26/06/2026
🚭Pagbaba ng Smoke-Free Task force inspection team sa mga barangay ng syudad ng Calamba, INUMPISAN NA!🚭
Pinaalalahan ang publiko paukol sa mga nilalaman ng ANTI-SMOKING AND VA**NG ORDINANCE.
Ang ilan sa mga nakapaloob sa batas na binigyang diin
•Pagsita sa paninigarilyo at paggamit ng Vaporized Ni****ne at Non-Ni****ne Products, mga kagamitang ginagamit nito (devices), o Novel To***co Products sa mga nakasara o bahagyang nakasarang pampublikong lugar, mga lugar ng trabaho, pampublikong sasakyan, at iba pang pampublikong lugar, maliban sa mga Itinalagang Lugar para sa Pagva-v**e (Designated Va**ng Areas o DVA) at sa mga point-of-sale establishment na nagsasagawa lamang ng product demonstration.
•Pagsita sa mga tindahan ng pagbebenta o pamamahagi ng mga produktong tabako, Vaporized Ni****ne at Non-Ni****ne Products, o Novel To***co Products sa lahat ng paaralan, pampublikong palaruan, at iba pang lugar na madalas puntahan ng mga menor de edad, gayundin sa loob ng isandaang (100) metro mula sa hangganan ng mga naturang lugar.
•Pagsita ng paglalagay, pagpapaskil, o pamamahagi ng mga materyales na pang-anunsiyo ng mga produktong tabako, Vaporized Ni****ne at Non-Ni****ne Products, kanilang mga device, o Novel To***co Products, tulad ng mga polyeto (leaflets), poster, at iba pang katulad na materyales, sa labas ng mga point-of-sale establishment.
•Pagpapaalala na ang paglalagay, pagpapaskil, o pamamahagi ng mga materyales na pang-anunsiyo ng mga produktong tabako, Vaporized Ni****ne at Non-Ni****ne Products, kanilang mga device, o Novel To***co Products, tulad ng mga polyeto, poster, at iba pang katulad na materyales, kahit nasa loob ng point-of-sale establishment, kung ang naturang establisyemento ay hindi pinahihintulutang magbenta o mamahagi ng mga produktong ito alinsunod sa Seksyon 5(b) ng Ordinansang ito.
•Pagpapaalala na Maglagay at magpanatili ng malinaw at madaling makitang "No Smoking/Va**ng" na karatula sa lahat ng lugar kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo at pagva-v**e, kabilang ang mga sasakyan. Dapat may nakapaskil na karatula sa bawat pasukan ng naturang lugar.