Disler Vingco Therapy Service

Disler Vingco Therapy Service Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Disler Vingco Therapy Service, Alternative & holistic health service, 18 Niugan-Paliparan Road, Paliparan 1, Dasmariñas.
(432)

🟢Licensed Massage Therapist - DOH
🟢Certified in Bonesetting and Hilot Techniques

PROVIDING SOLUTIONS TO YOUR PAINS

✅Restore Joints & Body Alignment
✅Enhance Flexibility and Mobility
✅Ensures Safe, Gentle & Effective
✅Muscle Relaxation
✅Alleviate Pain

"HOME SERVICE SA PARAÑAQUE: SUKI SINCE 2022 🇯🇵→🇵🇭"Si Sir, 65 yrs old. 4 years na kaming magkasama sa laban nya sa chroni...
28/05/2026

"HOME SERVICE SA PARAÑAQUE: SUKI SINCE 2022 🇯🇵→🇵🇭"

Si Sir, 65 yrs old. 4 years na kaming magkasama sa laban nya sa chronic lower back pain. Every 3 months, regular ang therapy nya.

Ka*o eto, kakauwi lang from Japan vacation. Ang problema: Pag-uwi, hindi na makakilos ng maayos.

Salvage: Buhat ng bagahe sa airport, sa train, sa hotel. Na-strain at na-compress ulit yung lower back nya.

Kaya home service agad tayo sa Parañaque.

Ginawa natin: Hilot + Acupuncture + Massage + Gentle Bonesetting

Result: "Sir, salamat, maluwag na ulit ang paggalaw ko. Ang gaan na ng pakiramdam ko."

Yung 4 years na tiwala ni Sir - yan ang dahilan kung bakit kahit nasa bahay lang sya, tinawagan nya ko agad.

LESSON: Pag may back issue ka na, wag mag-buhat ng mabigat mag-isa sa biyahe. At pag sumumpong, wag tiisin.

Taga-Parañaque ka ba at may chronic back pain din?
Nagho-home service ako dyan. Hindi mo na kailangan bumyahe nang masakit ang katawan.

📞 09998884809 - Home Service Cavite, Parañaque, Las Piñas, Alabang
📍 Clinic: Dasmariñas, Cavite

Salamat Sir sa 4 years na tiwala. Ingat po lagi sa biyahe.



Posted with patient's consent

"GUMALING ANG BALAKANG, SHOULDER NAMAN 😅"Si Sir, patient natin last week. Reklamo nya dati ang matagal nang sakit sa kan...
27/05/2026

"GUMALING ANG BALAKANG, SHOULDER NAMAN 😅"

Si Sir, patient natin last week. Reklamo nya dati ang matagal nang sakit sa kanyang balakang.
After 1 session ng treatment, na-wala na yung sakit sa balakang nya. Happy na sana...
Ka*o eto sya ulit ngayon. Bakit?

"Sir, nawala na yung sakit sa balakang kong matagal ko na iniinda. Ka*o sumakit naman shoulder ko. Wala ako maisip kung anong pinagmulan nito, nag-basketball kasi ako nung weekend kahit may konting kirot pa at yung pagtulog ko nakatagilid."

Yan ang nangyayari pag naipit at na pwersa ang shoulder dahil sa "akala natin na magaling na tayo agad."

Hindi pa fully recovered yung katawan, pero binirit na sa basketball at pagtagilid matulog. Resulta: Nalipat lang yung injury from balakang to shoulder. Compensation injury tawag dyan.

Treatment natin ngayon: Electro-Acupuncture + Moxa + TENS sa shoulder at upper back para:

I-release yung naipong tension sa rotator cuff
Paganahin blood flow para mas mabilis mag-heal
Tanggalin yung inflammation gawa ng overuse
Advice ko kay Sir: "Pahinga ka muna sa basketball, Sir. Hindi porket wala nang sakit yung balakang, 100% okey ka na ulit. Dahan-dahan lang sa balik-laro at iwasan muna ang pagtagilid matulog."

