BHS Langogan

BHS Langogan Provide health care services

❗
14/08/2026

❗

Bhs Langogan❗
14/08/2026

Bhs Langogan❗

IKALAWANG DOSE / IKALAWANG ROUND NG VITAMIN A SUPPLEMENTATION AT DEWORMING, MAGSISIMULA NA!

Ang RHU Kapalawan, katuwang ang 7 Bangsamoro Health Stations (BHS) sa ilalim ng Kapalawan, ay magsasagawa na ng Second Dose/Second Round ng Vitamin A Supplementation at Deworming ngayong Agosto 2026!

Ang Vitamin A ay mahalaga para sa malusog na paningin, malakas na resistensya, at maayos na paglaki at development ng mga bata, habang ang deworming ay nakatutulong upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga bulate na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan at nutrisyon.

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makipagtulungan at makiisa sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Workers (BNWs), Midwives, at Nurses upang matiyak na maaabot at mabibigyan ng kinakailangang serbisyo ang ating mga kabataan.

πŸ“£ Tandaan: Ang kalusugan ng bata ay responsibilidad nating lahat!
Makipagtulungan, makiisa, at suportahan ang ating mga health workers para sa mas malusog, mas malakas, at mas masiglang mga batang Kapalawanen!

RHU Kapalawan β€” Sama-sama para sa malusog na kabataan!

"CHAMPIONING HEALTH with MOH OUTREACH HEALTH SERVICES" "Kalusugan para sa lahatβ€”serbisyong medikal na inilalapit sa bawa...
29/06/2026

"CHAMPIONING HEALTH with MOH OUTREACH HEALTH SERVICES"

"Kalusugan para sa lahatβ€”serbisyong medikal na inilalapit sa bawat komunidad ng BARMM. Sama-sama para sa mas malusog na kinabukasan. πŸ’š"

"Ang tunay na serbisyo ay umaabot sa bawat mamamayan. Patuloy na paghahatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat."

Maraming salamat to BLGU LANGOGAN headed by our Captain Yusop Nawal, sa walang sawang pagsuporta sa programang pangkalusugan, to my bhs Family bhw, bnw & bns na masisipag at maaasahan sa lahat and special thanks to ma'am Bado Zoraida Lumanggal Maongco na one call away pag need nmin ng help😍 very hands on sa lahat, sukran maamπŸ₯°

Also big thanks to team Deseret Surgimed Hospital Inc. Headed by Dr. KADIL "JOJO" SINOLINDING, MD, DPBO sa walang sawang paghahatid ng serbisyong medikal sa taong bayan ng BARMM..



27/06/2026

Assalamo alaikom; PASABOT..

Sa darating na June 29, 2026(MONDAY/ISNEN) magkakaroon po ng Medical Mission sa ating Barangay at ito ay LIBRE lamang po..At kng kayo po ang my Philhealth maaring pakidala lng po ang inyong MDR, Valid I'd at Birth Certificate kng may mga anak po kayo na ipapacheck up..

Ang matatanggap na serberyo ay;

*Free Medical Check up
*Eye Check up
*Dental
*Laboratory(Cbc, urinalysis, Platelet, Rbs at Xray)
*Medicines

Ang Venue po natin ay sa BRGY. LANGOGAN COVERED COURT.

Maari na po kayong mgpalista sa ating mga Bhw Assign sa inyong Sitio..

Amira Maongco - GANASI
Norhata P. Panawidan - PROPER
Saguira Sali at Aisa Mamaco - LINEK
Raisa Polinar Alimanan - PAGADATAN at KIBOBOLEN

Kung my mga katanungan po kayo maari nyo po akong ichat sa account na ito..

SHUKRAN&WASSALAMπŸ₯°

24/05/2026

πŸ“ŒπŸ“Œ

24/05/2026

🌟 LIBRENG OPERASYON (SURGICAL MISSION) 2026 🌟

Para sa mga residente ng SGA! πŸ“’

Sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health (MOH-BARMM) at Deseret Surgimed Hospital Inc., magkakaroon tayo ng LIBRENG OPERASYON sa darating na June 29 hanggang July 2, 2026.

MAHALAGANG PAALALA: Lahat ng nais sumali ay KAILANGANG dumaan sa PRE-SCREENING ngayong Mayo 2026 sa Deseret Surgimed Hospital Inc. para masigurong ligtas kayong maoperahan.

🩺 SCHEDULE NG PRE-SCREENING (MAYO 2026)
πŸ’Š INTERNAL MEDICINE (Para sa mga Matatanda)
β€’ Dr. Averilla: May 1-2, 8-9, 15-16, 22-23, 29-30
β€’ Dr. Penduma: May 3, 10, 17, 24, 31
β€’ Dr. Alarcon: May 4-5, 11-12, 18-19, 25-28
β€’ Dr. Espina: May 6-7, 13-14, 20-21

🀰 OB-GYNE (Para sa mga Kababaihan)
β€’ Dr. Rubie Salmorin-Mondalo: Mon / Wed / Fri / Sat (2:00 PM – 5:00 PM)
β€’ Dr. Mary Ann S. Carbon: Tue / Thu / Sat (8:00 AM – 12:00 PM)

πŸ‘Ά PEDIATRICS (Para sa mga Bata)
β€’ Dr. Lebiano: May 1–12, 20–26
β€’ Dr. Lim: May 13–19, 27–31

MGA OPERASYONG LIBRENG IBIBIGAY

🦴 ORTHOPEDIC SURGERY
β€’ Lahat ng operasyon o konsultasyon na may kaugnayan sa buto.

