01/08/2026
๐๐๐ฉ: ๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ผ๐๐ผ๐ผ? | Isturyahang HealthTEA ng BRHMC EP. 3
Sa pagtatapos ng HIV Awareness Month, samahan kami sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa HIVโisang usaping patuloy na nangangailangan ng tamang kaalaman, pag-unawa, at pagkilos.
Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa HIV, kabilang ang mga paraan ng transmission, pag-iwas, kahalagahan ng maagang pagpapasuri, at totoong mga detalye tungkol sa HIV. Tatalakayin din ang mga maling paniniwala tungkol sa HIV upang makatulong sa pagbawas ng stigma at diskriminasyon.
Makakasama natin sa ikalawang episode ng Isturyahang HealthTEA si Dr. Axel Briz bilang host at si Dr. Anna Lynda T. Bellen, CMPS at Infectious Disease Specialist ng BRHMC, upang magbahagi ng mahahalagang kaalaman at sagutin ang ilan sa mga karaniwang katanungan tungkol sa HIV.
Mapapanood ito sa aming mga opisyal na account:
๐ Facebook: https://www.facebook.com/brhmcofficial
๐ YouTube: https://www.youtube.com/
Ang tamang impormasyon ang unang hakbang sa pag-iwas. Magpasuri, alamin ang iyong HIV status, at maging bahagi ng paglaban sa stigma.
Makipagugnayan sa BRHMC BESH HUB para sa mga serbisyo o iba pang mga detalye.