Barracks Health Center

Barracks Health Center Official Page of NEW Barracks Health Center
(Bldg. project from our City Gov't of Caloocan)

23/07/2026
30/05/2026

Ang Ligtas Tigdas 2026… 2 Tulog na lng! ay isang mahalagang programa na naglalayong maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng ligtas, mabisa, at libreng pagbabakuna. Hinihikayat natin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa kampanyang ito upang matiyak na ang bawat bata ay may sapat na proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Sa pagtutulungan ng pamahalaan, Barangay 186, District III, Caloocan City, Barracks Health Center, mga health worker, at komunidad, makakamit natin ang layunin na mapanatiling malusog at ligtas ang ating mga anak. Ang bawat bakuna ay isang hakbang tungo sa mas matatag at mas ligtas na kinabukasan para sa bawat pamilyang Pilipino.

Magpabakuna, makiisa, at sama-sama nating sugpuin ang tigdas. Sa Ligtas Tigdas 2026, bawat bata ay mahalaga at dapat maprotektahan.



MOTORCADE @ Brgy 186 May 29, 2026Ligtas Tigdas 2026 headed by our Health workers from Barracks Health Center together wi...
29/05/2026

MOTORCADE @ Brgy 186
May 29, 2026

Ligtas Tigdas 2026 headed by our Health workers from Barracks Health Center together with the special participation of our beloved Brgy Captain Jesus Basmayor and other staff members.

29/05/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY πŸ“’

Pansamantala pong ititigil ang ating ROUTINE IMMUNIZATION Services simula ngayong buwan bilang pagbibigay-daan sa isinasagawang Ligtas Tigdas Campaign.

βœ… Magre-resume po ang Routine Immunization sa June 18, 2026.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

Simula June 2026, maaaring magpunta ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak na 6 mos hanggang 59 mos sa mga nakata...
28/05/2026

Simula June 2026, maaaring magpunta ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak na 6 mos hanggang 59 mos sa mga nakatalagang Temporary fixed post sa ating lugar.

Narito ang mga detalye tungkol sa tigdas at tigdas hangin, gayundin ang mga sintomas.

Hinihikayat ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang inyong mga anak upang mabigyan sila ng proteksyon at maiwasan ang iba't ibang komplikasyon tulad ng pulmonya, pamamaga ng tisyu sa utak o encephalitis, permanenteng kapansanan, at kamatayan.

Magkakaroon po ng LIGTAS TIGDAS CAMPAIGN para sa mga batang may edad 6 hanggang 59 months old sa mga sumusunod na purok:...
28/05/2026

Magkakaroon po ng LIGTAS TIGDAS CAMPAIGN para sa mga batang may edad 6 hanggang 59 months old sa mga sumusunod na purok:

πŸ—“οΈ Schedule ng Pagbabakuna
πŸ“ Purok 1 hanggang Purok 7

βœ… Layunin ng programang ito na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas at iba pang sakit.

πŸ’‰ Makilahok sa Ligtas Tigdas Campaign!
πŸ›‘οΈ Protektado ang bata, protektado ang komunidad!

19/03/2026

Pabatid:
Magandang umaga po sa aming minamahal na mga miyembro ng Hypertension at Diabetes Club.
Dahil holiday po bukas (Marso 20, 2026), ang mga naka-schedule na kukuha ng kanilang maintenance ay maaaring pumunta na lamang sa Lunes (Marso 23, 2026) sa Barracks Health Center, mula alas-8:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa!

18/03/2026

πŸ“’ ANUNSYO PARA SA MGA BUNTIS

Inaanyayahan ang lahat ng buntis na may nakatakdang schedule para sa HIV Screening, Syphilis Test, Hepatitis B Screening at Blood Typing na magtungo sa ating health center bukas
March 19, 2026, sa ganap na 1:00 PM.

Mahalaga ang mga pagsusuring ito upang masigurong ligtas at malusog ang inyong pagbubuntis at ang inyong sanggol.

Maraming salamat po!

Address

1337 Street Mark Barracks Health Center. Brgy. 186
Caloocan
1400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barracks Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share