Midwife Care Laguna

Midwife Care Laguna Blk 25 Lot 36 Centennial townhomes san Isidro Cabuyao Laguna

20/08/2026

🌙👶 BAKIT KAYA MADALAS MALIKOT SI BABY SA TIYAN KAPAG MADALING-ARAW? 🤰💕

Napapansin mo rin ba, Mommy? Kapag tahimik na ang paligid at oras na para matulog, saka naman parang may zumba si baby sa loob ng tiyan! 😂👶🏻💃

Normal na mapansin mong mas aktibo si baby kapag gabi o madaling-araw. Kapag nagpapahinga ka at hindi ka na abala sa ibang gawain, mas napapansin mo ang kanyang mga galaw. Maaari rin itong maimpluwensiyahan ng pagkain, posisyon ni Mommy, at normal na sleep-wake pattern ni baby.

💗 Tip: Kilalanin ang normal na galaw ni baby. Kung kapansin-pansing bumaba o nagbago nang malaki ang kanyang galaw, huwag itong balewalain—magpatingin agad sa iyong healthcare provider.

Ikaw, Mommy? Anong oras pinaka-malikot si baby—gabi o madaling-araw? 😍

😂 “WAG KA MUNANG MALIGO, BAKA MA-BINAT KA!”Sabi ni Lola:“Huwag ka munang maligo, baka ma-binat ka!” 👵🏻Ako: “Opo, Lola…” ...
20/08/2026

😂 “WAG KA MUNANG MALIGO, BAKA MA-BINAT KA!”

Sabi ni Lola:
“Huwag ka munang maligo, baka ma-binat ka!” 👵🏻

Ako: “Opo, Lola…” 🥹

Isang buwan na… 😭
Lola: “Baka binat ‘yan!”
Ako: “Lola, binat ba ‘to o KULANG NA SA LIGO?!” 🤣🤣🤣

Baka si baby hindi na amoy baby…
amoy Mommy na rin! 😂🫣

Pero seryoso mga Mommy, ang postpartum mom ay puwedeng maligo at mahalaga ang proper hygiene. Sundin ang payo ng healthcare provider lalo na kung may tahi o ibang komplikasyon.

Team “Maligo na, Mommy!” 🙋🏻‍♀️😂

19/08/2026

📖 Isaiah 41:10
“Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagkat ako ang iyong Diyos. Palalakasin kita at tutulungan kita.”
💗 Paalala: Hindi mo kailangang maging malakas araw-araw. May mga araw na iiyak ka, mapapagod ka, at parang gusto mo nang sumuko. Pero tandaan mo—hindi ibig sabihin ng pagod ay mahina ka. Ibig sabihin, matagal ka nang lumalaban.
Kapag mabigat ang pag-aalaga kay baby, problema sa asawa at pera, huminga ka muna. Isa-isang araw lang. Hindi man agad gumaan ang lahat, may Diyos na hindi ka iiwan. 🙏
“Kapit lang, Mommy. Hindi pa tapos ang kwento mo. May dahilan kung bakit ka pinapadalhan ng lakas araw-araw.” 🤍🙏

Share mo para sa mga nanay na lumalaban araw araw🥰

🙏🤍

18/08/2026

Payo ni Ma'am Jope🥰 sundin❤️

18/08/2026

YOGA BALL HABANG NAG-LILABOR 🤰🩷

Alam mo ba na maaaring makatulong ang yoga/birth ball habang nagla-labor? 🥰

✨ Nakakatulong sa paggalaw at pagbabago ng posisyon
✨ Maaaring makatulong sa pag-relax at pag-handle ng contractions
✨ Nakakatulong para maging mas komportable si mommy habang naghihintay ng panganganak
✨ Pwedeng gawin ang gentle rocking o pelvic movements kung pinapayagan ng healthcare provider

Pero mommy, safety first! 🫶 Siguraduhing tama ang laki ng ball, nasa stable na lugar, at may kasama o healthcare provider na tutulong lalo na kapag malakas na ang contractions.

Hindi kailangang tiisin nang tahimik ang labor—galaw, hinga, relax, at hanapin ang posisyong komportable para sa’yo. 💪👶🏻💕

Sa gusto ng Birth ball ito po yung link👇

https://s.shopee.ph/an_redir?origin_link=https://shopee.ph/product/1495328175/43332209287?gads_t_sig=gqRjZGVrxHCFomtpsTE0MjUxOnRzc19zZGtfa2V5omt20QABpGFsZ2_SAAAAZKNkZWvAomN0xEAAAAAMHJtu46N4YL1ETOwWAbpdPCpoOnQDXHQJ5OvtcN0M_eDbRA41r_846ydnLzTRf_samdRHEh2GSlumtjiKqmNpcGhlcnRleHTEcgAAAAxfMZ62rzibsVeD35PggijteHm7dLMMM4oIrJqAIGhIts81HN7_NdVC0QG8guB1byhbCS0zEVYmIzc_L6eR6216kiM6pvpFZ2_ss9NhIHYhcWawgxPG2CmsVdJOJb6sWbbU5lDlGP0FETgcsvsS9A&sm=fb_partner&affiliate_id=13339090325

17/08/2026

STRESSED KA NA SA PAG-AALAGA KAY BABY, WALA PA RING TUMUTULONG SA BAHAY? 🥺🤱

Mommy, kung buong araw kang nag-aalaga kay baby, puyat ka na, pagod, kailangan mo pang magluto, maglinis at asikasuhin ang bahay… hindi nakakapagtakang ma-stress ka. 💔

Pero tandaan mo: Hindi mo kailangang gawin lahat.

