29/05/2026
Isang matagumpay at makabuluhang launching ng PuroKalusugan Program ang isinagawa noong May 28, 2026 sa Barangay Tubtub. ๐
Ang PuroKalusugan ay isa sa mga bagong estratehiya ng Department of Health na naglalayong mas mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad at pamilya.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, dumalo, at naging bahagi ng matagumpay na paglulunsad na itoโsa ating mga barangay officials, health workers, SK federation, volunteers, at mga mamamayan ng Barangay Tubtub. Ang inyong suporta at pakikiisa ay malaking hakbang tungo sa mas malusog at mas ligtas na komunidad para sa lahat. ๐