30/08/2026
“Hindi lang sa kasaysayan nabubuhay ang kabayanihan, nabubuhay ito sa ating mga aksyon.”
Sa Pambansang Araw ng mga Bayani, tanungin natin ang ating sarili: Ano ang maitutulong ko para sa ating bayan?
Saludo tayo sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan. At sa ating sariling paraan, piliin nating maging bayani ngayon - sa paggawa ng tama, pagtulong sa kapwa, at pagmamalasakit sa ating bansa.
Ang kabayanihan ay hindi lamang alaala ng kahapon. Ito ay responsibilidad na isinasabuhay natin araw-araw.