15/01/2026
π’π£ππ₯ππ§ππ’π‘ π§ππ πππ‘π π£ππ¨π¦ π‘π π ππ ππππππ§ππ‘π π§π¦
π Simula Lunes, Enero 19, 2026, magsasagawa ang ating mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNSs) ng Operation Timbang Plus sa bawat kabahayan.
πΆ Sino ang saklaw?
βοΈ Lahat ng batang 0-59 buwang gulang ay titimbangin at susukatin ang taas upang malaman ang kanilang nutrisyonal status at kalusugan.
Kasabay ng aktibidad:
π Vitamin A Supplementation para sa mga batang 6 hanggang 59 buwang gulang upang maiwasan ang pagkabulag at mapalakas ang resistensya (ibinibigay kada anim na buwan).
π«πͺ±Deworming o pagpupurga para sa mga kabataang 1 taong gulang hanggang 19 taong gulang upang maiwasan ang bulate, sakit, at mapanatili ang malakas na resistensya (ibinibigay kada anim na buwan din).
ποΈ Ang pag-iikot ng mga BNS at BHW ay magpapatuloy hanggang Marso 31, 2026 sa buong bayan.
π€ Kayaβt hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa at suportahan ang programang pangkalusugan ng pamahalaan sa pangunguna ni Mayora Ma. Elvira Cecille Ynares at Vice Mayor Russel Ynares, katuwang ang Binangonan Municipal Health Office at mga barangay.
π©΅ βSama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak, dahil ang bawat batang malusog ay pag-asa ng bayan. Ito ang ating panata para sa isang masigla at maunlad na kinabukasan ng Mahal Kong Binangonan"