10/07/2026
๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด | ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด, ๐๐ผ๐ฎ๐ฐ
Matagumpay po nating naisagawa noong ๐๐๐น๐๐ผ ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ang ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป sa Barangay Sabong, Boac bilang bahagi ng ating patuloy na paghahatid ng dekalidad at abot-kamay na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.
Kabilang sa mga serbisyong naihatid ay ang Medical Consultation, Dental Check-up, pamamahagi ng libreng gamot at bitamina, NCD Risk Assessment, Laboratory Tests, at PhilHealth YAKAP Program Registration.
Kasabay nito, isinagawa rin ang ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป bilang bahagi ng pagpapalakas ng implementasyon ng programang PuroKalusugan at upang higit pang maisulong ang kamalayan ng komunidad tungkol sa kalusugan.
Tinalakay ni ๐ ๐. ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฎ ๐. ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ, ๐ฃ๐ง๐ฅ๐ฃ ang ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐-๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐๐ฅ), isang programang naglalayong matulungan ang mga Persons with Disabilities (PWDs) na magkaroon ng pantay na oportunidad sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, pakikilahok sa lipunan, at pagbibigay-kakayahan sa kanilang sarili.
Nagbahagi naman si ๐ ๐ฟ. ๐๐ถ๐น๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฃ๐ฟ๐๐ฐ๐ฒ ๐. ๐ ๐ฎ๐ป๐ฟ๐ถ๐พ๐๐ฒ, ๐ฅ๐ก๐ ng mahahalagang kaalaman tungkol sa ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐, na nakatuon sa wastong nutrisyon at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay.
Isinagawa rin ang ๐ฃ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป (๐ฃ๐) ๐ฆ๐ถ๐๐ฒ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด na pinangunahan ni ๐ ๐ฟ. ๐๐ฒ๐น๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐. ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐น, ๐๐ ๐ข ๐๐ฉ. Binisita niya ang Barangay Health Station upang masuri ang kalagayan ng pasilidad at makipag-ugnayan sa mga Barangay Officials at Health Workers upang matiyak ang patuloy na maayos na pagpapatupad ng programang PuroKalusugan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Barangay Sabong sa pangunguna ni Kgg. Punong Barangay Loreta N. Abang, sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at sa lahat ng mamamayan sa inyong patuloy na pakikiisa, suporta, at pagtitiwala. Dahil sa inyong kooperasyon, patuloy nating naihahatid ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat isa.
SA HEALTHY BOAC, BAWAT BUHAY AY MAHALAGA!