Calumpit District Hospital

Directions Website

Calumpit District Hospital For CDH OPD Online Appointment click here https://www.facebook.com/calumpitdistricthosp

🎀 Breast Cancer Awareness Month 🎀 Inaanyayahan po ang lahat sa LIBRENG Breast Mass Screening kasama si Dr. Kathleen Land...
08/10/2026

🎀 Breast Cancer Awareness Month 🎀

Inaanyayahan po ang lahat sa LIBRENG Breast Mass Screening kasama si Dr. Kathleen Landayan Del‑Rosario sa
Calumpit District Hospital OPD Building — tuwing Miyerkules at Biyernes ng Oktubre, sa ganap na 1:00 ng hapon.

Ang maagang pagsusuri ay susi sa kaligtasan.
Tara, magpa‑screening na! 💪

Ang Calumpit District Hospital ay magbabalik sa normal na operasyon simula ika-8 ng Setyembre, 2026 (Martes).Patuloy po ...
07/09/2026

Ang Calumpit District Hospital ay magbabalik sa normal na operasyon simula ika-8 ng Setyembre, 2026 (Martes).

Patuloy po naming pinaaalalahanan ang lahat na magsuot ng bota at magdala ng payong sapagkat may mga oras na nagkakaroon ng tubig sa bakuran ng pagamutan na dulot ng hightide at ulan. Mag-ingat po ang lahat. Maraming salamat po.

Pabatid sa Publiko. Pansamantalang pagtigil ng operasyon ng Calumpit District Hospital simula ika-31 ng Agosto, 2026.Mag...
31/08/2026

Pabatid sa Publiko.
Pansamantalang pagtigil ng operasyon ng Calumpit District Hospital simula ika-31 ng Agosto, 2026.
Mag-ingat po ang lahat.

Pinababatid po sa lahat na kanselado ang OPD Checkup ngayong Lunes, ika-24 ng Agosto, 2026 dahil kasalukuyang pa rin pon...
23/08/2026

Pinababatid po sa lahat na kanselado ang OPD Checkup ngayong Lunes, ika-24 ng Agosto, 2026 dahil kasalukuyang pa rin pong naliligiran ng tubig ang pagamutan kung kaya’t madulas po ang mga daraanan.

Para sa mga EMERGENCY CASES, patuloy pong nagbibigay serbisyo ang pagamutan 24/7.

Ang kaligtasan ng bawat isa ay amin pong prayoridad. Mag-ingat po ang lahat.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

PABATID SA PUBLIKO:Ang bakuran ng pagamutan ay kasalukuyang nakararanas ng patuloy na pagtaas ng tubig na maaaring sanhi...
19/08/2026

PABATID SA PUBLIKO:

Ang bakuran ng pagamutan ay kasalukuyang nakararanas ng patuloy na pagtaas ng tubig na maaaring sanhi ng backflooding, hightide at pag-ulan. Dahil rito PANSAMANTALANG KANSELADO ANG LAHAT NG OPD Check-up simula ngayong araw ika-20 ng Agosto, 2026 (Huwebes).

DOH: ALAMIN ANG MGA SINTOMAS AT PARAAN KONTRA LEPTOSPIROSISKasabay ng malawakang pag-ulan at pagbaha ang pagtaas ng pang...
11/08/2026

DOH: ALAMIN ANG MGA SINTOMAS AT PARAAN KONTRA LEPTOSPIROSIS
Kasabay ng malawakang pag-ulan at pagbaha ang pagtaas ng panganib ng Leptospirosis.
Pinapaalala ng DOH na tandaan ang mga sintomas at mga paraan kung paano makakaiwas sa sakit na ito.
Kung lumusong sa baha, agad na pumunta sa pinakamalapit na health center para sa tamang gabay at lunas.

Paalala sa publiko:Kasalukuyan pong nakararanas ng pagtaas ng tubig sa bakuran ng pagamutan,  hinihikayat po ang lahat n...
11/08/2026

Paalala sa publiko:
Kasalukuyan pong nakararanas ng pagtaas ng tubig sa bakuran ng pagamutan, hinihikayat po ang lahat na sumunod sa mga paalala ng pamahalaan upang manatiling ligtas.

Huwag kalimutang magdala ng payong at magsuot ng bota.

Batay sa anunsyo ng Office of the President,   ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan gayundin sa mga Ta...
06/08/2026

Batay sa anunsyo ng Office of the President, ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan gayundin sa mga Tanggapan ng Gobyerno na nasa talaan. Kabilang po dito ang Lalawigan ng Bulacan.

Sa kabila nito, patuloy po ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa EMERGENCY ROOM 24-oras upang tumugon sa agarang pangangailangan (emergency).

Magtungo lamang sa pagamutan kung tiyak na ligtas ang inyong mga daraanan. Mag-ingat po ang lahat. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Takbo Para sa Kalusugan, Alaga Para sa BayanSa pagdiriwang ng National Hospital Week, inaanyayahan ng Calumpit District ...
31/07/2026

Takbo Para sa Kalusugan, Alaga Para sa Bayan

Sa pagdiriwang ng National Hospital Week, inaanyayahan ng Calumpit District Hospital Public Health Unit at TAU GAMMA SIGMA (Balungao Chapter), ang buong komunidad na makiisa sa isang makabuluhang aktibidad — ang 3 KM Fun Run na gaganapin sa ika-29 ng Agosto 2026, Sabado sa ganap na ika-4:30 ng umaga.

Ang Fun Run na ito ay hindi lamang isang simpleng pagtakbo. Ito ay isang simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng pagamutan at komunidad para sa mabuting kalusugan.

Layunin ng aktibidad na ito na:

-Hikayatin ang lahat na maging aktibo at magkaroon ng mas malusog na pamumuhay;
-Palakasin ang partnership ng ospital at mamamayan sa pagsusulong ng wellness programs;
-Magbigay ng pagkakataon upang magkasama-sama, magsaya, at magkaisa para sa ating bayan.

Sa pamamagitan nito, nais ng Calumpit District Hospital Public Health Unit at TAU GAMMA SIGMA na ipakita na ang kalusugan ay hindi lamang responsibilidad ng mga pagamutan, kundi sama‑samang tungkulin ng bawat isa. Ang bawat hakbang na ating gagawin ay tungo sa mas masigla, mas malusog, at mas matatag na komunidad.

Para sa mga nais makilahok, maaaring magpa‑register sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code na makikita sa aming poster o direkta sa link na ito:

👉 Registration Link
https://forms.gle/bnTcFyesVgoZc7PQA

Mangyaring mag-screenshot ng receipt transaction at i-upload sa google link.

💙 Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng isang makabuluhang pagdiriwang. Tara na, tumakbo, mag‑enjoy, at sabay‑sabay nating ipakita na ang kalusugan ay kayamanan!

📢 UPDATED POST 📢

"Takbo Para sa Kalusugan, Alaga Para sa Bayan"

18/07/2026

MEMORANDUM: DRF-07132026-399

PAGPAPATUPAD NG MGA HAKBANG SA PAG-IWAS SA COVID-19 AT IBA PANG RESPIRATORY ILLNESSES

Address

Caniogan
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calumpit District Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share