πŸ₯ GENERAL SURGERY / ENT
β€’ Thyroid & Parotid Surgery
β€’ Hernia Repair (Hernia) & Cholecystectomy (Bato sa Pantog)
β€’ Breast Mass Excision (Bukol sa suso)
β€’ Cleft Lip and Palate Repair (Bungigi/Bingot)
β€’ Hemorrhoidectomy (Almoranas) & Fistula in ano Surgery
β€’ Thyroglossal duct cyst Excision (TGDC)

🀰 OB-GYNE SURGERY
β€’ Total Abdominal Hysterectomy (Pagtanggal ng matris)
β€’ Cesarean Section (CS) & Myomectomy
β€’ Bilateral Tubal Ligation (BTL/Pagpapatali)
β€’ Ovarian New Growths Excision (Bukol sa obaryo)

πŸ“ Saan: Deseret Surgimed Hospital Inc.

πŸ“ Mga kailangan: Magdala lamang ng Valid ID/PhilHealth ID at Patunay ng Paninirahan (Residency Certificate) sa Malidegao .

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Ibahagi ang balita sa inyong mga kapitbahay at mahal sa buhay. Magtulungan tayong maging malusog! ❀️

Pagpalain Bangsamoro βœ¨πŸ˜‡

24/05/2026

πŸ“£ PASABOT PARA SA MGA TAGA BARANGAY LANGOGANπŸ“£

Magandang balita po! Kung kayo o ang inyong kapamilya ay may karamdaman o kondisyon na nakalista sa ibaba, maaari po kayong magpalista upang makagamit ng LIBRENG operasyon at serbisyong medikal:

πŸ“ŒπŸ©Ί GENERAL SURGERY / ENT

πŸ“β€’ Parotid Surgery – Operasyon sa sakit ng lawayan

πŸ“β€’ Thyroid Surgery – Operasyon sa bukol o sakit sa leeg

πŸ“β€’ Thyroglossal duct cyst Excision (TGDC) – Pag-alis ng bukol o pamamaga sa gitnang bahagi ng leeg

πŸ“β€’ Submandibular Gland Surgery – Operasyon sa sakit ng kulani sa ilalim ng panga

πŸ“β€’ Breast Mass Excision – Pag-alis ng bukol sa suso

πŸ“β€’ Cholecystectomy – Pag-alis ng apdo / BATO SA APDO

πŸ“β€’ Hernia Repair – Operasyon sa luslos

πŸ“β€’ Closure of Colostomy – Pagsasara ng butas sa tiyan (mula sa dati na operasyon)

πŸ“β€’ Hemorrhoidectomy – Operasyon sa almoranas

πŸ“β€’ Fistula in ano Surgery – Operasyon sa butas o sugat malapit sa puwit

πŸ“β€’ Cleft lip and Palate repair – Pag-aayos ng labi o ngalangala (ngongo)

πŸ“πŸ¦΄ ORTHOPEDIC (Pang-Buto at Kasu-kasuan)

πŸ“Œ (🀰 OB-GYNE (Pang-Kababaihan)

πŸ“β€’ Total Abdominal Hysterectomy / Bilateral Salpingo-Oophorectomy (TAH/BSO) – Pag-alis ng matris at obaryo

πŸ“β€’ Ovarian New Growths Excision – Pag-alis ng bukol o tumor sa obaryo

πŸ“β€’ Pelvic Organ Prolapse (POP) Surgery – Operasyon sa pagbaba o paglaylay ng matris

πŸ“β€’ Cesarean Section (CS) – Panganganak sa pamamagitan ng operasyon

πŸ“β€’ Myomectomy – Pag-alis ng bukol sa matris

πŸ“β€’ Bilateral Tubal Ligation (BTL) – Pagkatali ng obaryo / permanenteng pagpigil sa pagbubuntis

βœ… PAANO MAKAAVAIL?
Maaari po kayong magpalista sa nakatalagang Barangay Midwife na si Mherah Sendad Consolacion ,RM para sa Barangay LANGOGAN o kaya ay mag-chat lamang po.

πŸ“‹ KINAKAILANGAN LANG PO:

πŸ‘‰πŸ»β€’ ACTIVE PHILHEALTH (Dapat aktibo ang PhilHealth)

PARA PO SA MAY MGA KATANUNGAN:
Magtanung lamang po sakin, at sa mga BHW BNW at BNS Ng ating Brgy...

Ipaalam po ito sa inyong mga kapitbahay at kamag-anak. Maraming SHUKRAN!

Address

Sitio Proper, Brgy. Langogan
Carmen
9408

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS Langogan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share