26/07/2026
Marami siguro ang napapatanong, paano nga ba maging isang tattoo artist?
Ang alam ng lahat ay basta mayroon ka ng tattoo machine, ink, mga kagamitan at kayang gumuhit sa balat.
Pero ano nga ba ang isang tunay na Artist?
Sisimulan mo ito, sa pagkakaroon ng motivation, inspiration, courage and self-belief.
KAILANGAN MO MUNANG KILALANIN ANG SARILI MO, BAGO MO IPAKILALA ANG TALENTO MO AT ANG PANGALAN MO SA MUNDO.
Kailangan mo munang maging mahina, para magkaroon ng lakas bumangon. Kailangan mo muna matalo sa buhay, bago ka ipanalo ng dedikasyon mo. Kailangan mo munang hangaan ang sarili mo, bago ka palakpakan ng iba. Lahat ng ito, ay mararanasan natin, bago natin masabi na kaya na nating harapin ang REYALIDAD.
Lahat tayo ay may kalayaan na ipakilala ang sarili natin, isigaw ang kakayanan natin, at maging orihinal hindi lamang sa gawa, kundi sa pagiging tao. Walang halong peke at walang halong kopya. Ika nga nila "True skill isn't copied. it's created".
Ganito ang tunay na mundo ng isang Tattoo Artist. Ito ang aming reyalidad. Lahat ay may tamang oras para manalo, lahat tayo ay iba't iba ang kakayanan, gamitin natin ang ating tunay na talento, sa tama, sa ibang tao, at sa para sa sarili natin.
Muli, hindi kami basta gumuguhit lamang. Oras, panahon, at sarili ang aming kalaban. Ngunit lahat tayo ay may kakayahang patatagin ang ating sarili sa PAGIGING TOTOO.
The photos below are my original designsβcreated entirely from scratch.