Bocaue Health Department

Directions

Bocaue Health Department Official page of BOCAUE MUNICIPAL HEALTH OFFICE. Promoting public healthcare service delivery in Bocaue, Bulacan

👶👶💕 Dobleng saya sa Bocaue RHU 1 at Birthing Facility!Welcome sa ating dalawang bagong munting Bocaueno! 🍼✨ Congratulati...
08/09/2026

👶👶💕 Dobleng saya sa Bocaue RHU 1 at Birthing Facility!

Welcome sa ating dalawang bagong munting Bocaueno! 🍼✨ Congratulations, Mommy and Daddy! ❤️

Sa mga soon-to-be mommies, planuhin ang inyong panganganak at piliing manganak sa health facility para mas ligtas at maalagaan nang maayos si Mommy at Baby. 🤰🏥

Safe si Mommy, safe si Baby! 💕👶

🏥 Patuloy na Pagmamalasakit sa Ating mga Kababayan sa Evacuation Center 🤝💙Patuloy ang pagbisita ng ating Municipal Healt...
30/08/2026

🏥 Patuloy na Pagmamalasakit sa Ating mga Kababayan sa Evacuation Center 🤝💙

Patuloy ang pagbisita ng ating Municipal Health Office sa mga evacuation center upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan.
Kasama sa isinagawang aktibidad ang health check-up para sa mga evacuees na nakararanas ng karamdaman at pagbibigay ng Doxycycline prophylaxis sa mga kwalipikadong indibidwal, bilang bahagi ng pag-iwas sa leptospirosis, lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng baha.
💙 Sa panahon ng sakuna, hindi kayo nag-iisa. Patuloy kaming maglilingkod, magbabantay, at aalaga sa kalusugan ng bawat Bocaueño.
Sama-sama para sa ligtas at malusog na Bocaue! 🇵🇭

💉 TULOY-TULOY ANG MR-SIA VACCINATION SA BOCAUE! 💙Patuloy ang ating pagbabakuna kontra Tigdas (Measles) at Rubella sa iba...
24/08/2026

💉 TULOY-TULOY ANG MR-SIA VACCINATION SA BOCAUE! 💙

Patuloy ang ating pagbabakuna kontra Tigdas (Measles) at Rubella sa iba’t ibang barangay sa ating bayan. Layunin nating maabot at maprotektahan ang bawat batang Bocaueño laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

👶 Para sa mga batang 6 buwan hanggang 59 buwan, huwag palampasin ang pagkakataong mabakunahan ang inyong anak.

Kaya mga Mommy, Daddy at mga tagapag-alaga, makiisa sa MR-SIA 2026! Dalhin ang inyong mga chikiting sa vaccination post na malapit sa inyong lugar. 💉🛡️

Sama-sama nating protektahan ang bawat bata para sa isang ligtas at malusog na Bocaue!

💙 Bakuna Ngayon, Proteksyon Para sa Kinabukasan!

💉 MGA TOTOO AT HINDI TOTOO SA BAKUNA KONTRA TIGDAS AT RUBELLA🤔 Alamin ang TOTOO! Huwag basta maniwala sa mga kumakalat n...
24/08/2026

💉 MGA TOTOO AT HINDI TOTOO SA BAKUNA KONTRA TIGDAS AT RUBELLA
🤔 Alamin ang TOTOO! Huwag basta maniwala sa mga kumakalat na sabi-sabi tungkol sa bakuna kontra Tigdas at Rubella (MR).

💙 Huwag magpalinlang sa maling impormasyon. Kumonsulta sa inyong health center o health professional para sa tamang impormasyon tungkol sa bakuna.
Bakuna ang proteksyon. Sama-sama nating sugpuin ang Tigdas at Rubella! 💉❤️

Iwas Leptospirosis, Bocaue! 🦠🌧️⚠️ UMIWAS SA LEPTOSPIROSIS!Sa panahon ng baha at malakas na ulan, mag-ingat at iwasang lu...
24/08/2026

Iwas Leptospirosis, Bocaue! 🦠🌧️

⚠️ UMIWAS SA LEPTOSPIROSIS!
Sa panahon ng baha at malakas na ulan, mag-ingat at iwasang lumusong o maglakad sa maruming tubig dahil maaaring may taglay itong bacteria na nagdudulot ng Leptospirosis.
✅ Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.
✅ Magsuot ng bota o protective footwear kung kailangang lumusong.
✅ Panatilihing malinis ang katawan at sugat, at takpan ang anumang sugat bago ma-expose sa baha.
✅ Maghugas agad ng kamay at paa gamit ang malinis na tubig at sabon.
✅ Kung nakalubog sa baha at nakaranas ng lagnat, pananakit ng katawan, sakit ng ulo o iba pang sintomas, kumonsulta agad sa health center o pinakamalapit na health facility.