ARAL SA MGA ATHLETE AT BASKETBOLISTA at MAHILIG MAGTAGILID MATULOG:

Pag galing sa injury, hindi full-speed agad. Rehab muna bago balik-laro.
Makinig sa katawan. Pag may "konting kirot" na, pahinga. Wag ipilit.
Hindi kahinaan ang magpahinga. Mas matagal ka sa injured list pag pinilit mo.

Ikaw, may "lumilipat" din ba na sakit sa katawan?
Balakang → Tuhod → Shoulder? Baka compensation injury na yan.

Pa-assess mo na bago pa lumala.

📞 09998884809
📍 Dasmariñas, Cavite - Disler Vingco Therapist

Gumaling ka na sa isa, wag mo naman ilipat sa iba 😅

"YUNG LIKOD MONG MATAGAL NANG SUMISIGAW NG TULONG"Yuyuko ka pa lang, masakit na.  Tatayo ka, parang may kumakagat.  Hihi...
27/05/2026

"YUNG LIKOD MONG MATAGAL NANG SUMISIGAW NG TULONG"

Yuyuko ka pa lang, masakit na.
Tatayo ka, parang may kumakagat.
Hihiga ka, hindi ka makahanap ng komportableng pwesto.

Pagod na 'yang likod mo kaka-tiis.

Yung ginagawa natin dito: Spinal Manipulation Therapy.
Binabalik natin yung tamang alignment ng spine mo para mawala yung pressure sa ugat at muscles.

Hindi magic. Science 'to.
Kita mo yung mga chart sa likod? Pag "STRAIGHT" o "REVERSED CURVE" na spine mo, dun nagsisimula ang sakit.

Ibalik natin sa "NORMAL".

Stop ka na sa "tiis lang".
📞 09998884809
📍 Dasmariñas, Cavite

Isang session pa lang, mararamdaman mo na difference.

CASE: "EXERCISE" NA NAGING SAKIT SA BALAKANGSi Tatay, 72 yrs old. Pumunta sa clinic kasi sumasakit ang tagiliran ng bala...
26/05/2026

CASE: "EXERCISE" NA NAGING SAKIT SA BALAKANG

Si Tatay, 72 yrs old. Pumunta sa clinic kasi sumasakit ang tagiliran ng balakang.

Reklamo ni Sir:
"Kuya, masakit dito sa gilid ng balakang ko. Hindi ako makakilos ng maayos."

Assessment ko:
Pag kapa ko sa may bandang itaas ng balakang nya, may malalaking bilog-bilog na namamaga. Hindi sya bukol o buto - muscle inflammation yan. Yung QL muscle at Glute Medius nya sobrang tight at namamaga.

Saan nakuha?
Araw-araw daw si Tatay nagwawalis, nagbubuhat ng timba, naglilinis ng bakuran. Akala nya exercise yun para lumakas katawan nya sa edad na 72.

Ang hindi nya alam:
Sa edad nya, yung paulit-ulit na pagyuko, pag-twist, at pagwawalis ang mismong dahilan kung bakit namaga at sumakit yung tagiliran ng balakang nya. Overuse injury tawag dun.

Imbes na lumakas, na-stress lalo yung muscles kasi hindi na kaya ng katawan nya yung ganung klaseng galaw araw-araw.

Treatment natin:
Ventosa Therapy muna sa buong lumbar at glute area para:

Paganahin yung blood flow sa namamagang muscles
Tanggalin yung naipong lactic acid at pamamaga
I-relax yung mga nag-spasm na muscles sa tagiliran ng balakang
Result after:
Pagka-tanggal ng ventosa, sabi ni Tatay: "Ay gumaan yung pakiramdam ko. Nabawasan yung kirot."

Advice ko kay Tatay:
"Tay, hindi po masama mag-exercise. Pero sa edad nyo, hindi na po pwede yung walis-linis buong araw. Light walking na lang po, 15-20 mins. Tapos pahinga. Yung gawaing bahay, hati-hati nyo na sa pamilya. Ang goal natin ay gumaling, hindi mapagod lalo."

