29/07/2026
PARENT/GUARDIAN ORIENTATION FOR MR-SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity)
Ngayong araw ay nagsagawa ang Nabasan Health Center ng Parent/Guardian Orientation sa pangunguna ni Mam Eunice ang ating Midwife bilang paghahanda sa nalalapit na MR-SIA na gaganapin sa Agosto 13, 2026.
Layunin ng orientation na ipaliwanag sa mga magulang at tagapag-alaga ang kahalagahan ng Measles-Rubella (MR) vaccine, ang mga benepisyo nito, at ang mga dapat asahan sa araw ng pagbabakuna. Mahalaga ang tamang kaalaman upang mabigyan ng proteksyon ang ating mga anak laban sa tigdas (measles) at rubellaβmga sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.
Maraming salamat po sa lahat ng mga magulang at guardians na dumalo, nakinig, at aktibong nakibahagi sa talakayan. Ang inyong suporta at pakikiisa ay malaking hakbang upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating komunidad.
π
MR-SIA Vaccination Schedule: August 13, 2026
π Protektahan ang bawat bata. Bakuna ang susi sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan.