27/03/2026
80% VS 20%: SINO ANG TUNAY NA NAGKO-KONTROL SA LANGIS?
Habang ang buong mundo ay naka-focus sa Strait of Hormuz dahil sa 20-25% na suplay ng langis na dumadaan doon, nasaan ang natitirang 75-80%? Ito ang katotohanang pilit itinatago ng mga giant oil companies—o 'Big Oil'—at ng kanilang mga kaalyado sa US at Israel.
Bakit binabalewala ang malaking bulto ng 80% ng global oil exports sa usapang ito?
Tingnan natin kung nasaan talaga sila:
Una, marami sa mga major oil producers ay hindi umaasa sa Hormuz. Ang North at South America—lalo na ang US (na ngayon ay top oil producer na), Canada, Mexico, at Brazil—ay may sariling direct access sa Pacific Ocean at Atlantic Ocean. Ang kanilang langis ay malayang naglalakbay sa global market nang hindi sumasabit sa Middle East.
Pangalawa, look at Europe at Africa. Ang UK at Norway ay may North Sea production. Ang West Africa (tulad ng Nigeria at Angola) ay diretsong nagpapadala ng langis sa Atlantic Ocean. At siyempre, ang Russia—isa sa pinakamalaking player sa mundo—ay may napakalawak na network ng pipelines papuntang Europe at Asia (tulad ng China via ESPO), pati mga port sa Black Sea.
Pangalawa, kahit sa Middle East, marami na silang options. Ang Saudi Arabia ay may East-West Pipeline (Petroline) na pwedeng magdala ng langis diretso sa Red Sea ports ng Yanbu. Ang UAE ay may Fujairah pipeline na nagbabypass sa Hormuz. Hindi sila nakakadena sa Strait.
So, anong bottom line dito? Ang natitirang 80% ng pandaigdigang langis ay hindi nagdedepende sa Strait of Hormuz.
Ito ay secure, nagmumula sa iba't ibang source, o gumagamit ng mga alternatibong ruta na pilit binabalewala ng mga media narratives.
Kaya naman, hindi shortage ang problema natin. Ang kinakaharap natin ay sistematikong HOARDING at MARKET MANIPULATION. Ginagamit lang ng Big Oil ang tensyon sa isang 20% na ruta para bigyang-matwid ang overpricing sa buong mundo at paluhurin ang mga oil-dependent countries.
Hindi lang ito usapin ng supply at demand. Ito ay