaya ng diabetes at hypertension).

📋 Paano Mag-avail at Magparehistro?
PhilHealth PIN: Siguraduhing ikaw ay rehistradong miyembro.

Registration: Pumunta sa RHU dala ang iyong Valid ID.

Check-up: Sumailalim sa First Patient Encounter (FPE) at konsultasyon.

Bakit kailangang magpakita ng ID?
Ito ay para sa mabilis na verification ng inyong identity sa PhilHealth Check Utility (PCU) system at upang matiyak na tama ang inyong records.

📱 Gamit ang eGovPH App? Mas Mapapabilis Ka!
Kung mayroon kang eGovPH app, sundin ang mga hakbang na ito para sa "paperless" verification:

Log-in sa iyong eGovPH account.

Pindutin ang "My Government" icon.

Piliin ang PhilHealth logo upang makita ang iyong MDR o Member Portal.

Paalala: Siguraduhing tapos na ang inyong eKYC (account verification) sa app para ma-access ang records.

🪪 Anu-anong ID ang Maaaring Dalhin?
Maaaring magpakita ng kahit alin sa mga sumusunod:
• PhilHealth ID
• National ID
• Driver’s License
• Passport
• Unified Multi-Purpose ID (UMID)
• Professional Regulation Commission (PRC) ID
• Postal ID
• Voter’s ID / Voter’s Certificate
• TIN ID
• Member Data Record (MDR)
• PWD ID
• Birth Certificate
• Senior Citizen ID
• Solo Parent ID
• Iba pang valid government-issued ID

📣GOOD DAY, EVERYONE!We encourage you to be all our modern heroes, blood donors, to join and support us in our bloodletti...
16/02/2026

📣GOOD DAY, EVERYONE!
We encourage you to be all our modern heroes, blood donors, to join and support us in our bloodletting activity. This event is made possible through the collaboration of Nueva Vizcaya provincial hospital

🗓️Date: February 24, 2026 (7:30-2:00PM)
📍Venue: LGU Canopy, Bayombong, Nueva Vizcaya

You can make a difference in the lives of many by donation blood.

Kindly extend this invitation to your family and friends-together, let us share the gift of life.

Thank you for your generosity, and may god bless us all! 💙🤍

23/08/2025

Ngayong Agosto 26, let’s get vaccinated na!!!

Katulong ang HRH Bayombong, maibibigay ang MRTD vaccine o mas kilala bilang Measles, Rubella, Tetanus and Diphteria vaccine sa ating mga GRADE 7 learners. Maaring samahan ng kanilang mga parents ang mga anak sa NVGCHS sa oras ng pagbabakuna.

Para naman sa mga interesadong school personnel and parents o lahat ng edad 24 months-59 years old, maari silang magpabakuna ng Measles Rubella vaccine.

Kaya tara na! Martes, alas otso ng umaga, mgpabakuna na!!!

Let Tuesday be “CHOOSE HEALTHday”☺️🫶🏻

22/08/2025

Address

Alejandro Street, LB Perez, Salvacion, Nueva Vizcaya
Bayombong
3700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office of Bayombong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share