27/09/2026
POV: Toxic culture nating mga Pinoy kaya hindi bumubuti ang mental health natin.... Ready kana?
1. Patawarin mo na magulang mo padin yan.
(Oo nakapag patawad kana pero hindi ibig sabihin ay mawawalan kana ng boundaries sa sarili mo dahil lang sa kasabihang iyon.)
2. Kung mahal mo hayaan mo na mag babago din iyan.
(Mag mamahal kaba ng taong alam mong sasaktan kalang habang buhay at wala kang option na maging masaya at malaya?)
3. Kung hindi dahil sa magulang mo hindi ka ipapanganak wala ka sa mundo, kahit anong sama ng magulang mo wag mo pabayaan.
(Pinaka toxic na ugali natin, hindi ka mag go-grow pag yan ang ginawang mindset mo hindi ka makaka alis sa kadena ng kahirapan. Ang pagpapatawad ay ibinibigay oo pero natural obligasyon ng mga magulang na buhayin ang mga anak ng walang halong panunumbat.
4. Ikaw ang meron ikaw ang dapat gumastos at umintindi sa mga kaanak mo na tamad.
(Walang masamang tumulong pero hindi din masamang tumanggi, turuan mo silang mangisda kaysa turuan mong umasa na lamang sa iba.)
5. Bago ka mag asawa at bumuo ng pamilya siguraduhin mo munang maginhawa na ang mga magulang mo!!!
(Ang pinaka Pu**** In* kasabihan at cultura nating mga Pinoy, hindi mo hawak ang buhay ng bawat isa pero may mga pangarap kadin na dapat mong unahin.)