Bigao Health Center

Bigao Health Center Welcome to our Health Center 🫢🏻

CHIKITING LIGTAS | MRSIA 2026August 20, 2026 (Mop up)May humahabol pa! πŸ’ͺπŸ’‰ Patuloy ang ating Measles-Rubella Supplemental...
20/08/2026

CHIKITING LIGTAS | MRSIA 2026
August 20, 2026 (Mop up)

May humahabol pa! πŸ’ͺπŸ’‰
Patuloy ang ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) para matiyak na mas maraming chikiting ang mabigyan ng proteksyon laban sa measles at rubella.

Maraming salamat sa mga magulang at guardians na patuloy na nakikiisa at nagtitiwala, gayundin sa ating Punong Barangay, Committee on Health, BHA, BHWs, at BNS sa patuloy na suporta at serbisyo. πŸ™πŸ’š

Walang batang maiiwanβ€”patuloy ang pagbabakuna, patuloy ang proteksyon! πŸ›‘οΈπŸ’‰

Salamat sa Pagtitiwala πŸ’šπŸ’‰MRSIA | August 17, 2026 (Mop-Up)Maraming salamat sa lahat ng naliwanagan at nagpasiyang pa ring...
17/08/2026

Salamat sa Pagtitiwala πŸ’šπŸ’‰
MRSIA | August 17, 2026 (Mop-Up)

Maraming salamat sa lahat ng naliwanagan at nagpasiyang pa ring magpabakuna. Alam naming noong una, may ilan sa inyo na nagdalawang-isip dahil sa mga nakikita at nababasa sa social media.

Pero pinili ninyong magtanong, makinig, at higit sa lahat, magtiwala. πŸ₯ΉπŸ’š

Lalo na sa ating mga 4Ps beneficiaries, maraming salamat sa inyong pakikiisa at pagtitiwala sa ating mga health workers. Hindi man naging madali ang desisyon noong una, pinili ninyong unahin ang kalusugan at proteksyon ng inyong mga anak.

Tamang impormasyon + tamang desisyon + tiwala = protektadong komunidad. πŸ’‰βœ¨

Maraming salamat sa tiwala! Sama-sama nating panatilihing ligtas ang ating mga chikiting.
Chikiting Ligtas Brgy. Bigao!

MELLPI 2026 | Barangay Bigao, Daraga, Albay(August 12, 2026)BNC 84%BNS 76%Isang matagumpay na Monitoring and Evaluation ...
12/08/2026

MELLPI 2026 | Barangay Bigao, Daraga, Albay
(August 12, 2026)

BNC 84%
BNS 76%

Isang matagumpay na Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) ang naisagawa sa Barangay Bigao, Daraga, Albay. πŸ’š

Ang aktibidad na ito ay naging mahalagang pagkakataon upang balikan, suriin, at kilalanin ang mga naging resulta ng pagpapatupad ng ating mga programang pangkalusugan, gayundin ang mga aspeto na maaari pang paunlarin.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Jun Miraballes at Committee on Health Mercy Manriza Lucrida katuwang ang HRH-assigned personnel Shaira Arana Mapula, BNS Julie Ann Lisay, BHA at BHWs, CDW, Bigao ES, PWD president, Senior Citizen president, NGO’s, patuloy nating pinapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan tungo sa mas maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.

Ang MELLPI ay hindi lamang pagsusuri ng ating mga nagawa, kundi isang pagkakataon upang matukoy ang mga dapat pang pagbutihin at mapalakas ang ating mga programa at serbisyo pangkalusugan. πŸ©ΊπŸ’š

CHIKITING LIGTAS | MR-SIA 2026 πŸŒˆπŸ’‰August 10–11, 2026 | Barangay BigaoMatagumpay na naisagawa ang Measles-Rubella Suppleme...
11/08/2026

CHIKITING LIGTAS | MR-SIA 2026 πŸŒˆπŸ’‰
August 10–11, 2026 | Barangay Bigao

Matagumpay na naisagawa ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa Barangay Bigao, sa pakikiisa at sama-samang pagkilos ng ating buong komunidad. πŸ’š

Taos pusong pasasalamat sa pangunguna ng ating Punong Barangay Jun Miraballes, Committee on Health Mercy Manriza Lucrida, HRH assigned Shaira Arana Mapula at sa walang sawang suporta ng ating
BHA, BHWs, BNS, at higit sa lahat, sa mga magulang at guardians na nagtiwala at nakibahagi upang maprotektahan ang ating mga chikiting laban sa measles at rubella. πŸ‘§πŸ§’πŸ’‰

Ang tagumpay ng MR-SIA ay bunga ng bayanihan, malasakit, at pagkakaisa ng bawat isa. Sama-sama nating isulong ang isang komunidad na mas ligtas, mas malusog, at mas protektado. πŸ’š

Chikiting Ligtas, Barangay Bigao!
Bakuna ay proteksyon para sa ating mga chikiting. πŸ’‰πŸ›‘οΈ





07/08/2026

Dahil sa launching ng MR SIA sa provinces, ang dami kong nakukuhang inquiries at comments tungkol sa safety nito.