ARAL MGA BRO:

Hindi lahat ng galaw, exercise. Minsan, yun pa ang sumisira sa katawan lalo na pag senior na.
Pag may nakapa kang maga sa tagiliran/balakang, wag mo pilitin hilutin ng matigas. Ventosa muna para lumambot.
Sa mga lolo at lola natin: Pahinga din pag may time. Hindi nyo na kailangan patunayan na malakas pa kayo 💪
May sumasakit din ba sa tagiliran o balakang mo?
Baka overuse din yan sa trabaho o gawaing bahay. Pa-assess mo muna.

📞 09998884809
📍 Dasmariñas, Cavite - Disler Vingco Therapist

Hindi lahat ng masipag, healthy. Minsan, kailangan din magpahinga.

thank you so much po mga mam and sirs. After 4yrs back visit kayo ulit 🫡🙂
25/05/2026

thank you so much po mga mam and sirs. After 4yrs back visit kayo ulit 🫡🙂

Akala ni Sir, SLIP DISC na... PIRIFORMIS lang pala! 😱Kagabi, home service sa Gentrias Cavite. Si Sir, ilang araw nang hi...
24/05/2026

Akala ni Sir, SLIP DISC na... PIRIFORMIS lang pala! 😱

Kagabi, home service sa Gentrias Cavite. Si Sir, ilang araw nang hindi makalakad nang maayos. Sabi nya parang may slip disc daw kasi yung sakit umaabot sa binti.

Pag-check ko, hindi disc ang problema. PIRIFORMIS MUSCLE ang salarin!

Kwento nya, dati na raw nya nararamdaman. Na-trigger lang nung umakyat siya sa upuan, tapos pagbaba niya na out balance siyabat biglang napabigla paatras. Na-pwersa yung balakang nya.

After 1 session ng therapy, guminhawa naman pakiramdam ni Sir. Hindi pa 100% pero nagpasalamat pa rin siya kahit konti pa lang ang ginhawa 🙏

Lesson: Hindi lahat ng sakit sa balakang = slip disc agad. Minsan muscle lang ang naiipit!

Kaya wag tiisin. Pa-check agad para malaman natin ang totoong cause.

HOME SERVICE AVAILABLE - Ako na pupunta sa bahay nyo! 🚗

📍 18 Niugan Road, Paliparan 1, Dasmariñas, Cavite
📞 09998884809
💬 PM "HOME SERVICE" para sa schedule

"Tsaa Muna Bago Uwi ☕✨Pagkatapos ng therapy session, guminhawa na ang pakiramdam nina Ma'am! 😊 Mas masarap magkuwentuhan...
23/05/2026

"Tsaa Muna Bago Uwi ☕✨

Pagkatapos ng therapy session, guminhawa na ang pakiramdam nina Ma'am! 😊 Mas masarap magkuwentuhan pag wala nang iniindang sakit.

Dito sa clinic, hindi lang katawan ang inaalagaan. Pati puso at kalooban, pinapagaan din natin.

Salamat po sa tiwala mga Ma'am! Balik po kayo 🙏

Para sa mga gusto ring guminhawa:
✅ Hilot Therapy
✅ Acupuncture
✅ Spine Alignment
✅ Pain Relief Therapy

OPEN KAMI ARAW-ARAW: 9:00AM - 9:00PM

📍 18 Niugan Road, Paliparan 1, Dasmariñas, Cavite
📞 09998884809
💬 PM "PA-SCHEDULE" para sa appointment

Solid WE ARE OPEN EVERY DAY! 🙏May nararamdaman ka bang:Sakit ng likod at leegPanghihina ng paa at kamayNgalay sa balikat...
22/05/2026

Solid WE ARE OPEN EVERY DAY! 🙏

May nararamdaman ka bang:
Sakit ng likod at leeg
Panghihina ng paa at kamay
Ngalay sa balikat dahil sa upo
Hindi makatayo ng diretso

Tara, tulungan ka namin bumalik sa dati mong lakas!

Services namin:
✅ Hilot Therapy - Para sa lamig at pasma
✅ Acupuncture - Ginigising ang ugat na natutulog
✅ Spine Alignment/Bone Setting - Para sa tabingi at ipit
✅ Pain Relief Therapy - Para sa sciatica, frozen shoulder, rayuma

OPEN KAMI ARAW-ARAW: 9:00AM - 9:00PM

📍 Visit us: 18 Niugan Road, Paliparan 1, Dasmariñas, Cavite
📞 Book your appointment: 09998884809
💬 PM lang: "PA-SCHEDULE"

"Hindi normal na tiisin ang sakit. May solusyon pa dyan."