🍼 Baby muna.
😴 Pahinga kapag may pagkakataon.
🍚 Kumain at uminom ng sapat.
🧹 Ang bahay, puwedeng maghintay.
🤝 Kung may mapagkakatiwalaang tao, humingi ng tulong.

Hindi nasusukat ang pagiging mabuting Mommy sa kung gaano kalinis ang bahay o kung gaano karami ang nagawa mo sa isang araw.

Minsan, ang pinakamagandang nagawa mo ngayong araw ay ang alagaan si baby at alagaan ang sarili mo. ❤️

At kung ang matinding lungkot, pag-aalala o pagkabalisa ay tuloy-tuloy at hirap ka nang makayanan ang araw-araw, huwag itong sarilinin—kausapin ang iyong partner, pamilya o healthcare professional. 🫂

Mommy, hindi ka tamad. Hindi ka mahina. PAGOD KA LANG. At kailangan mo rin ng taong aalaga sa’yo. 💗

17/08/2026

POSTPARTUM ADVICE: Para kay Mommy na mag-isa sa puyat, pagod at iyak 🤱🥺

Kung ikaw ang nag-aalaga kay baby buong araw at gabi, puyat, pagod, at minsan umiiyak ka na rin dahil parang wala nang natitirang lakas—hindi ka mahina, Mommy. Pagod ka lang. At kailangan mo rin ng kalinga. ❤️

🌸 Matulog kapag may pagkakataon. Kahit hindi mahaba, malaking tulong ang maikling pahinga.
🌸 Kumain at uminom ng tubig. Huwag kalimutang alagaan ang katawan mo.
🌸 Humingi ng tulong. Kung may pamilya o taong mapagkakatiwalaan, sabihin mong kailangan mo ng pahinga.
🌸 Huwag sisihin ang sarili. Hindi kailangang perfect ang isang Mommy.
🌸 Kapag sobrang bigat na, magsabi sa taong pinagkakatiwalaan mo o sa healthcare professional. Hindi mo kailangang sarilinin lahat.

At kapag umiiyak si baby at umiiyak ka na rin… huminga muna. Ilagay si baby sa ligtas na lugar kung kailangan mong magpahinga sandali, at humingi ng tulong kung maaari.

Mommy, hindi mo kailangang maging matatag sa lahat ng oras. Maaari kang mapagod. Maaari kang umiyak. At karapat-dapat ka ring alagaan. 🫂💗

17/08/2026

Bakit ako nabinat? Paano ko nakuha ito

ang binat right after nila manganak. Narito ang ilang sa kanila:

1.Walang sapat na nutrisyon – Dahil nga kinakailangan ng katawan ng sapat na lakas at nutrients, kung magkukulang ito ay babalik lamang sa pagkapagod.Minsan pa mas nauuwi sa dagdag na sakit dahil walang tumutulong na healthy foods na labanan ang sakit na dala ng panganganak.

2.Labis na pagkapagod

3.Stress – Bukod sa pagod ng pisikal na pangangatawan, malaki rin ang ginagamapanang factor ng emotional at mental stress para sa mga nanay.Nagdudulot kasi ito ng hindi magandang epekto sa kabuuang pangangatawan niya.Madalas nangyayari ito kung maraming iniisip kaya naglalabas ng stress hormones ang kanyang katawan.

4.Kawalan ng tamang tulog

5.Anemia – Maaari ring panggalingan ng binat ang kakulangan sa red blood cells ng katawan.





16/08/2026

Bakit nga ba ?

1.Amoy at Lasang Kalawang: Ang mga tradisyunal na iron pill ay natutunaw sa sikmura at naglalabas ng metallic taste o amoy na nakaka-trigger ng vomiting reflex

2.Iritasyon sa Sikmura: Ang iron ay maaaring magdulot ng banayad na pamamaga sa lining ng tiyan (iron pill-induced gastritis), na nagiging sanhi ng pagduduwal at abdominal discomfort.

Mga Paraan Para Mabawasan ang Pagduduwal

Isabay sa Vitamin C: Inumin ito kasabay ng isang basong juice na mayaman sa Vitamin C (tulad ng orange o calamansi juice) upang matakpan ang amoy nito at mas mabilis itong ma-absorb ng katawan

iwasan ang Kape, Tsaa, at Gatas: Huwag iinom ng mga ito dalawang oras bago o pagkatapos uminom ng iron dahil hinaharangan ng mga ito ang pag-absorb ng mineral at maaaring lalong magpabigat sa sikmura





16/08/2026

Address

San Isidro
Cabuyao
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Midwife Care Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share