11/08/2026
Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng samahang NAGKAISA Inc. sa Jollibee Group Foundation at sa Presidential Commission for the Urban Poor - PCUP sa inyong napapanahong donasyon para sa aming mga kasapi at ilan pamilya mga nakatira sa creek na naapektuhan ng kamakailang bagyo at habagat.
Malaking tulong po ang inyong pagmamalasakit upang maibsan ang kanilang mga pinagdaanan sa panahong ito ng sakuna.
Gusto rin naming pasalamatan nang lubos si Kap Palmere sa kaniyang pagpapahiram ng sasakyan na naging susi upang mabilis naming maihatid ang mga tulong.
Maraming-maraming salamat po sa inyo!