"Maraming Salamat po sa Inyong Tiwala at Suporta! 🙏"Salamat sa lahat ng nagtiwala sa aking therapy services! 😊 Nandito a...
22/05/2026

"Maraming Salamat po sa Inyong Tiwala at Suporta! 🙏"

Salamat sa lahat ng nagtiwala sa aking therapy services! 😊 Nandito ako para tulungan kayo na bumuti ang kalagayan.

Para sa mga naghahanap ng:
Hilot Therapy
Acupuncture
Spine Alignment
Pain Relief

Bisita lang sa clinic o DM/Tawag sa:
📍 18 Niugan Road, Paliparan 1, Dasmariñas, Cavite
📞 09998884809

Salamat ulit sa support! 🙏"

SIR, SIMULA NUNG NAHULOG AKO, LUMALA YUNG PANGHIHINA NG PAA AT KAMAY KO" HOMESERVICE GMA, CAVITEKagabi sa GMA, Cavite. S...
21/05/2026

SIR, SIMULA NUNG NAHULOG AKO, LUMALA YUNG PANGHIHINA NG PAA AT KAMAY KO" HOMESERVICE GMA, CAVITE

Kagabi sa GMA, Cavite. Si Sir, 57 y/o. Mag-isa lang sa bahay kasama mga a*o nya.

Buong kwento nya:
"Sir, dati akong driver. Ilang taon nakaupo sa manibela. Medyo mahina na talaga paa ko dati pa. Pero nung nahulog ako ilang buwan na nakaraan, dun na lumala. Na-bedridden ako. Pagka-recover ko, eto na - parang bibigay yung paa ko pag tatayo. Pati kamay ko, may humihina na din."

BAKIT LUMALA NUNG NAHULOG SI SIR?
Pinakita nya sakin yung X-ray nya kagabi. Dalawang parte ng spine ang may problema:

LOWER BACK: May tabingi + bone spurs
Tabingi yung spine sa baywang dahil sa tagal na pag-upo dati.
May mga patulis na buto o bone spurs na tumubo.
Nung nahulog sya, naalog yung mga ugat na naiipit na dati pa. Kaya yung dating mahina lang na paa, biglang lumala nung nag-bedridden sya ng ilang buwan. Humina lalo yung muscles kasi hindi nagagamit.
LEEG/CERVICAL: Straight + Disc budged
Kaya pati kamay nya nanghihina na - kasi yung ugat na papunta sa kamay, galing sa leeg. Pag naipit yun, hihina yung kapit at magmamanhid yung bra*o.
Sa madaling salita: Buong spine ni Sir ang apektado. Hindi lang lower back. Kaya paa at kamay, parehong apektado.
Sabi ni Sir: "Kaya pala Doc. Akala ko dahil lang sa hulog. Yung pala matagal na palang may sira, na-trigger lang nung aksidente."

ANONG GINAWA NATIN?
Kailangan mahanap muna yung pinaka-ugat ng problema.

Acupuncture sa likod, binti, at batok - Para gisingin yung mga ugat na natutulog kaka-bedridden nya. Para lumakas ulit daloy sa paa at kamay.
Hilot + Scraping - Tinanggal natin yung mga namuong lamig at tigas ng mga muscles. Yan yung naipon nung ilang buwan syang nakahiga lang.
Gentle na alignment - Sa lower back at leeg. Dahan-dahan lang.

Pagkatapos ng session:
Pinaupo ko sya, tapos patayo. "Sir, gumaan na po pakiramdam ko. Parang nabuhayan," sabi nya.

Tanong agad: "Sir kelan tayo ulit? Gusto ko na makalakad ng normal."

