28/09/2026
Ayon sa Memorandum Circular No. 136, s. 2026, idineklara ang suspension of work sa lahat ng ahensya at instrumentalities ng National Government, kabilang ang Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs) at State Universities and Colleges (SUCs), simula alas-1:00 ng hapon sa Setyembre 28, 2026 (Lunes).
Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day,” bilang bahagi ng paggunita sa 34th National Family Week.
Kaya naman, kaisa ang inyong lingkod, Mayor Ross Rizal, at ang Sangguniang Panlungsod ng Calamba, sa pagtalima sa layunin ng mahalagang pagdiriwang na ito.
Hinihikayat ang lahat na gamitin ang pagkakataong ito upang makasama at makapaglaan ng makabuluhang oras para sa pamilya—upang magsalo-salo, magkumustahan, at higit pang patatagin ang ugnayan ng bawat miyembro ng pamilya.
Sapagkat sa isang matatag na pamilya, nagsisimula ang isang matatag na pamayanan.