13/10/2026
BONE AND JOINT WEEK CELEBRATION | PUROKALUSUGAN PROGRAM
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Bone and Joint Week, nagsagawa ng LIBRENG Physical Therapy Services sa ilalim ng PuroKalusugan Program upang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan at matulungan silang mapanatili o mapabuti ang kanilang kakayahang kumilos at gawin ang pang-araw-araw na gawain.
Ang aktibidad ay pinaunlakan ng DOH Physical Therapist na si Ms. Mary Sol Delen, na nagbigay ng angkop na assessment at physical therapy interventions para sa mga residenteng nangangailangan ng serbisyo.
Bilang bahagi ng ating layuning walang maiiwan sa serbisyong pangkalusugan, nagsagawa rin ng household visitation para sa mga pasyenteng hindi kayang bumiyahe patungo sa Barangay Health Station. Sa pamamagitan nito, naihatid ang libreng physical therapy services sa mismong tahanan ng mga kababayang may limitasyon sa paggalaw at pagbiyahe.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng ating DOH Nurse, Ms. Elen Nicolle Ilagan, sa pangunguna ng ating Barangay Chairman, Hon. Raul V. Dinglasan.
Paalala po na ang physical therapy ay hindi lamang para sa mga pasyenteng na-stroke. Maaari rin itong makatulong sa mga indibidwal na may iba’t ibang kondisyon na nakaaapekto sa kanilang lakas, balanse, mobility, at pang-araw-araw na gawain, depende sa assessment ng Physical Therapist.
Sa pamamagitan ng PuroKalusugan Program, patuloy nating inilalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa komunidad—sa ating Barangay Health Station at maging sa tahanan ng mga kababayang nahihirapang magtungo rito.