BAKIT 20 DAYS MUNA BAGO ULIT?
Pinaliwanag ko: "Sir, tatlong dahilan:"

Kaka-gising lang ng ugat mo - Ilang buwan ka bedridden, Sir. Yung ugat mo sa paa at kamay, natulog. Ngayon nagising lang. Kailangan nya 2-3 weeks pa.
Namamaga pa yung naipit dati - Yung hulog mo, parang nagka-pasa sa loob yung ugat. Kakatapos lang natin kalasin. Pag inulit agad, babalik yung maga.
Muscle rebuilding - Sa tagal mong nakahiga, lumambot yung muscles mo. Hindi therapy lang ang gamot dyan. Kailangan din ng tamang pahinga at dahan-dahang exercise para tumibay ulit.
Ang usapan namin: "Sir, wag natin madaliin. Ang goal natin, sa 3 buwan, ikaw na maglalakad papunta sa kanto. Hindi yung gumaan ngayon, tapos next week balik na naman sa dati."

PARA SA MGA NAHULOG, NA-BEDRIDDEN, O MAY PANGHIHINA NG PAA AT KAMAY:

Hindi porke nakatayo ka na after maaksidente, okay na lahat.

Warning signs na may naipit pa ring ugat:

Nanghihina yung tuhod o paa pag tatayo galing upo
Parang may kuryenteng gumuguhit sa binti o bra*o
Nanghihina yung kapit ng kamay - nalalaglag yung ba*o o kutsara
Nakakayuko pa, pero may "pitik" o sakit pag binilisan
May history ng matagal na pag-upo, pag-drive, o bedridden
Hindi yan normal na pagtanda lang. May explanation yan. At may solusyon pa.

PM nyo ko. Pag-usapan natin X-ray nyo. Libre ko i-explain kung bakit nanghihina yung paa at kamay nyo. Mas mahirap yung nangangapa sa dilim.

📍 Home Service: Cavite, Laguna, Batangas nearby areas
📞 09998884809
💬 Message: "PA-CHECK BUONG SPINE"

Posted with patient's consent. Back view only for privacy.

CLINIC STORY: HULOG SA DRAWERMay mag-ina na bumisita kanina sa clinic. Si Baby Girl, umakyat daw sa drawer tapos nahulog...
20/05/2026

CLINIC STORY: HULOG SA DRAWER

May mag-ina na bumisita kanina sa clinic. Si Baby Girl, umakyat daw sa drawer tapos nahulog. Pag bagsak, siko nya ang sumalo sa sahig.

Pagdating dito, namamaga at may pasa na yung elbow. Si Mommy, hindi na mapakali.

"Sir, na-dislocate po ba? Mabalian kaya anak ko?"

Chineck natin agad si Baby. Oo, masakit at maga. Pero naigagalaw nya pa kahit konti. Walang deformity. Hindi naka-lock yung siko.

Pinaliwanag ko kay Mommy: Pag dislocate po, hindi na talaga maigalaw at iba na yung itsura ng elbow. Parang wala sa lugar yung buto.

Kay Baby, soft tissue injury lang - nabugbog yung laman at muscles sa lakas ng impact. Hindi bali, hindi pilay.

Ginawa natin: Ice, gentle assessment, at tinuruan si Mommy ng home care. After ilang minutes, gumaan na pakiramdam ni Baby. Si Mommy, nakahinga na rin ng maluwag.

Lesson dito: Hindi lahat ng bagsak, bali agad. Pero wag manghula. Ipa-check pa rin para sure at para matanggal yung kaba.

Minsan, mas kailangan ng magulang yung paliwanag kaysa sa gamot.

Kaya salamat po sa tiwala, Mommy. Pagaling ka Baby Girl 💙

---
Para sa mga anak nyong mahilig maglaro:
📍 May assessment & pediatric care tayo dito sa clinic
📞 Tawag/Text: 09998884809
💬 Pwede mag-DM kung may tanong

Posted with parent's consent. Patient privacy protected.




Address

18 Niugan-Paliparan Road, Paliparan 1
Dasmariñas
4118

Opening Hours

Monday 8am - 9pm
Tuesday 8am - 9pm
Wednesday 8am - 9pm
Thursday 8am - 9pm
Friday 8am - 9pm
Saturday 8am - 9pm
Sunday 8am - 9pm

Telephone

+639998884809

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Disler Vingco Therapy Service posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Disler Vingco Therapy Service:

Share