09/05/2026
.
*"HINDI LAHAT NG OINTMENT, PARA SA LAHAT NG KATI"* 🧴
*Bago ka magpahid, basahin mo muna to para hindi sayang pera at balat.*
*4 NA KLASE NG PAMPAHID - ALIN BA KAILANGAN MO?*
*1. ANTIFUNGAL CREAM - Pang-"AMAG"* 🍄
*Keywords sa label:* Ketoconazole, Clotrimazole, Miconazole, Terbinafine
*Para sa:* Buni, an-an, hadhad, alipunga, athlete's foot. Makati, map**a, may bilog o nagbabalat.
*Rule:* Tyagain 2-4 weeks. Pag tinigil agad, babalik yan.
*2. ANTIBIOTIC CREAM - Pang-"BACTERIA"* 🦠
*Keywords sa label:* Mupirocin, Fusidic acid, Neomycin, Bacitracin
*Para sa:* Pigsa, impetigo, sugat na may nana, namumula, mainit.
*Rule:* Hindi to para sa fungal. Pag pinahid sa buni, useless.
*3. STEROID CREAM - Pang-"PAMAMAGA/KATI"* 🔥
*Keywords sa label:* Betamethasone, Hydrocortisone, Clobetasol, Mometasone
*Para sa:* Eczema, allergy, rashes na makating-makati at namamaga.
*BABALA:* Ito yung "instant ginhawa" pero delikado. Pag nasobrahan: numinipis balat, pumuputi, nagka-stretch marks, tinutubuan ng balahibo. *Max 1-2 weeks lang. Bawal sa mukha/singit nang walang reseta.*
*4. COMBO CREAM - Pang-"Halo-halo na problema"* ⚠️
*Keywords:* May 2-3 ingredients. Ex: "Betamethasone + Clotrimazole + Gentamicin"
*Para sa:* Pag di sure kung fungi, bacteria, o namamaga lang.
*BABALA:* Kasi may steroid, same rule. Short-term use lang. Hindi pang-maintenance.
*5 GOLDEN RULES SA PAGPAPAHID:*
1. *DIAGNOSIS MUNA BAGO LUNAS.* Pag di mo sure kung fungi o bacteria, pa-check ka. Wag hulaan.
2. *LINIS BAGO PAHID.* Sabon + tubig, patuyuin. Wag sa pawis at dumi.
3. *MANIPIS LANG.* Pea-sized amount kaya i-cover buong area. Hindi cake icing yan.
4. *1 WEEK WALANG PAGBABAGO = STOP.* Mali yung gamot mo o mas malala na. Doctor na.
5. *WAG PAGHALUIN* ang mga cream "para sure". Lalo lang ma-irritate balat mo.
*❌ RED FLAGS - TAKBO KA NA SA DOCTOR PAG:*
- May nana na dilaw/berde at mabaho
- Kumakalat yung p**a at mainit
- May lagnat ka na
- Diabetic ka tapos may sugat na ayaw gumaling
- Ginagamit mo na steroid cream 2 weeks+ at numinipis na balat mo
*Tandaan: Ang balat mo hindi laboratory.*
*Yung 50 pesos na ointment, baka maging 5k na gastos pag lumala.*
*Pa-check up > Pa-guess. Lagi.*
* *
_For general info only. Not medical advice. Iba-iba tayo ng balat, magpa-consulta pa rin._
-
ccto