02/09/2026
Magandang umaga mga Batang Kankaloo!
Bumuti man po ang kalidad ng hangin sa Metro Manila, kabilang ang Lungsod ng Caloocan, nananatili pa rin sa Moderate level ang pinakahuling air quality reading sa lungsod.
Bilang pag-iingat, hinihikayat pa rin po ang lahat na magsuot ng face mask kapag lalabas at iwasan, hanggaโt maaari, ang matagal na pananatili at mabibigat na aktibidad sa labas.
Lalo po nating ingatan ang ating mga bata, senior citizens, buntis, at mga may sakit sa baga, puso, o iba pang karamdaman. Kung maaari, manatili muna sa loob ng tahanan at limitahan ang exposure sa labas.
Patuloy po nating minomonitor ang kalidad ng hangin at magbibigay tayo ng kaukulang abiso kung may pagbabago.
Mag-ingat po kayo lagi mga Batang Kankaloo.