24/08/2026
๐๐ ๐ฃ๐ข๐ช๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ฅ๐ข๐จ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ ๐๐๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก | ๐๐๐ด๐๐๐ ๐ฎ๐ญโ๐ฎ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ฑโจ
Matagumpay na isinagawa ang Peer Education Training noong August 21โ23, 2026 sa Convention Center, kung saan binigyang-kaalaman at kakayahan ang ating mga kabataan upang maging epektibong Peer Educators sa kanilang kapwa kabataan. ๐ซถ
Bilang bahagi ng pagsasanay, isinagawa naman ang kanilang Return Demonstration sa RHU Brookeโs Point, kung saan naipakita nila ang kanilang natutunan at kakayahang magbahagi ng tama at makabuluhang impormasyon. ๐ก๐ช
Kasabay nito, ipinakilala at ibinahagi rin ang kaalaman tungkol sa ating Adolescent-Friendly Health Facility (AFHF) sa Brookeโs Point, upang mas malaman ng mga kabataan na may ligtas, accessible, at youth-friendly na serbisyong pangkalusugan na handang tumugon sa kanilang mga pangangailangan. ๐๐ฉบ
Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Municipal Health Office (MHO), UNICEF, Philippine Society of Responsible Parenthood (PSRP), Municipal Youth and Local Development Office (MYLDO), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). ๐คโจ
Kabataang may tamang kaalaman, may kakayahang gabayan at maging boses ng kapwa kabataan! ๐