07/08/2024
Yung mga kamag anak o kapatid na hindi malalapitan financially,
hindi ibig sabhin nun hindi na sila maaasahan.
Minsan kase meron din silang dinadala or problema na hndi lang natin alam kaya wag tayong magtatampo pag hindi tayo napautang /nabigyan /napahiram.
Hindi yung pagpapautang ang sukatan ng pagiging totoong kadugo.
Maraming reasons, maraming pagsubok ang bawat isa araw araw.
Maging sensitive tayo.
May kanya kanya tayong laban na hinaharap at haharapin pa.
Yung iba tahimik lang pero nalugi pala.
Yung iba tahimik lang may sakit na pala.
Yung iba tahimik lang baon na pala sa utang.
Yung iba tahimik lang may mga binabayaran palang loans.
Yung iba tahimik lang pero may mga pag subok na pinagdaraanan sa araw araw.
Baguhin natin ang paniniwala na dahil maraming taong nakangiti sa social media at sobrang strong minsan ang gara ng porma, pasyal pasyal akala mo ok sila pero minsan hindi. Yun lang pala yung pang stress reliever nila.
Pa selfie selfie nakangiti nakatawa
pero sa likod nun durog na durog na pero pilit paring lumalaban para sa pamilya.