22/07/2026
π’ PAALALA TUNGKOL SA DSWD MEDICAL FINANCIAL ASSISTANCE
Ang Medical Certificate para sa DSWD Medical Financial Assistance ay ibinibigay lamang sa mga pasyenteng tunay na gagamit nito para sa kanilang gamot, laboratory procedures, at iba pang kinakailangang serbisyong medikal.
Kung kayo ay nabigyan na ng Medical Certificate ngunit hindi ito nagamit at muling babalik para sa parehong concern, maaaring hindi na po kayo mabigyan ng panibagong certificate para sa parehong layunin. Layunin nitong matiyak na ang tulong pinansyal ay napupunta sa mga pasyenteng talagang nangangailangan at gagamit nito para sa kanilang pagpapagamot.
Tandaan na limitado ang pondo ng DSWD. Kapag hindi nagagamit nang tama ang assistance, may ibang pasyente na maaaring hindi mabigyan ng tulong kahit sila ay may agarang pangangailangan.
Kung ang hinihinging tulong ay hindi naman para sa gamot, laboratory tests, o iba pang medical expenses, maaaring may ibang programa o ahensya na mas angkop para sa inyong pangangailangan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga nangangailangan nito nang tama at patas.