Ano nga ba ang MR vaccine? Pwede na bang laktawan ang scheduled vaccines pag nabakunahan nito?

πŸ‘‰πŸ» Ang MR vaccine ay naglalaman ng 2 klaseng bakuna: Measles (tigdas) at Rubella (tigdas hangin).

Marami siguro ang nagtataka kung bakit may MR vaccination campaign. Hindi po ito bagong proyekto. Nagkaroon na ng ganitong aktibidad noong 2021 at 2023.

Mas pinaigting lang ang information dissemination ngayong taon kaya mas maraming tao ang nakakaalam na tungkol dito.

🚨Ang goal nito ay supplementation lang.🚨

Ibig sabihin dagdag proteksyon para sa mga chikiting. Dagdag tulong na mapigilan ang pagkalat ng tigdas at rubella sa communities.

DAGDAG PROTEKSYON LANG.

🚨Hindi nito pinapalitan ang routine childhood immunization.🚨

So safe ba ito? πŸ€”

Simpleng sagot: YES! πŸ’―

πŸ‘‰πŸ» Kung ang isang bakuna ay hindi napatunayang ligtas at epektibo, hindi ito irerekomenda ng mga pediatricians at public health experts.

Hindi porke libre ay mababa ang quality.

πŸ‘‰πŸ» Bago ito gamitin, dumaan sa mahigpit na pag-aaral, masusing pagsusuri, at tuloy-tuloy na safety monitoring para masigurong ligtas ito para sa karamihan.

Libre na, protektado pa! πŸ’‰

03/08/2026
πŸ“’ Pagpupulong kasama ang ating mga BHW’s, BNS, BHAAugust 3, 2026Matapos ang isinagawang emergency meeting kasama ang San...
03/08/2026

πŸ“’ Pagpupulong kasama ang ating mga BHW’s, BNS, BHA
August 3, 2026

Matapos ang isinagawang emergency meeting kasama ang Sangguniang Barangay, agad namang ibinaba at tinalakay sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs) ang mga napagkasunduan bilang paghahanda sa nalalapit na MELLPI at Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization Activity (SIA) ngayong buwan ng Agosto.

Sa pagpupulong na ito, tinalakay ang mga mahahalagang gawain, target na benepisyaryo, house-to-house validation, microplanning, pagbibigay ng tamang impormasyon sa komunidad, at ang papel ng bawat BHW upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagpapatupad ng programa.

Ang tagumpay ng bawat gawaing pangkalusugan ay bunga ng sama-samang pagkilos, dedikasyon, at malasakit ng bawat isa. Maraming salamat sa ating mga masisipag na BHWs, BNS, BHA sa patuloy na suporta at walang sawang paglilingkod para sa kalusugan ng ating barangay.

Sama-sama nating maabot ang bawat bata at bawat pamilya para sa isang mas ligtas at mas malusog na komunidad. πŸ’š

πŸ“’ Emergency Coordination Meeting | Barangay Council (July 23,2026)Nagsagawa ng emergency meeting kasama ang Sangguniang ...
03/08/2026

πŸ“’ Emergency Coordination Meeting | Barangay Council (July 23,2026)

Nagsagawa ng emergency meeting kasama ang Sangguniang Barangay bilang paghahanda sa nalalapit na MELLPI at Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization Activity (SIA) na gaganapin ngayong buwan ng Agosto.

Tinalakay sa pulong ang mga plano, estratehiya, at paghahanda upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagpapatupad ng mga aktibidad. Mahalaga ang pagkakaisa at pakikiisa ng bawat opisyal at katuwang sa komunidad upang maabot ang ating mga target at maprotektahan ang kalusugan ng ating mga kababayan, lalo na ang ating mga kabataan.

Maraming salamat sa patuloy na suporta at kooperasyon ng ating Sangguniang Barangay. Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, malusog, at protektadong komunidad.

10/07/2026
June 5, 2026(House to house visit) Purok 1, Bigao, Daraga, AlbaySerbisyong kalusugan, inilalapit nsa bawat tahanan.βœ…BP M...
10/07/2026

June 5, 2026
(House to house visit) Purok 1, Bigao, Daraga, Albay

Serbisyong kalusugan, inilalapit nsa bawat tahanan.

βœ…BP Monitoring
βœ…Pre-natal Check-up
βœ… Adult and Children Consultation
βœ…PhilPEN Risk Assessment
βœ…May Measure Month 2026
βœ…Medicine Dispensing

-

Address

Bigao
Daraga

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bigao Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share