22/08/2026
Ingat ka. Walang umaasenso sa kakahila ng iba pababa.
Kung gusto mong umangat sa buhay, tandaan mo ‘to.
Hindi mo kailangang apakan ang ibang tao para lang tumaas ka.
In fact, mas bibilis ang pag-angat mo kung tuturuan mong umangat din ang iba.
Pero aminin natin, may mga taong ayaw makakita ng umaangat.
Alam mo na ‘yon "crab mentality." And sadly, sobrang common nito ngayon.
Signs na baka may crab mentality ang isang tao... o baka tayo rin, minsan, may ganitong attitude at hindi natin namamalayan.
1. Inggit sa tagumpay ng iba.
Instead na matuwa, ang maririnig mo,
“Ah, nakuha niya ‘yan kasi may koneksyon.”
“Hindi ‘yan magtatagal.”
“Feeling mataas na siya ngayon.”
Celebrate people’s wins.
Kung kaya nila, kaya mo rin. Hindi ka naman nauubusan kapag may umaangat. Blessings are not limited.
2. Laging negative
Negativity is their lifestyle.
Yes, lifestyle na talaga.
Bumili ka ng bagong sasakyan?
Ang maririnig mo:
“Lakas niyan sa gas.”
“Sirain ‘yan.”
“Secondhand lang pala.”
Grabe no? Walang congratulations, puro criticism.
Nakakapagod pakinggan, ‘di ba?
kapag ikaw nagpa-apekto yare ka.
Tip: Ignore the noise. Keep going.
Ito na siguro ang pinaka-common sa lahat, lalo na sa mga bagong nagsisimula.
Sino sila?
3. Dream Stealers
Sila mismo yung unang nakaalam ng pangarap mo.
Yung in-open up mo dahil excited ka.
Pero imbes na suportahan ka, ang ibinato sayo ay duda.
"Nako, mahirap ‘yan."
"Para lang ‘yan sa may experience."
"Daming trabaho niyan."
"Wow… feeling mo kaya mo rin?"
Kita mo?
Imbes na ma-inspire sila sa tapang mo na magsimula ka.
ang pinili nilang gawin… basagin ka.
At ang masakit?
Marami ang sumusuko dahil lang sa sinabi ng ibang taong… ni hindi naman sumusubok.
Kaya, kung may pag uugali ka sa tatlong nabanggit.
O meron crab mentality.
It’s time to let go of that.
Hindi ka aasenso sa ganyang mindset.
Hindi ka aangat sa buhay kung gusto mong hinihila pababa ang kapwa mo.
To cheer instead of compete. To collaborate instead of compare. Sobrang dali lang.
Sabi nga sa 1 Thessalonians 5:11:
"Encourage one another and build each other up..."
Sa Tagalog:
"Palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon."
Mas maganda, sabayan mo sila.
Makipag-collab ka. Makipagkampihan ka.
Pareho lang naman kayo ng pangarap, 'di ba? Gusto niyo rin naman ng mas maayos na buhay.
So instead of pulling people down…
Why not push each other up?
Because success is so much better when you grow together.