09/10/2025
🔴 ‼️HINDI NA NAIBABALIK PA ANG NASIRANG KIDNEY‼️
Ayon sa mga eksperto, mahigit 7 milyong Pilipino na ang may Chronic Kidney Disease (CKD)—at pabata nang pabata ang mga kailangang sumailalim sa dialysis. 😔
Ang kidney failure ay tinatawag ding “sakit ng mayaman”, dahil milyon ang kailangan para mapahaba ang buhay ng pasyente. Pero ang totoo, lifestyle at kakulangan sa kaalaman ang ugat ng karamihan sa kaso.
💡 Mga sanhi ng pagkasira ng kidney:
❗ Diabetes
❗ High blood pressure
❗ Sobrang alat, preservatives, fast food
❗ Pag-inom ng soft drinks at energy drinks
❗ Self-medication at labis sa pain relievers
❗ Pagpupuyat at stress
❗ UTI o impeksyon sa ihi
⚠️ Walang gamot sa sirang kidney—ang meron lang ay pag-iwas.
Kaya habang maaga pa: Maging responsable. Magpa-check up. Mag-ingat.
💔 Pag nasira ang bato, wala nang balikan.