aluyon health center

Directions

aluyon health center official fb page of brgy health center

Para po sa lahat na nag nanais na makiisa sa ating blood donation maari po kayung mag tungo sa ating municipal plaza  ng...
28/08/2026

Para po sa lahat na nag nanais na makiisa sa ating blood donation maari po kayung mag tungo sa ating municipal plaza ngaung araw

FAMILY PLANNING CARAVAN 2026“Ang Pamilyang SMART, Panalo! Tara, Usap Tayo sa Family Planning.”Inaanyayahan ang lahat na ...
24/08/2026

FAMILY PLANNING CARAVAN 2026

“Ang Pamilyang SMART, Panalo! Tara, Usap Tayo sa Family Planning.”

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Family Planning Caravan na gaganapin sa Agosto 27, 2026 sa Burdeos Primary Care Facility Birthing Home.

Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman ng mga indibidwal at mag-asawa tungkol sa responsible at informed family planning, upang matulungan silang makapagpasya nang wasto, responsable, at naaayon sa kanilang pangangailangan para sa kalusugan at kapakanan ng pamilya.

Ano ang ibig sabihin ng Pamilyang SMART?

S – Sama-samang nagpaplano
M – May tamang kaalaman
A – Aktibong nagpapasya para sa kalusugan
R – Responsableng Pagpapamilya
T – Tiyak na masaganang kinabukasan

Sa pamamagitan ng family planning, ang bawat pamilya ay nabibigyan ng pagkakataong magplano ng bilang at pagitan ng mga anak, mapangalagaan ang kalusugan ng ina at anak, at makapaghanda para sa kinabukasan ng pamilya.

LIBRENG SERBISYONG MAKUKUHA:
• Pills
• Injectables / DMPA
• Implant
• IUD (Intrauterine Device)
• Family Planning Counseling

Inaanyayahan ang mga interesado na samantalahin ang pagkakataong ito upang makakuha ng tamang impormasyon, makapagkonsulta sa mga health care provider, at mapili ang angkop na family planning method batay sa kanilang pangangailangan at kalagayan.

Ang wastong kaalaman at responsableng pagpapasya ay mahalagang hakbang tungo sa isang malusog at maayos na pamilya.

📅 Agosto 27, 2026
📍 Burdeos Primary Care Facility Birthing Home

Ang Pamilyang SMART, Panalo!
Tara, Usap Tayo sa Family Planning.






Compose
Write to Zyra Mae Azas

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐆𝐎. 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘. 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀. 🩸❤️Mga minamahal na ka-Budeosin, isang simpleng kabutihan ang maaaring maging da...
24/08/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐆𝐎. 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘. 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀. 🩸❤️

Mga minamahal na ka-Budeosin, isang simpleng kabutihan ang maaaring maging dahilan upang may isang taong muling mabigyan ng pagkakataong mabuhay. Sa bawat patak ng dugong ating ibinibigay, may pamilyang nabibigyan ng pag-asa, may pasyenteng natutulungan, at may buhay na maaaring mailigtas.

Kaya naman, inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong blood donors na makiisa sa ating 𝗕𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲 ngayong darating na 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆) sa ating 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟳:𝟬𝟬 𝗔𝗠 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗣𝗠.

Hindi kailangang maging superhero para makapaglitas ng buhay. Minsan, sapat na ang iyong isang desisyon na tumulong, isang oras ng iyong panahon, at isang bag ng iyong dugo upang maging bayani sa buhay ng iba.

Budeosin, sama-sama tayong maging Life Savers!
Halina’t magkaisa, magbigay, at mag-iwan ng pag-asang maaaring umabot sa isang taong higit na nangangailangan.

📅 August 28, 2026 (Friday)
⏰ 7:00 AM – 12:00 PM
📍 Municipal Plaza, Bgry. Poblcion, Burdeos, Quezon

𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗. 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗘 𝗟𝗜𝗙𝗘. 𝗦𝗔𝗩𝗘 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗦. 🩸

21/08/2026

Gud pm everyone 📢📢📢
Malugod po namin kayung inaanyayaN sa darating na lunes


WHAT: MR:SIA PARA SA MGA EDAD 6,MONTH OLD TO 0.59.YEAR OLD

WHERE: SO LAWIS BRGY ALUYON IPS BAHAY PULUNGAN

WHEN;AUGUST 24.2026 @ 8;00 AM

TOGETHER WITH MA.AM.DINA GRACE

August 20, 2026📣MR-SIA goes to Sitio Puerto Verde!Mga kabarangay patuloy po nating suportahan ang MR-SIA na magpapatuloy...
21/08/2026

August 20, 2026
📣MR-SIA goes to Sitio Puerto Verde!
Mga kabarangay patuloy po nating suportahan ang MR-SIA na magpapatuloy pa sa susunod na linggo. Ilalapit po sa mga sitio o karatig sitio ninyo para sa mas madaling transportasyon.

See you po uli sa LUNES! ❤️

August 18, 2026💉MR-SIA Kick off sa Barangay Aluyon 🎊Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at dumalo. Muli, patuloy po...
18/08/2026

August 18, 2026
💉MR-SIA Kick off sa Barangay Aluyon 🎊
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at dumalo.
Muli, patuloy po namin kayong inaanyayahan na paturukan ang mga 6 na buwan hanggang bago mag limang taong gulang na bata sa darating na HUWEBES at sa susunod na linggo dito sa ating barangay
Maraming salamat po...

15/08/2026

Kaunting kaalaman para sa ligtas tigdas

Para po sa kaalaman ng lahat..
13/08/2026

Para po sa kaalaman ng lahat..

Para po sa kaalaman ng lahat ng mga nanay sa darating na AUGUST 18. 2026  magkakaroon po tau ng vaccination.. para sa mg...
13/08/2026

Para po sa kaalaman ng lahat ng mga nanay sa darating na AUGUST 18. 2026 magkakaroon po tau ng vaccination.. para sa mga batang edad
6 month old
59.month old
Salamat po

Address

Brgy Aluyon
Burdeos
4340

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when aluyon health center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share