Baesa Health Center - Caloocan Brgy 158,159,160,161

Baesa Health Center - Caloocan Brgy 158,159,160,161 Dedicated to provide compassionate, and patient-centered healthcare to members of our community
Philhealth Accredited YAKAP clinic in CALOOCAN

Schedule ngayong parating na linggo
06/06/2026

Schedule ngayong parating na linggo

πŸŽ‰πŸ’‰ SUCCESSFUL FIRST DAY OF MR-SIA! πŸ’‰πŸŽ‰Isang matagumpay na unang araw ng ating Measles-Rubella Supplemental Immunization A...
01/06/2026

πŸŽ‰πŸ’‰ SUCCESSFUL FIRST DAY OF MR-SIA! πŸ’‰πŸŽ‰

Isang matagumpay na unang araw ng ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ang naisakatuparan ngayong araw! Maraming salamat sa dedikasyon at walang sawang serbisyo ng ating mga Doctors, Nurses, Midwives, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Health Workers (BHWs) mula sa Baesa Health Center na sama-samang nagbigay ng proteksyon sa ating mga kabataan laban sa tigdas at rubella. β€οΈπŸ‘

Dahil sa ating pagsisikap at suporta ng ating komunidad, mas marami tayong mga batang nabigyan ng pagkakataong maging ligtas at malusog.

πŸ“’ Paalala po sa lahat ng mga magulang at guardians:
Patuloy pa rin ang MR-SIA buong buwan ng June! Inaanyayahan pa rin namin ang lahat ng may anak na edad 6 months hanggang 59 months (4 years and 11 months) na magpabakuna sa pinakamalapit na vaccination site. Mayroon din tayong binibigay na Vitamin A supplementation at pampurga.

βœ… Libre
βœ… Ligtas
βœ… Mahalaga para sa kalusugan ng inyong anak

Tara na at sama-sama nating protektahan ang ating mga anak laban sa Measles at Rubella! Magpabakuna na ngayong June! πŸ’ͺπŸ‘ΆπŸ’™





30/05/2026
πŸš¨πŸŽ‰ Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng Ligtas Tigdas Campaign sa darating na buwan ng Hunyo, ang mga miyembro ng Baesa ...
29/05/2026

πŸš¨πŸŽ‰ Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng Ligtas Tigdas Campaign sa darating na buwan ng Hunyo, ang mga miyembro ng Baesa Health Center kasama ang ating mga partner Barangay mula sa Brgy. 161, 160, 159 at 158 ay naglibot at nagsagawa ng motorcade, pati pamimigay ng flyers bilang suporta at promotion para sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) πŸŽ‰πŸš¨

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at guardians na may anak na edad 6 months old hanggang 59 months old, o mga hindi pa tumapak sa edad na limang taon na magpunta sa ating mga temporary fixed posts para sa LIBRENG bakuna laban sa measles at rubella. πŸ’‰β€οΈ

Kasabay din po nito ang pagbibigay ng Vitamin A Supplementation para sa mga batang edad 6 months old hanggang 59 months old upang makatulong sa pagpapalakas ng kanilang resistensya laban sa sakit at suportahan ang kanilang malusog na paglaki at pagunlad.. 🍊πŸ’ͺ

Magtulungan po tayo upang maprotektahan ang ating mga chikiting laban sa sakit at mapanatiling ligtas at healthy ang ating komunidad. πŸ§’πŸ‘§βœ¨

Protektado ang batang bakunado! πŸ’™πŸ’‰

20/05/2026

⚠️ Uncontrolled hypertension or high blood pressure is a major cause of premature death in people under 70 years of age.

Regular monitoring of blood pressure, using a clinically validated device will ensure accurate reading for most appropriate treatment.

16/05/2026

Handa na ba ang lahat ngayon darating na buwan ng Junyo 2026.
Tara na sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar at magpabakuna kontra tigdas at rubella

Address

356 Rose Street Baesa
Caloocan
1401

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baesa Health Center - Caloocan Brgy 158,159,160,161 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share