Bayan ng Bocaue, sama-sama tayong mag-ingat at umiwas sa Leptospirosis! 💙


Sa patuloy na pagbaha na nararanasan ng ibang mga lugar sa ating lalawigan, talaga namang hindi maiiwasang lumusong.

Kaagad na kumunsolta upang maiwasan ang sakit na Leptospirosis at iba pang sakit gaya ng alipunga!

Patuloy na Pagbisita at Serbisyong PangkalusuganPatuloy ang pagbisita ng MHO Bocaue sa mga evacuation center upang magbi...
14/08/2026

Patuloy na Pagbisita at Serbisyong Pangkalusugan

Patuloy ang pagbisita ng MHO Bocaue sa mga evacuation center upang magbigay ng libreng check-up, konsultasyon, at kinakailangang gamot para sa ating mga kababayan na apektado ng masamang panahon.

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at panganib, sinisiguro natin na may agarang serbisyong medikal para sa bawat pamilya—lalo na sa mga bata, matatanda, at may karamdaman.

Kalusugan at kaligtasan ng bawat Bocaueño ang ating pangunahing prayoridad. 🌧️🏥💊💙

Mag-ingat po ang lahat sa banta ng LEPTOSPIROSIS❗️ 🐀🐀🐀Narito po ang mga bagay na dapat nating malaman.
13/08/2026

Mag-ingat po ang lahat sa banta ng LEPTOSPIROSIS❗️ 🐀🐀🐀

Narito po ang mga bagay na dapat nating malaman.

🩺💉 LIGTAS SA TIGDAS, LIGTAS ANG BOCAUE! ❤️Bilang bahagi ng pagbubukas ng Ligtas Tigdas Campaign, nagsagawa ng pagbisita ...
11/08/2026

🩺💉 LIGTAS SA TIGDAS, LIGTAS ANG BOCAUE! ❤️

Bilang bahagi ng pagbubukas ng Ligtas Tigdas Campaign, nagsagawa ng pagbisita ang Municipal Health Office (MHO) ng Bocaue sa mga evacuation center upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan.

Kasabay ng pagbisita ay isinagawa rin ang pagbabakuna kontra Tigdas (Measles) sa mga kwalipikadong bata bilang proteksyon laban sa sakit.

Sa panahon ng sakuna at paglikas, higit nating pinahahalagahan ang kalusugan ng bawat isa. Sama-sama nating palakasin ang proteksyon ng ating mga anak laban sa tigdas. 💪👶💉
Bakuna ang proteksyon. Bakuna ang pag-asa.
❤️ Sama-sama para sa Malusog na Bocaue!







11/08/2026

💉❤️ DAY 1 | BAKUNA KONTRA TIGDAS AT RUBELLA

Handa na ba ang ating mga munting Bocaueño? 👧👦
Gaganapin ang Day 1 ng Bakuna Kontra Tigdas at Rubella bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya para maprotektahan ang mga bata laban sa tigdas at rubella.
Inaanyayahan ang mga magulang at guardians na dalhin ang kanilang mga anak sa itinakdang vaccination area






mabigyan sila ng ligtas at mahalagang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. 💉🛡️
Tara na, Bocaue! Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak at komunidad. ❤️
Bakuna ngayon, proteksyon para sa kinabukasan!

🏥💙 MUNICIPAL HEALTH OFFICE OF BOCAUE | HEALTH MONITORING SA MGA EVACUATION CENTERSPatuloy ang serbisyo at malasakit ng M...
10/08/2026

🏥💙 MUNICIPAL HEALTH OFFICE OF BOCAUE | HEALTH MONITORING SA MGA EVACUATION CENTERS

Patuloy ang serbisyo at malasakit ng Municipal Health Office of Bocaue sa ating mga kababayang lumikas sa mga evacuation centers. 🤝

Nagsagawa ang ating health team ng pagbisita, monitoring, at health assessment upang masiguro ang kalagayan ng bawat evacuee. Kasabay nito, nagbigay rin ng mga kinakailangang gamot at serbisyong pangkalusugan sa mga nangangailangan. 💊🩺

Sa panahon ng sakuna at kalamidad, hindi nagbabago ang aming commitment na maihatid ang serbisyong pangkalusugan kung saan ito higit na kinakailangan.

💙 Serbisyong pangkalusugan, malasakit, at pag-aaruga—para sa bawat Bocaueño.


Address

Bocaue
3018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bocaue Health Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share