10/09/2026
Tag-ulan na naman! Kasabay nito ang pagdami ng lamok na maaaring magdala ng sakit na dengue.
Bilang paghahanda, siguraduhing may takip ang mga nakaimbak na tubig sa loob at labas ng inyong bahay.
Kayang-kaya nating pigilan ang pagdami ng mga lamok, lalo na ang mga nagdadala ng sakit.
🦟 Ang Aedes mosquito ay isang uri ng lamok na kadalasang nangingitlog sa malinis at nakatiwangwang na tubig.
Kapag nakagat ng lamok na may dengue, pwedeng makaranas ng mga sumusunod na sintomas:
🤒 Biglang mataas na lagnat
🤕 Sakit ng kasu-kasuan at kalamnan
🔴 Rashes sa katawan
🤢 Pagdurugo ng ilong, pagsusuka, at pagtatae na may kasamang dugo
Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility sa unang labas pa lang ng mga sintomas.
⚠️ Huwag basta uminom ng gamot katulad ng aspirin at ibuprofen nang hindi nireseta ng doktor sapagkat puwede itong magpalala ng pagdurugo.
Ang simpleng paglilinis ng paligid ay maaaring makaiwas sa malubhang epekto ng dengue.
Sama-sama nating panatilihing ligtas ang ating mga tahanan at komunidad laban sa dengue.