Cainta Epidemiology Surveillance Unit

Cainta Epidemiology Surveillance Unit Cainta Municipal Epidemiology Surveillance Unit
Provide health advisory and disease information
Give Updates of any health events in Cainta

Magandang umaga!Ngayon, Hulyo 17, 2025, ay ating ginugunita ang National CPR Day. Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng ...
17/07/2025

Magandang umaga!

Ngayon, Hulyo 17, 2025, ay ating ginugunita ang National CPR Day. Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Cainta, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal at mga medical staff mula sa The Medical City, isinagawa ang isang mahalagang aktibidad na naglalayong magbigay-kaalaman ukol sa Hands-Only CPR.

Ang ating mga kalahok ay mga piling Barangay Health Workers mula sa pitong barangay ng Cainta, na matagumpay na nakatanggap ng sertipikasyon matapos ang pagsasanay.

Lubos ang aming pasasalamat sa walang-sawang suporta ng ating mahal na Mayor Kit Nieto at ng ating butihing Municipal Health Officer, Dr. Edgardo Gonzaga. Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa Barangay San Juan, lalo na kay Kapitana Normita Felix, sa pagpapagamit ng kanilang Barangay Conference Room upang maging venue ng nasabing aktibidad. Salamat din po sa mga masisipag na staff ng Barangay San Juan—Sir Jess at Ma'am Marivic—para sa kanilang tulong at suporta.

Sa likod ng matagumpay na aktibidad na ito ay ang dedikasyon ng ating mga technical team—Sir Phillip, Ate Ruth, Admin staff, Larry, at ang buong Cainta GSO—na naging susi upang maisakatuparan ito nang maayos at matagumpay.

Maraming salamat po sa inyong lahat!
-H

Magandang araw!Ang Cainta Health Office ay matagumpay na nakapagsagawa ng Basic Life Support (BLS) training para sa atin...
20/05/2025

Magandang araw!

Ang Cainta Health Office ay matagumpay na nakapagsagawa ng Basic Life Support (BLS) training para sa ating mga health at technical staff. Ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa ating mga kababayan sa Bayan ng Cainta.

Una sa lahat, taos-puso po kaming nagpapasalamat kina Mayor Kit Nieto at Dr. Edgardo Gonzaga sa pag-apruba at pagsuporta sa pagsasanay na ito. Ito ay patunay ng inyong malasakit sa kapakanan ng ating mga mamamayan.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa Department of Health – Region IV-A (CALABARZON) sa pagtugon at pagbibigay-daan sa kahilingang maitrain ang aming mga staff.

Maraming salamat din po sa mga facilitators mula sa DOH Region IV-A na walang pagod na ibinahagi ang kanilang kaalaman:
1. Dayang Hussayna Idjirani
2. Genrick James Gatdula
3. Jessel Pajarillon
4. Xabdrell Mathew Rebote
5. Vencent Bron

Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa mga kinatawan mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Rizal na naging bahagi rin ng tagumpay ng training:
6. Gerald Monzon – PDRRMO
7. Vincent Sulit – PDRRMO
8. Rasper Pascual – LGU Cardona
9. Christian Carl Leyva – Antipolo City, CESDRU
10. Felele Macapinlac – Binangonan
11. Rodrigo Reyes Jr. – PHO
12. Ezzel Joyce – PDOHO

Maraming salamat po sa inyong mga tanggapan sa pagpahintulot sa inyong mga kinatawan na maging bahagi ng training na ito.

Sa lahat ng participants, nawa’y naging makabuluhan ang inyong natutunan. Hinihikayat namin kayong isapuso ang mga kaalamang ito upang sa oras ng pangangailangan, kayo ay makaligtas ng buhay.

Pasasalamat din po sa lahat ng bumuo ng training na ito:
• Cainta Health Office – sa mahusay na koordinasyon at pagsisikap;
• GSO Cainta – sa suporta sa pagkain at transportasyon para sa facilitators at participants. Busog po kami hindi lang sa kaalaman kundi pati sa pagkain!
• One Cainta College – sa mainit na pagtanggap at pagbibigay ng maayos na venue;
• At sa ating masisipag na technical staff na tumulong sa lahat ng aspeto ng training: Sir Philip, Ate Ruth, Kuya Steve, Kuya Ed, Kuya Reggie, Larry, Kuya Mon, Kat, Sean, Christine, at Abigail. Hindi magiging matagumpay ang training na ito kung wala ang inyong dedikasyon at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. Sama-sama nating itaguyod ang mas ligtas at mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Cainteño!

Para sa Bayan ng Cainta,
Cainta Health Office

20/05/2025

05/10/2024

ONECAINTA MPOX TELEMED KONSULTA
• Huwag ipagwalang-bahala kung nakakaramdam ng sintomas, itawag agad sa ating hotlines:

01/10/2024
23/09/2024
23/09/2024
Isang magandang pagsisimula.Monday Activity MPOX Orientation sa mga establishment na high risk occupations and workplace...
23/09/2024

Isang magandang pagsisimula.

Monday Activity MPOX Orientation sa mga establishment na high risk occupations and workplace.

Salamat Sta Lucia Mall for making this activity successful.

Ikalat ang tamang information

20/09/2024

Address

Rosepack Compound
Cainta
1900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cainta Epidemiology Surveillance Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share